"So nasaan na? tatlo kayo don so baka madami kayo nasagap na balita or something." Hailey said. Nagmamadali na ito kanina pa para sa information daw na nakuha namin sa lakad kahapon.
And to answer her question honestly, wala. Kasi wala naman talaga. Pictures lang at ang balita na panalo si Salvatore. Other than that wala na.
"He won." tipid kong sagot.
"Ayon lang?"
Ayon lang.
We are too pre occupied sa mga nangyari. Ang dalawa ay panay pa din ng pakita ng mga pictures kahapon while Margo is still silent.
Ang insensitive para hindi nila makita na may dinaramdam na ang kaibigan namin. Like she was so silent kanina pa pero ayon lang ang inaalala ni Hailey.
Pinagmasdan ko si Margo na nakatitig sa kawalan. Ni parang hindi na ito kumukurap.
"Margo.." I called her. Sa sobrang occupied na utak ata ay hindi nadinig ang tawag ko.
I think I was right, he was the knight and shining armour na tinutukoy niya noon. Siya iyong crush na crush niya. Pero anong nangyari?
Iniisip ko na lang na baka nasaktan siya dahil nakita niya na may babaeng kasama. Pero we aren't sure if girlfriend niya ba iyon.
"Margo.." muling tawag ko dito. This time nadinig na niya nilingon niya ako. Pansin ko sa mga mata nito na namumugto at bahayang nang gigilid nanaman ang luha. kanina kasi hindi ko ito masyadong nakikta dahil sa kawaan siya nakatingin.
"What happened?" Agad akong nag panic ng makita ang lagay nito. She was looking at me at palagay ko pag nag salita ito ay tutulo na ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.
Umiling lang ito at hindi na nakapag salita. Gusto ko siyang kulitin kung anong problema pero mukang hindi siya comfortable na sabihin pa iyon.
"Excuse me.." Tumayo ito at umalis kung nasaan kami nakatambay ngayon.
"Anong nangyari don? Weird ha!"
Hindi ko na napigilan ang tumingin kay Hailey at umirap dahil sa sinabi nito. Margo just texted me na mag hahalf day siya at nakapag pasundo na ito sa driver niya. Kaya ang planong tanungin siya about her problem ay naudlot.
Maybe tomorrow..
"Kulang na kulang ito, Celeria." pahisteryang sabi ni Hailey.
"Ano pa ba ang kulang?" I ask pauwi na kasi dapat ako ng harangin nanaman ako ni Hailey. Konti nalang sana ang agwat ko sa SUV namin pero naabutan pa din talaga ako.
"Madami. Ayaw ko nalang ng pictures, Celeria. I want more.. Like information or his belongings ganon!"
Obsessed na ata ang isang ito. Ano bang meron sa Salvatore na iyon.
"Hailey.." marahan pero may diin kong tawag dito.
"Do you want me to be sad? huh? like Margo.." Agad akong napabaling sakanya ang planong pag alis sa harap niya ay naudlot.
Remembering Margo's face a while ago. Medyo nakonsensya ako. Ang sakit makita na ganoon siya at ayaw ko naman din na makitang ganoon si Hailey. She's my friend they are my friend.
"Ayaw mo diba?" Hailey's now holding my pulse. "Margo seems heartbroken kanina.. Alam kong pansin mo iyon"
Nanliit ang mga mata ko na tiningnan si Hailey. Napansin niya, pero wala siyang ginawa kanina.
"So you know?"
"Uh.. hindi hula lang.. Aba malay ko sa nangyari diba. I'm not with all of you kahapon. pero syempre gusto mo ba na ganoon ako nakatulala nalang din kasi malungkot. Hula ko lang naman iyon na baka kaya siya malungkot kasi broken hearted."
Hindi ko na ata mabilang ang ilang beses kong pag irap sa araw na ito. Medyo pansin na ata ni Hailey na naiinis na ako at hindi na nakukumbinsi pa.
"Sorry... Sorry Celeria."
Nilingon ko ito muli at nakitang nanggigilid ang luha. Bahagya akong lumapit pero umatras ito.
"I'm sorry.. I just think na ikaw ang makakatulong saakin pero mukang ayaw mo..." Marahas nang gumalaw ang balikat nito ng dahil sa pag iyak.
"No, I want to help you ofcourse you are my friend Hailey. Pero.."
"Right.. pero.. Lagi nalang may pero. Sorry Celeria hindi na dapat ako nakikisuyo sayo." Tiningnan niya akong may halong galit ang mga mata. I was so confused now.
"It's not that I don't want to help you, Hailey–"
"Sorry.. Akala ko lang talaga tutulungan mo ako. Because I'm your friend!"
