Chapter 3: UNANG HALIK

1210 Words
Napabaling siya sa kaibigang si Randy matapos mabawi ang paningin buhat sa babaeng sumasayaw. Hindi niya alam kung bakit masyado siyang naapektuhan sa nakitang galit sa mata nito. "Anong totoo niyang pangalan?" Tanong sa kaibigan. "Malay ko! Mostly ang mga babaeng nagtatrabaho dito ay screen name lang binibigay. Siya, Angel ang sinabi. Mukha naman talagang Anghel di ba?" Tawang sagot nito. Isang makahulugang titig ang ginawa nito sa kaniya. "So, type mo nga. Hayaan mo at papapuntahin ko rito upang ikaw na mismo ang umalam sa totoo niyang pangalan." Natatawa pa rin nitong wika sabay senyas sa isang waiter. Mabait naman si Randy. Nakilala niya ito ng makasabay niya pauwi ng Pilipinas at magkatabi ang kanilang upuan. Doon ay nakapag-usap sila at nalaman ang ilang detalye sa buhay nito. Niyaya pa siya nitong sumosyo sa negosyo nito. Noong una ay alanganin siya pero dahil gabi-gabi rin siyang nasa club nito ay sumang-ayon na rin siya. Maging ito man ay pumasok rin sa kaniyang investigative office. Dahil kahit doon man lang ay maranasan niyang maging imbestigador. Pangarap daw kasi nitong maging pulis pero hindi niya nagawa kaya hinayaan na rin niya. Nakitang binulungan niya ang waiter at tumango naman ito. Matapos ng halos sampong minutong pagtatanghal ay isang final pose ang ginawa ni Angelic. Nasa taas siya ng pole kasunod ng pagtanggal niya ng pang-itaas na saplot kasunod ng mabilis na pagpapdausdos ng katawan sa pole at bago siya sumadsad sa sementadong entablado ay isang signature pose ang ginawa niya dahilan upang mapatayo ang mga kalalakihang naroroon. Sumisigaw ang mga ito. "Five thousand. Sumama ka lang sa akin ngayong gabi." Sigaw ng isa. "Ten thousand!" Sigaw naman ng isang lalaking medyo may katandaan. "Twelve!" Sigaw ng tila napakayamang lalaki. Hindi niya papatulan ang mga ito dahil dalawang lalaki lang ang punterya sa panahong iyon. Its either Randy Mortiz o Onofre Montelibano. Matapos makababa sa pole ay sapo ng braso ang dibdib upang itago iyon. Mabilis na pinulot ang tinanggal na saplot saka yumukod bilang pagtatapos ng kaniyang performance. Nakabalik na siya sa likod ng entablado ng lumapit sa kaniya ang isang waiter at bumulong. Napangiti siya sa binulong nito. 'Sabi ko na nga ba eh! Onofre Montelibano, simula pa lamang ito.' Aniya sa sarili. "Okay!" Wika sa lalaki. Katunayang papayag siyang puntahan ang kinaroroonan ni Onofre. 'Sayang guwapo ka naman sana. Manyak nga lang!' Napatayo si Onofre ng makitang tinanggal ng babae ang pang-itaas nito. Hindi man kita ang dibdib nito dahil naitago ito ng pole at ang braso nito. Isang pagkakamali nito ay malalantad ang buong katawan sa mga lalaking sumasamba sa maalindog nitong katawa. Tila gusto niyang magwala sa sandaling iyon. Hindi niya mawari ang sarili kung bakit ganoon siya kaapektado sa babaeng sumasayaw. Matapos ng isang final pose nito ay hindi maiwasang mainis ni Onofre lalo na at tila nagsisimula na ang mga lalaking mag-bid upang maiuwi ang babae. Five thousand, ten, twelve na umabot hanggang twenty. Wala na sa entablado ang babae ngunit nakatitig pa rin siya doon. Masyadong mahiwaga ang babae para sa kaniya. Alam niyang iyon pa lang ang una nilang pagkikita ngunit tila ba kilalang kilala na siya nito at ewan niya kung bakit tila galit ang nakikita sa mata nito. "'Tol, malapit na siya..." bulong ni Randy sa kaniya. "Ha!" Agad na saad ng marinig ang sinabi ng kaibigan. "Si Angel, papalapit na. Sige na para masolo mo naman. Ilabas mo na ang diskarteng malupit!" Nakangising wika pa ni Randy bago siya iniwan nito. Nakabihis na ang babae ng makitang papalapit ito sa kinaroroonan niya. Maraming kalalakihan ang nakasunod ang tingin rito. Maiksing miniskirt ang suot nito at isang tube na pang-itaas na kita pa ang pusod nito. Isang mapang-akit na ngiti ang binigay nito nang ganap na nasa harapan niya ito. "Hi.." malamyos na tinig nito. "Ha....hi!" Ganting sagot na nauutal pa. Napatawa si Angelic. 