"How's school?" Tanong ni Tristan ng ma-corner siya nito sa kusina. Lumingon siya sa pintuan dahil baka biglang pumasok ang mayordoma at makita sila nito sa ganoong posisyon. Kanina pa kasi niya iniiwasan ang lalaki dahil tuwing maiisip niya ang namamagitan sa kanila ay pakiramdam niya'y mas nagkakasala siya. He's in a relationship with another woman.Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend nito oras na malaman ang set-up nilang dalawa?
"Fine." Mahinang sinabi niya dito at muling tumalikod.
"May problema ba tayo?" Narinig niyang buntong-hininga ng lalaki.Bakas ang pagod sa boses nito. Hindi siya nito sinundo ng hapon dahil pumasok ito sa opisina. Wala naman iyong kaso sa kanya dahil bukod sa binigyan siya nito ng pera na hindi niya tinanggihan ay marami naman ang tricycle na pwedeng maghatid.
"Wala." Mahina niya muling sinabi.
"Maayos pa tayo kanina hindi ba?Kung dahil sa hindi ko pagsundo-"
"Wala nga tayong problema." Naiinis na niyang sinabi. Agad siyang kumawala sa pagkukulong nito sa kanya ng makitang distracted ito.
"Then what? Anong problema? Bakit ganito?" Sunod-sunod nitong tanong na ikinailing niya.
"Bakit hindi?" Nakakunot-noong ang noong balik niya dito.
Nakita niya ang pagbukas ng bibig nito na akmang magsasalita ngunit itinikom din iyon.
"May girlfriend ka senyorito..." Pagpapaalala niya dito. "Mali ang lahat ng ito." Naiiling na sinabi niya.
His jaw clenched.
The next thing she knew, the man left her alone without saying a word.
Nang maghapunan ay hindi siya kinausap nito.Pabalik-balik pa ang tingin sa kanila ng mayordoma na tila naguguluhan sa namamagitang katahimikan sa kanila.
Pagkatapos niyang gawin ang lahat sa kusina ay kinuha niya ang kanyang assignment at nag-decide na sa sala na lang iyon gawin.
"Hi!" Nagulat pa siya ng makita na nandoon si Joseph. Bibihira itong manatili sa mansyon kapag gabi dahil ayon sa mayordoma ay umuuwi ito sa kanilang bahay.
"Hey!" Bati niya pabalik dito.
"Doing an assignment?"
"Yep."
"I heard na agriculture ang course mo." Nakangiti nitong sinabi na tinanguan lang niya bilang pagkumpirma.
"I am also an agriculture graduate.Gusto mo tulungan kita?"
Nagulat siya sa sinabi nito. Nanibago sa kadaldalan ng lalaki. Kahit kasi nakakausap niya ito ay parang limitado ang mga salita nito kaya akala niya ay introvert.
Naupo ang lalaki sa tabi niya. Nasa sahig siya dahil mas komportableng upuan ang carpet doon habang nagsusulat sa lamesa. Bahagya pang tiningnan ng lalaki ang sinusulat niya sa bondpaper. She is writing an essay as a requirement in their introduction to agriculture subject.
"Huh? Hindi na, essay lang naman ang ginagawa ko." Tanggi niya sa lalaki at tumawa pa ng bahagya. "Mahirap ba ang second year?"
"Hindi naman. Basta mag-focus lang. More on practical na din ang second year and also ojt. Alam kong kayang-kaya mo yun." Ginulo pa nito ng bahagya ang ulo niya kaya nagtawanan sila.
"Oo nga pala.Hinahanap mo ba si Manang Letty kaya ka nandito?"
"Hindi. Napadaan lang ako para ibalik yung susi ng sasakyan. Hindi kasi muna ako magmamaneho ng ilang araw dahil bibisitahin ko yung nabili kong lupa sa kabilang bayan. Alam mo na, para mapagtaniman na din."
"Wow! Ang galing mo naman. Nakabili ka na agad ng lupa?"
"Kapiranggot lang yun kumpara sa pag-aari ng mga Monteguado."
"Kahit pa. Achievement mo na yun. Ako kasi pangarap ko din mag-abroad para makabili ng sarili kong bahay at lupa." Hindi mapigilang kwento niya dito.
"That's a good plan.Gusto mo ba sumabay ka sa akin sa pag-apply?"
