Maxine Avila’s POV “Max!” Lumingon ako kay Klea na nasa tabi ko na at hindi pinansin ang isang usurerong estudyante na nagsabing tatay ko raw si Enzo. Hindi ko naman kilala iyon na napadaan lang para maki-chismis. Tsaka hindi man lang ba nito nakita na halos hindi na ako makahinga sa paghagulgol para kausapin pa siya. “Klea, help!” Sigaw ko at tinabig tuloy ang tsismosa na nakaharang sa amin. “Kailangan nilang maawat! Pigilan niyo sila! Please tumawag kayo ng guard!” Pagmamakaawa ko. Patuloy pa rin ang paghagulgol ko at nakahawak na lang ako sa dibdib ko sa labis na shock. I’m sure na possible na ipatawag pa ako sa dean’s office kapag lumala pa ang suntukan nila. Paano ko lulusutan ito? Ano sasabihin ko? Pinag-aagawan akong dalawang lalaki na ‘to? Iniisip ko pa lang na mabubuking ako ng