Hindi pa ako nakakapag salita ay tumakbo na ito papalayo.
"Hailey!" tawag ko dito pero hindi na niya ako nilingon pa.
I was so stressed ng makauwi na ako sa bahay. Dad's not here yet baka over time nanaman siya sa kompanya. Binaba ko ang gamit ko at nahiga sa sofa for a while. Great! now my two friends are sad.
"What am I gonna do?"
Tumayo ako at nag ayos ng sarili para makapag dinner na. I want to wait for my dad pero nag message ito na mauna na ako dahil baka nga mag over time daw siya.
Since hawak ko din naman na ang phone ko I decided to text, Hailey and apology.
Me:
Hi, Hailey hope I'm not bothering you at this point. I would like to say sorry about what happened kaina sa parking lot. I'm sorry if you think that way. I just want to say that, that is not true. You are my friend and you are important to me. I hope you reply on my message please..
Pag katapos kong itipa ang mensaheng iyon ay ibinaba ko na din ang aking cellphone para sana makapag dinner na. I finish my food at umakyat na ulit sa taas.
I found a notification from Hailey.
Hailey:
I was deeply hurt. To be honest I'm so mad at you right now. I just replied to your message because you're still my friend. Because I'm that type of friend who doesn't neglect a friend.
Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone habang binabasa ang message niya at nag tipa ng panibagong mensahe.
Me:
What can I do para mawala ang galit mo? I want us to be okay..
Halos iuntog ko ang ulo ko sa sinabi kong iyon. Alam ko na ang mangyayari alam ko na ang favor na hihingiin niyan. Stupid Celeria.
Hailey:
Wala.
Wala? buti naman.
Magtatalon na sana ako ng bigla muling tumunog ang cellphone ko.
Hailey:
Actually..
Isa lang naman ang hinihiling ko sana. Alam kong alam mo na iyon.
There you go. Ano pa nga ba. I just agreed again. Inisip ko na lang na pang sorry ko iyon sakanya. Matatapos din ito.
Parang wala din naman nangyari kinabukasan dahil sobrang saya nanaman ni Hailey. She even hugged me and said na wag ko na daw siyang awayin dahil ayaw naman daw talaga niya na nag aaway kami.
Nagulat pa ang tatlo na mag kaaway daw pala kami kahapon. Dahil wala nga kasi silang Idea.
"Yeah.. we fight pero hour lang ang itinagal. You know mapag patawad naman kasi ako. Kahit may ginawang mali saakin si Celeria ayos lang."
"Really?" Mapanuyang tanong ni Margo. Napatingin nadin ito saakin. I smiled at her. Agad naman itong umiling nalang.
The ring bell a sign na tapos na ang aming lunch break. Tumayo na sila at nag patuloy na naglakad. Habang akoy naiwan para ayusin ang gamit ko. Nagulat ako na nag paiwan din pala si Margo.
"What is it now?" Sge asked.
Hindi ko pa nakuha nung una pero ng binalingan niya si Hailey ba malayo na saamin ay saka ko lang na realized.
Tiningnan ko ang seryoso niyang ekspresyon. Wlaa na iyong kahapong itsura niya. She was in her usual expression now. Pero nay bakas pa din ng pag iyak sa kanyang mga maa kung ttitigan mo iyon ng mabuti.
"Ganoon lang ulit. A small favor." kibit balikat kong sagot.
"Saan naman ngayon?"
"I don't know yet, Ang sabi ay isesend nalang niya ang location.." I smiled a bit "Ngayon nalang ulit." I said just to assure her.
"Hindi ako naniniwala..." Bahagya itong napatigil ng makitang tapos na ako sa pag liligpit ng gamit ko. "Samahan kita?"
Nagulat ako sa sinabi niya pero agad din akong tumango tango. Para akong batang sobrang saya dahil may makakasama ako.
Hindi na din naman namin nabanggit sa iba pa na sasamahan ako ni Margo sa lakad ko mamaya. After class ay nag paalam na din kami sakanila. I insist na daanan nalang namin si Margo sa bahay nila para hindi na ito mag pahatid sa driver niya. Pumayag naman siya kaya wala na din kaming mahabang pinag usapan at tumulak na sa kanikaniyang mga bahay.
Hailey just sent me the location, I am not familiar sa location na iyon kaya naman hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin. Kasama ko din naman si Margo kaya di na ako masyadong nag abala.
I just texted daddy na aalis ako with Margo and he agreed dahil busy din naman ito sa kompanya ay baka mauna pa din akong umuwi dito kahit abutin pa ako ng gabi sa lakad namin.
