"Don't forget to update me." Paalala muli ng lalaki, myerkules ng umaga ng ihatid siya nito. Pasimple lang niya itong inirapan. Naiinis pa din siya sa sarili dahil nauto siya nito kahapon. Pakiramdam niya'y para siyang tanga habang umiiyak sa wala namang kabuluhang bagay dahil tinakot siya nito.
"Jes-" He impatiently called her name when she didn't answer.
"O-Oo na!" Masungit pa din niyang sinabi. Akmang bababa na siya ngunit nakalock na naman ang pintuan ng sasakyan.
Nang lingunin niya ito ay nakanguso ito ng bahagya habang nakangisi sa kanya. The man seems impossible. Hindi niya akalain na ang bilyonaryong bumili sa kanya ay may ganitong personalidad. Personal niya itong nakita kung paano igalang ng iba kaya hindi niya akalain na may ganito itong side.
Lumapit siya dito at mabilis na hinalikan ang labi nito ngunit hinawakan pa ng lalaki ang mukha niya para mas idiin dito.
They are in the parking lot of the school. Wala na talagang pinipiling lugar ang lalaki.
Nang makuntento ito ay tinigilan na ang mapusok na paghalik sa kanya. A satisfied smile was written in his face. Tiningnan pa nito ang leeg niya kung saan nakalagay ang mga marka nito na pinilit niyang tabunan gamit ang concealer na ito din ang bumili. Sigurado siyang may makakahalata sa kanya sa tatlo dahil sino ba naman ang magsusuot ng turtle neck sa napakainit na panahon? Tabon na ng suot niya ang mga marka pero pakiramdam niya ay may makakakita pa din noon.
"Stop frowning..." Utos nito sa kanya kaya plastik nalang niya itong nginitian. "Or maybe you want me to repeat what I did yesterday to remove that frown?"
Pinamulahan siya ng husto sa sinabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang nangyari sa ilog. Hindi siya nito tinigilan hangga't hindi niya sinasabi na magkabati na sila. Ang paraan nito? Paungulin siya sa pamamagitan ng pagkain sa kanya sa gitna ng malapad na bato doon. Mahihiya si Eba at si Adan kung paano nila bininyagan ang magandang paraiso na ayon dito ay tinuturing nitong isa sa mga gems sa kanyang mga pag-aari.
Nang hindi na siya umimik ay tila nakuntento na ang lalaki dahil nanalo na naman ito. Hinayaan na siya nitong lumabas ng sasakyan at tahakin ang daan papunta sa kanilang department. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante kagaya ng inaasahan niya. Mabuti at wala silang uniporme kundi ay mas mahihirapan siya dahil maging sa itaas ng dibdib niya ay puno ng pulang marka.
"O-M-G!" Sabay-sabay na reaksyon ng tatlo ng makita siya ng mga ito.
"Bakit?" Kunwaring masungit na tanong niya. Kailangan na hindi makahalata ang mga ito sa tunay na rason ng pag-absent niya kahapon.
"Girl! We're happy na nakapasok ka na ulit pero you looked like you were still sick. Dapat hindi ka na muna pumasok." Si Stacey na akmang hihipuin pa siya ngunit agad siyang umiwas dito kaya bakas ang pagtataka sa tatlo.
"P-Pasensya na...k-kasi may kat-kati ako ngayon sa balat. Baka mahawahan ka." Pagdadahilan niya sa mga ito. Kunwari pang nagkamot ng braso.
"Okay ka lang ba talaga?" Si Anya naman ngunit pinanatili na nito ang distansya sa kanya. Wala pa ang professor nila kaya nakakapag-usap pa sila ng mga ito.
"O-Oo...allergy lang." Muli niyang pagsisinungaling.
Sorry talaga Lord. Huhuhu...
"H'wag ninyo na nga munang kulitin si Jess!" Saway naman ni Chloe sa dalawa kaya nginitian niya ito. "Oo nga pala, naipasa na namin yung gawa mo nung Monday." Pag-iinform nito.
