Maxine Avila’s POV “Why, dad?” singit naman ni Ethan. “Hanggang saan ba kayang dalhin ng selos ang isang tao? Hindi ba ikaw ay kinaya mo ring manakit dahil nagseselos ka? Kagaya ng ginawa mo kay Clifford? Pati kahihiyan mo tinanggal mo na rin!” “Ethan—" “Ethan, mag-usap muna tayo.” Putol ko sa sasabihin ni Enzo. Ayokong mag-away pa silang mag-ama. Mas importante ngayon ang kaligtasan ng mga bata. “Niloloko kayo ng babaeng iyan!” singit ko naman. “May kinalaman siya sa nangyari kay Erwan. Kilala niya ang mastermind. Pinakita niya pa sa akin ang picture. Nasa bag niya! Hindi ko siya sinaktan, pinapalabas niya lang.” Mas lalo naman na humagulgol si Glaiza. Nakita ko pang tumindi ang pagkakayakap nito kay Ethan matapos ay humiwalay ito. Hinawakan pa nito sa kamay si Ethan at nilingon si En

