Maxine Avila’s POV “Please… please… Please, Lord. ‘Wag nyo pong hahayaan na may mangyari na masama sa mga bata!” Abot hanggang langit na dasal ko. Halos namumugto na ang mga mata ko kakaiyak habang nasa taxi at papunta sa ospital kung saan isinugod sina Layla at Errol. Muli kong hinawakan ang cellphone at agad akong nag-dial ng number ni Ethan. Gusto kong marinig dito na okay lang sina Layla at Errol. Malaman ko lang na wala sa bingit ng kamatayan ang dalawang bata ay baka kumalma na ako ngayon. Tatlong beses na ‘yata akong nagtatangkang tumawag ay hindi pa rin ako nito sinagsagot. Sa isip ko ay napapamura na ako. Gusto ko lalong magwala dahil sa labis na stress. Siguradong ganito ang nararamdaman ni Ethan kanina nang nagtatangka itong tawagan ako kanina. ‘Yung emergency case na pero

