Chapter 4: LARO SA APOY

1020 Words
Nabigla si Angelic nang bigla siyang hilain ng lalaki. Sa kabiglaan ay hindi naiwasang napaupo sa kandungan nito. Bakas din aa mukha ng lalaki ang pagkabigla sa ginawa nitong kapangahasan sa kanya. "I'm sorry," dinig niyang hingi nito ng paumanhin sa kanyang ginawa. Napalunok si Angelic at agad na tumayo dahil ramdam na ramdam niya ang katawan ng lalaki. Hindi lamang ang init ng katawan nito kundi ramdam ang pagkabuhay ng munting laman sa kandungan nito. 'Calm down Angelic. Calm down,' hamig niya sa sarili habang kino-compose ang sariling tila nagwawala sa paglapat ng balat nila. Gustong mapamura ni Onofre nang mabuhay ang kanyang p*********i sa simpleng paglalapat ng balat nila ni Angel. "It's okay, I'll go ahead, " aniya sa lalaki at mabilis na lumayo rito bago pa siya maipagkanulo ng sariling nakakaramdam ng ganoong bagay. Bagay na hindi niya dapat maramdaman sa taong kanyang pinaghihinalaang humalay at pumatay sa pamangkin. Walang nagawa si Onofre kundi ang panoorin na lamang ang babaeng papalayo sa kinaroroonan. "Sh*t!" tuluyang bulalas niya ng makalayo na ito. Napahawak pa siya sa noo niya kasabay ng paghaplos ng buhok niya. Medyo may kahabaan na rin iyon dahil sa tatlong buwan mula ng umuwi ay hindi pa napagtuunan ng pansin ang kaniyang hitsura. Para siya tuloy nagmukhang tanga sa harapan nito. Hindi niya aakalaing matotorpe siya sa harapan nito. Muli siyang tumungga ng beer at matamang naghihintay sa pagbabalik ng babae. Muli niyang naitumba ang limang bote ng beer ngunit wala pa rin si Angel na bumabalik. Nakitang papalapit na muli sa kaniya ang kaibigan at sa pagkakataong iyon ay may babae itong kaakbay. Napabaling-baling na lamang siya ng ulo. Sa bawat gabi kasing naroroon siya ay iba't ibang babae naman ang kasama nito at kaakbay. Sumingit tuloy sa isipan ang sinabi nitong hindi ito nauubusan ng babae. "'Tol nasaan na si Angel. Don't tell me, pinaalis mo na naman?" anito na siyang laging ginagawa kapag binibigyan siya ng babae. "No! Shabi aysh kukunin lang gamit niya pero ishang oras na wala pa," lasing niyang wika na halos ngungo na magsalita. Nagtaka naman si Randy sa sinabi nito kaya agad na sumenyas ng waiter at nag-usap ang mga ito. Pagkaalis pa lang ng waiter na inutusan nito ay bigla itong tumawa. "Baka naman kasi ay tinakot mo, 'tol," saad nito. "Masyado na bang nakakatakot ang mukha ko, 'pre," gagad na tanong sa kaibigan. Tumawa lalo si Randy sabay halik sa chicks na kaakbay nito. "Hindi naman masyado, guwapo ka pa rin naman kahit mukhang hinahabol ka na ng razor at scissor," natatawang bulalas nito. Nailing muli si Onofre. Par tuloy nais niyang umuwi at mag-ahit para hindi siya katakutan ni Angel. Alumpihit na bumalik ang waiter na inutusan ni Randy. "Naku, sir, umalis na po si Angel, kanina pa raw," dinig na dinig na sagot ng waiter sa kaibigan. 'Pa-hard to get!' aniya na lang sa sarili. Akalain pa niyang matapos siya nitong painitin ay iiwan lamang siya. Mas lalo tuloy siyang na-curious sa bagong dancer ng kaibigan. Maya-maya napahagalpak sa tawa si Randy. "Grabe 'tol, for the first time in the history na gusto mo iyong babae tapos tinakbuhan ka lang. Iba! Iba itong si Angel, sa guwapo mong iyan, tinanggihan ka 'tol," palatak na buska nito sa kanya. Hindi na siya nakipag-alaskahan sa kaibihan dahil ngayon niya lamang naramdaman ang pagtama ng mga ininum na alak. "'Tol, don't tell me tutulugan mo ulit ako. Pare, swear 'di na kita iuuwi," banta pa ni Randy sa kaniya nang mapansing naiidlip na siya, ngunit hindi na niya napigilan ang pagtikom ng talukap ng mga mata. "Sh*t! Pare naman! Paano itong chikababe ko!" angal pa ng kaibigan na narinig pa bago siya tuluyang igupo ng antok. Mabuti na lamang at naigupo na siya ng alak at kahit papaano ay nawala ang hapdi sa kanyang dibdib dahil sa kasintahang si Cheska. Nang makalayo si Angelic ay tuluyan siyang nakahinga. Hindi niya talaga inaasahang ganoon ang epekto ng isang Onofre Montelibano sa kaniya. Iyon ang unang pagkakataong makaramdam ng kakaiba sa isang lalaki, at bakit sa kanyang target pa. "Don't tell me, tutulad ka rin kay Alexis!" bulalas niya sa sarili habang hinamig ang sarili sa loob ng dressing room nila matapos makatakas kay Onofre. "Sh*t! Angelic, you trained to he a robot then act like a robot!" maktol niya sa sarili at paulit-ulit na siniksik sa isip ang mga natutunan sa grupo ni Black Dragon. "Hindi mo ako makukuha sa gandang lalaki mo, Onofre Montelibano!" Hindi siya dapat marahuyo sa init lamang ng katawan. Naroroon siya para sa hustisya sa kanyang pamangkin. Kung hindi ay masasayang ang lahat ng pinagpaguran niya. Habang nasa dressing room ay hindi malaman kung sisiputan ba niya si Onofre o hindi. Palakad-lakad siya at pabalik-balik. Sumilip siya sa labas at kitang abala pa ang ilan niyang kasamahan. May mga babaeng nais makabingwit ng mga matatabang isda kaya kung magdamit ay daig pa ang magsuot na lamang ng panty at bra. Pinilit hagilapin ang kinaroroonan ni Onofre at nakitang abala pa rin ito sa pag-inom. Mukhang malaki ang problema nito kasi kita niyang maraming basyo ng beer itong naubos. 'Babae kaya ang dahilan?' singit na tanong ng isipan. Nailing siya sa isiping iyon kaya nagdesisyon na siyang lisanin ang lugar, hindi pa panahon upang magkasarilinan sila. Kailangan niya munang ikondisyon ang sarili bago suungin ang nagbabagang mundo ng lalaki. Bago pa siya nakabalik sa dressing room ay nakitang nilapitan ito ni Randy na noon ay may akbay-akbay na babae. Kita pa sa mukha ng lalaki ang pagtawa sa kaibigan nitong lango na sa alak. Bago pa man siya mapansin ng mga ito at ipahanap sa kausap nitong waiter ay patalilis siyang bumalik sa dressing room upang magpalit ng damit. Mabilis ang galaw, mabuti na lamang at walang gaanong tao roon, kung meron may abala ito sa pagbibihis o paglalagay ng kolerete sa mukha. 'Hindi pa panahon para tayo ay magtuos, Onofre Montelibano,' usal niya sa sarili saka mabilis na nagbihis ng pantaon at tshirt at isinuot ang baseball cap niya at saka sinukbit ang kaniyang bag pack at nilisan ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD