Maxine Avila’s POV “What!?” Bigla naman na tumaas ang boses ni Luisa. “That itchy witchy! I knew it… gagawin niya ang lahat para magkabalikan sila ni daddy. I hate her! Inaagaw na naman niya ang attention ni daddy sa atin!” Hindi ko na magawa pang pansinin pa ang mga hinaing ng dalawang dalaga ni Enzo. Iniintindi ko ang sakit ng puso ko ngayon. Kung nang nakakaraan ay wala pa akong karapatan sa nararamdaman kong selos, ngayon meron na. Ilang araw palang kaming officially in a relationship ay gagawin na ito sa akin ni Lorenzo!? “Luisa! Lindsey! Stop it! Nasa harap tayo ng hapag kainan at naririnig ng mga bata.” Saway naman ni Ethan. “Pwede ba hayaan mo muna natin si daddy sa relationship niya?” Napatingin naman ako kay Ethan na ang pansin ay nasa dalawang kapatid nito. Parang lalong sum