"Huh? Pwede ba yun? Estudyante pa lang ako."
"Pwede syempre.Kahit naman wala kang experience matatanggap ka basta kayahin mo yung trabaho na ibibigay nila. Almost all of my batchmates were already abroad." Kwento pa nito.
"Kaso hindi pa ako pwedeng umalis dito."
"Why? Hindi ba at katulong ka dito? Anytime pwede kang umalis kung gusto mo at humanap ng ibang trabaho.Gusto mo ba na tulungan kita?" Seryosong tanong nito na tinawanan niya ng bahagya. Imposible kasi ang sinasabi nito. Katulad ng sinabi ng amo ay malaki ang ibinayad nito kaya hindi siya nito pakakawalan ng basta-basta.
"Hindi na!" Natatawa pa niyang sinabi dito."Ilibre mo nalang ako kapag mayaman ka na o di kaya imbitahin mo ako sa kasal mo!"
"Malay mo ikaw pala ang bride?" Seryosong sinabi nito na ikinalaki niya ng mata ngunit maya-maya ay tumawa na ito ng malakas kaya nagets niyang binibiro lang siya nito.
Nagpatuloy ang kanilang tawanan ng ilan pang minuto bago ito tuluyang magpaalam na aalis na. Inihatid pa niya ang lalaki sa may pinto at inayos na din niya ang pagsarado noon.
Gayon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang nakatayong bulto ni Tristan sa may paanan ng hagdan. Bahagya pa itong nakasandal doon ng walang anumang emosyon mababasa sa mukha. Nakahalukipkip ang lalaki at ramdam niya ang tensyon sa kabila ng distansya nila.
Yumukod lang siya ng bahagya dito pagkuwa'y mabilis na tinungo ang mga gamit at mabilis na iniligpit iyon. Tapos na din naman siya, kaunting revision nalang kaya sa kwarto na lang niya balak ayusin.
Akala niya'y matatakasan na niya ang lalaki ngunit hinarangan nito ang daan niya patungo sa kwarto pagkuwa'y mabilis na hinila ang kamay niya kaya nabitiwan niya ang lahat ng gamit. Dire-diretso siya nitong hinigit patungo sa ikalawang palapag. Pagkabukas ng kwarto nito ay agad siya nitong isinandal sa kasasarado lang na pinto.
"I'm so mad, sweetheart!" Malamig na sinabi nito sa may puno ng tenga niya.
Magkadikit ang kanilang mga dibdib kaya naririnig niya ang malakas na t***k ng puso nito marahil ay dahil sa pinipigilang galit na hindi niya alam kung para kanino.
"B-Bakit?" Nahihintakutan na tanong niya.
"I want to kill someone right now!" Muli nitong bulong na nagdulot ng takot sa kanya.
"S-Sino?"
"Do something, say something...mababaliw ako dahil sa galit na nararamdaman ko!" Matigas na sinabi nito.
Humarap ito sa kanya at tinitigan siya sa mata. Nakakapaso ang paraan ng pagtingin nito. Muli niyang naramdaman ang takot na lumukob sa kanya noong una silang magkita sa bar.
"B-Bakit?" Hindi niya alam kung iyon ang dapat itanong ngunit iyon lang ang lumabas sa bibig niya.
"I am a territorial man, and seeing you laugh with someone makes me want to kill!" Punong-puno ng lamig na sinabi nito.
Bahagya siyang namutla sa narinig. Inaalala kung kanino siya nakipagtawanan hanggang sa maisip niya ang kanilang naging pag-uusap ni Joseph kanina.
"P-Pero...tauhan mo siya."
"Wala akong pakialam kahit kapatid ko pa siya! Wala siyang karapatan na hawakan at makipagtawanan sa pag-aari ko!"
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya akalain na pati ang simpleng pakikipag-usap niya ay mamasamain nito.
"Wala naman kaming ginagawang masama." Nagawa pa niyang sabihin iyon sa kabila ng galit nitong anyo.
"Do you want to know how I deal with people who are disobeying my orders? "He sternly asked, his jaw clenching.
Umiling lang siya.
"I make them...kneel!"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. So this is him? His ruthless side? His side, which everyone fears?
"Now, show me that you want my forgiveness!"
Naguguluhang tiningnan niya ito. Hindi makuha ang gustong iparating ng lalaki.
"Strip and kneel. Show me who your actual master is!"