Maxine Avila’s POV “We’re here, baby ko…” Marahan ko lang minulat ang mata ko nang maramdaman na hinawakan ni Enzo ang kamay ko. Makakatulog na pala ako kung hindi niya ako tinawag. Ramdam ko na kasi ang pagod ko sa sobrang dami ng nangyari ngayon lang araw na ito. Agad kong kinuha ang kamay ko nang pagalit, gusto kong maramdaman nito ang inis ko sa kanya. Naiinis pa rin ako sa boyfriend kong alam ko naman na hindi naniniwala sa akin. Nawalan na rin ako ng lakas kanina na ipagtanggol ang sarili ko sa pinagsasabi sa akin ni Glaiza. Kung bakit ba naman kasi hindi umayon sa akin ang sitwasyon? Kung nakuhanan ko lang ng picture ang lalaking iyon ay mas okay. Ang sabi naman ni Enzo sa akin kanina ay ipapa-review niya raw ang cctv sa may ospital kung saan ko nakita sina Glaiza. Pero kani