"Thanks." Mahina niyang sinabi.
"Paano ngayon yan..." Tila problemadong sinabi ng tatlo kaya kinunutan niya ang mga ito ng noo.
"Siguro naman familiar ka sa mga intrams diba? Next week na kasi ang intrams natin..."
Hindi siya nagsalita, hindi niya magets ang pino-point ng tatlo.
"K-Kasi..." Atubiling sinabi ni Stacey.
"What?" Natatawang sinabi niya dahil parang kabado ang tatlo. Natutuwa siya dahil naliwas na ang usapan sa kanya.
"Stacey bakit parang natatae ka diyan!' Puna ni Drake na siyang president ng klase niya. Nagtawanan pa ang iba kaya inirapan ang mga ito ni Stacey.
"Natatae pala ha? Oh sige ikaw ang magsabi kay Jess..." Panghahamon naman dito ni Stacey kaya napatingin din siya sa lalaki. Naguguluhan siya sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Ito naman! Joke lang eh! Sige na ikaw na magsabi." Pagkatapos ay mabilis ng tumalikod si Drake at kunwaring may kinuha sa bag.
"Ano ba kasi yun?" Kay Anya na siya tumingin ngayon. Sa kanilang tatlo ay si Anya ang hindi masyadong showy. Tahimik lang ito madalas at kapag sila-sila lang nagiging makulit.
"Ikaw daw ang ilalaban sa Ms.Intrams sa department natin." Mahina nitong sinabi kaya napanganga siya.
"What?!" Malakas niyang tanong matapos mag-sink in ang sinabi nito. Tumingin pa siya sa mga kaklase ngunit pinalakpakan lang siya ng mga ito habang sinasabi na kayang-kaya niya yun. Tila pinagkaisahan siya ng klase.
"Bakit ako?" Sa mas kalmadong tono. Napakaraming tumatakbo sa utak niya. Ayaw niyang sumali, mahiyain siya, baka manlambot siya sa harap ng maraming tao na manonood. And how could she forget Tristan? Sigurado siyang hind papayag ang lalaki. Pero bakit ba niya iniisip ito? Ang dapat niyang isipin ay hindi pwede dahil may trabaho siya sa mansyon, siguradong magiging busy siya dahil sa practice kung papayag siya.
"Bakit hindi ikaw? Look at yourself. Girl! Kung ganyan ako kaganda baka lagi akong rumarampa!" Bulalas pa ni Stacey.Tumango pa si Anya at si Chloe na akala mo ay makukumbinsi siya dahil sa sinabi ng mga ito.
"P-Pasensya na talaga. Hindi kasi pwede. Alam ninyo naman na working student ako. Paano yung mga susuotin? Wala akong pera pambili." Sunod-sunod niyang pagdadahilan sa mga ito.
"Wala ka ng problema sa lahat ng yun. Kami na ang bahala basta sumali ka lang." Sumabat na naman si Drake na ngayon ay lumapit na talaga sa kanila.
"Huh? Pero-"
"Basta sumali ka na Jess. Wala kang ibang poproblemahin. Promise!" Pang-aamo pa ng isa sa mga kaklase ngunit umiling siya. Ayaw niya talaga.
"Ayaw ko talaga. Pasensya na."
Mabuti na lang at dumating na ang professor nila kaya tumigil na sa pangungulit ang ng mga ito.Iyon nga lang dahil ito din ang kanilang adviser ay hindi maiwasan ang topic tungkol sa intrams.
To make the story short, napilitan siyang pumayag dahil exempted na daw sa midterm.Iyon ang kondisyon na ibinigay ng kanilang professor para mapilit siya.Naisip din niya na hindi naman niya kailangang manalo basta mag-represent lang siya ng department nila. Ang magiging kapareho niya ay nasa kabilang section, nakita niya na ito minsan pero hindi pa niya ito nakakausap. Ilang araw nalang naman ang practice nila dahil lunes next week magsisimula ang intrams at myerkules ng gabi gaganapin ang pageant kasabay ng awarding.