'Akala ko ba ay matapang ka. Bakit tila nababahag naman ang buntot mong herodes ka,' gitgit sa isipan kasabay ng hindi mapagkit na pekeng ngiti sa labi. "Did you say something?" Untag ni Onofre ng makitang tila may binubulong ang babae. "Oh..nothing. I said, ang guwapo mo." Ani ni Angelic kasunod ng pagdukwang sa harap ng lalaking nakaupo dahilan para malantad dito ang malusog na hinaharap. Pinaghandaan talaga niya ang lahat makamit lamang ang kaniyang katawan. Alam niyang iyon ang magiging asset niya para mapasok ang mundo ng mga lalaking dahilan ng pagkawala ng pamangkin. Nakailang lunok si Onofre ng makita ang makinis at malusog na cleavage ng babae. Idagdag pang wala pang isang dangkal ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Maganda ang hugis pusong mukha ng babae. Mamula-mula ang pisngi at manipia ang labing tila nang-aakit. "Hindi ka ba masyadong naiinitan. Kasi ako init na init.." bulong pa nito habang nilalaro ang butones ng suot na long sleeve. Binukas nito ang unang butones at doon lumabas ang kaniyang dibdib. "Grabe, ang macho mo rin pala..." dagdag pang bulong nito na mas lalong nagpainit sa kaniya. Doon ay hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na sinunggaban ang labi ng babae. Hindi napaghandaan ni Angelic ang ginawang iyon ng lalaki. 's**t! Anong gagawin ko. Hindi ako marunong humalik!' Hiyaw ng isip na tila ayaw namang gumana dahil sa tamis ng halik ng lalaki kahit lasa ang pait ng alak na iniinom nito. Sa dami ng pagsasanay na ginawa upang makapasok sa club na iyon. Ang hindi niya nasanay ay kung papaano humalik. Sa totoo lang ay ito pa lang ang unang halik niya. Natitigilan si Onofre nang mapansing hindi marunong humalik ang babaeng kahalikan. Lalo siyang napabitaw ng makagat nito ang kaniyang labi. Mas lalo siyang nagduda sa pagkatao ng babaeng kaharap. Nakita niyang nagbaba ito ng tingin matapos niya itong bitawan. Natahimik ito ngunit ilang sandali pa lamang ay muli itong ngumiti sa kaniya. "Angel and you are?" Anito sabay lahad ng palad. "Onofre." Sagot niya pero hindi inabot ang palad nito. 'Manyak na. Bastos pa!' Inis ni Angelic ng hindi abutin ng lalaki ang palad niya. "So..." magsisimula pa lamang magsalita si Angelic ng sumabad ang lalaki. "I want you.." "What!" Mabilis na sabad. "You heard me right! I want you.." ulit ni Onofre na naiinis. Nagmamaang maangan pa kasi ito eh alam niya namang narinig nito ang sinabi niya. Napalunok si Angelic sa sinabing iyon ng lalaki. Heto na ang kaniyang kinakatakutan pero gusto niyang mapalapit sa lalaki at kung ang pagbibigay ang sarili upang lubos na mapasok ang mundo nito ay gagawin niya. Sabi nga ni Daisy. 'Kapag nasa misyon ka na. I-enjoy mo lamang..' "You want me?" Ulit niya. Doon tuluyang napatid ang maiksing pasensiya ni Onofre. "Yes! I want you in my bed tonight? Mahirap ba intindihin?" Inis na wika. 'Antipatikong manyak na ito.' Inis niya sa sarili habang inirapan ang lalaking tumutungga ng beer nito. "Alam kong guwapo ako kaya huwag mo na akong irapan ng ganyan." Tinig na narinig. 's**t! Halata ba ako?' Bawi sa sarili ng marinig ang sinabi nito. "Okay. I will get my things para makaalis na tayo.." aniya sa sarili saka tumayo. Mapangisi naman si Onofre sabay pigil sa babaeng papaalis na sana. Sa paghawak ng kamay nito ay hindi niya namalayang nahila niya ito dahilan upang mapaupo ito sa kaniyang kandungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD