Maxine Avila’s POV Agad na nanikip ang dibdib ko dahil sa nakitang paghawak nang babae sa dibdib ni Enzo. Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa kamay ni Enzo na naka-holding hands pa rin sa akin. Kulang na lang ay mapiga ko ang kamay ni Enzo sa biglang inis. Akmang aagawin ko na ang kamay ko dahil na-bwisit na ako ay doon naman ayaw bitawan ng lalaki ang kamay ko. Tiningnan ko si Enzo at nagtama ang mata namin. Bigla naman itong lumayo sa babaeng malandi matapos tanggalin ang tingin sa akin kaya buti na lang ay natanggal na ang pagkakalapat ng babae sa dibdib ni Enzo. Nalalandian ako sa babae dahil halatang nagpapa-cute ito ngayon sa boyfriend ko. Tumikhim ako at bigla naman na binaling sa akin ng babae ang pansin niya. Seryoso lang akong tumingin sa babae. Ewan ko kung nahahalata nito