Wearing a maong skort and a sando ay pumunta na ako sa bahay nila Margo para sunduin siya. Hinayaan ko naman nakalugay ang buhok ko na may soft curls sa dulo.
"Manong sa Subdivision po nila Margo.." paalala ko kay Kuya Bert ang driver namin.
Malayo palang kami ay natatanaw ko na si Margo sa labas ng gate nila binabantayan ng mga body guards ng kanilang bahay. Just like me Margo is rich at meron din mga body guards, masasabi kong angat lang kami ng kaunting mga business compare to them pero may ikabubuga din talaga ang kanilang pamilya.
Margo is wearing a sweet heart plain white short dress and her hair is in a high pony tail.
"Hi Gorg!"
She playfully rolled her eyes and smiled at me.
"Look who's talking.."
We both chuckled at that.
"So where are we?" Itinaas nito ang isang kilay at tiningnan ako ng seryoso.
"Yup! here.. do you know this place?" I asked habang pinalakita sakanya ang location na sinend ni Hailey.
"Ohh.. usual spot huh? I wonder who's with him?"
"huh? are you familiar with this place?" Nagtataka kong tanong. Tila nagulat siya sa pag tatanong ko at agad na napailing.
"Wala.. and yes I am nang galing na ako dito ilang beses na din naman." I just nodded.
Binigay ko nalang sa driver ang location at ihinilig ang sarili sa upuan ng sasakyan. Iidlip pa sana ako pero sabi ni Margo ay malapit lang naman daw ito kaya hindi na natuloy ang binabalak na pag tulog sana.
Tama din naman siya at walapang ilang minuto ay nandito na kami sa location na sinend ni Hailey.
"What kind of place is this?" tanong ko ng makababa kami ng sasakyan.
Tila hindi ako na didinig ni Margo sa mga sinasabi ko dahil dirediretso na itong pumasok sa loob. Sinalubong kami ng isang guard at tinanong kung may membership ba kami.
I am not yet sure of this place pero base samga nakikita ko sa paligid it was a shooting range.
Agad na nilahad ni Margo ang kanyang membership. Ako naman ay tiningnan ng guard kaya agad akong kinabahan I don't have my membership yet.
"Omg! I forgot to tell you Celeria.."
Nakakapag taka din dahil may Membership na si Margo. I don't know na hobby pala niya ito.
"Uh.. I don't have membership yet po" I said honestly "But I would like to register." dugtong ko naman.
Kahit ngayon lang naman ako dito at di na babalik ay wala na akong magagawa kaya mag papa member na ako yun lang din naman ang paraan para makapasok ako ngayon.
"Siya yon diba?" Tanong ng babae na nasa counter sa guard na naandoon. Binalingan naman ako ng tingin ng guard at tipid na ngumiti.
"Okay na po Ma'am.. here is your membership card." bahagya akong nagulat sa sinabing iyon ng tao sa counter.
Nagtataka din akong binalingan ni Margo. Inabot saakin ng Cashier ang gold membership iba ito sa membership na mayroon siya.
"I think I should upgrade mine next time? How much did you pay for that?"
"I didn't pay yet.." I said when I remember. Palakad na sana ako palapit sa loob ng maalala iyon. Basta lang din kasi inabot saakin sa counter at pinayagan na kami pumasok sa loob after non.
"Where should I pay?"
I asked the body guard pero umiling lang ito.
"I'm so confused.." Margo said. Well ako din naman. Pero siguro ganoon lang dahil may special deals sila?
Ay ewan. Ang importante ay nakapasok ako here.
"You can go inside Ma'am.." Itinuro kami ng isang lalaki sa pintuan kung saan kami papasok.
"That's for gold membership, Kuya!" Margo said when she noticed.
"Gold naman po si Ma'am" Sabi nito at binalingan ang hawak kong membership card. Oh right!
"So we can go there?"
Tumango ang guard at nag paalam naumalis.
"Wow.. I expect na doon tayo sa malayo manonood at tatanawin lang sila sa transparent glass.."
"Sila?"
"Uh.. sila Salvatore.. ma-malay mo may kasama." nauutal niyong sagot hababg nag iiwas ng tingin.
"May kasama siya?"
Natigilan nanaman ito at halos namumutla na ngayon.
"I don't know.. Malay nga lang diba. I'm not sure!" deensive nitong sagot. "Let's go inside na!"
Nauna na itong mag martsa sa loob at halatang iniiwasan ang mga itatanong ko pa sana.
Fine mukang wala din naman na akong dapat pang itanong. I should do what I have to do para makauwi na.
And that is to stalk Salvatore.