Maxine Avila’s POV Natawa ako nang pagak sa narinig kay Enzo. At talagang gusto niya pa na doon sa kwarto niya magpaliwanag? As if naman na hindi ko alam ang gusto nitong gawin. “Ayoko.” Ngayon ay pigil na ang lakas ng boses ko dahil bahagyang gumalaw ang isa sa mga bata. Mabuti na lang pala at dumulo ako ng higa. Dahil kung pinagitnaan ako ng mga bata ay baka may magising sa kanila nang sumampa sa kama si Enzo. “Please, baby ko. Mali ang iniisip mo. Hindi ko sinadyang halikan si Glaiza. She’s the one—” “Lorenzo, wala ako sa mood makinig ngayon sa paliwanag mo!” Mariin kong sabi. Hinawakan ni Enzo ang kamay ko at hinila iyon papunta pa sa dibdib nito. Naramdaman ko tuloy ang t***k ng puso nito. Natigilan ako bigla dahil mula sa dim light ay kita ko kung gaano ako gustong makausap ng

