Chapter 19

1151 Words
"Be careful." Paalala ng lalaki ngunit pinalo na niya ng bahagya ang kabayo kaya umarangkada na ito. Narinig pa niya ang sigaw ng lalaki ngunit tumawa lang siya. She felt so free..as if she had done this before. It was the first time she ride a horse but the feeling of riding it for so long surprised her. Nakalimutan pa niya na masakit ang gitna niya dahil sa saya sa pagsakay ng kabayo. "H'wag kang matakot sa akin ha? Mamamasyal lang tayo." Wika niya sa kabayo habang hinihimas ang ulo nito na tila pinapaamo. Mabait naman ang kabayo, ayon sa lalaki ay isa daw ito sa mga paboritong nitong sakyan sa mga kabayo nito. It was a beautiful white Friesian horse breed. It's glossy white coat and distinctive high-stepping gait look like they’re floating or dancing, showing an air of elegance that’s hard to resist. A flowing mane and tail that look like they belong in a shampoo ad and untrimmed feathered feet complete their captivating appearance.Sigurado siyang isa ito sa pinakamahal na mga breed ng kabayo. Napanuod na niya ito sa isang channel sa tv sa bar kung saan mga kabayo ang feature noon. "I said be careful!" Nagulantang siya sa malakas na boses ng lalaki na nakahabol na sa kanya.Tumigil siya sa isang burol kung saan tanaw ang malawak na lupain na pag-aari ng lalaki. "You'll never really listen! Kulang pa yata ang ginawa ko sayo para sundin mo ang lahat ng utos ko!" Muli nitong dagdag na ikinapula niya ng pisngi. Sinamaan niya ito ng tingin, bakit kailangan pa nitong ipaalala iyon. "Na-excite lang eh." Rason niya dito ngunit masungit lang siya nitong tiningnan. "Okay naman ako oh!" Itinuro pa niya ang sarili bilang patunay sa sinabi niya. "Really?The horse almost threw you earlier. Mabait yan pero hindi ko sinabing pabilisin mo ang takbo! God,woman! Hindi mo ba nakita iyong kahoy ha? Mas pinabilis mo pa talaga!" Sermon nito sa kanya. "The horse was for racing. kaya kung nalaglag ka kanina siguradong hindi ka lang lumpo ngayon!" Galit na sinabi nito. Napakagat-labi siya. Muntikan na nga siyang malaglag kanina mabuti na lang at mahigpit ang kapit niya sa tali. Hindi kasi niya napansin ang kahoy kaya ng mas pabilisin niya ang kabayo ay tumalon ito para maiwasan iyon. "But, I'm fine!" Matigas ang ulo na rason niya. "That's it! Hindi ka na makakaulit sumakay ng kabayo mag-isa!" Annoyance was very evident in his voice. His jaw was still clenching out of anger. "P-Pero..." Angal niya dito. "You're coming with me!" Wika nito na hindi na siya hinayaan na magsalita. Mabilis itong bumaba sa sariling kabayo at binuhat siyang tila isang papel bago isakay sa itim na kabayo na gamit nito. It is an Akhal-Teke black stallion. Its coat is so radiant that it appears almost metallic. The stunning visual effect is said to be a result of their unique hair structure, which lacks the typically opaque core found at the center of the hair shaft. "Paano yung kabayo?" Lingon niya sa kabayo na gamit niya na itinali ng lalaki sa malapit na puno. Hindi ito umimik at pinatakbo na ang kabayo nila. Bilang sagot sa tanong niya ay nakasalubong nila ang tauhan ng lalaki sa kwadra na marahil ay inutusan nito para kunin ang kabayo. Nakakulong siya sa mainit na bisig ng lalaki habang halos nakasandal na sa dibdib nito.Tila sinadya pa ng lalaki na paangatin nito ang unahan ng kabayo kaya mas napasiksik siya dito. Kinabahan pa siya ng sobra dahil akala niya ay malalaglag sila ngunit rinig niya ang mahinang halakhak ng lalaki. Nakalimutan niyang demonyito nga pala ito, siguradong ginawa nito iyon dahil sa ginawa niya kanina. Itinigil ng lalaki ang kabayo sa isang malawak na kaparangan. May isang malaking puno doon kung saan sila sumilong. Tantiya niya ay alas-nuebe na ng umaga dahil umalis sila ng kubo ay alas 7:30 na. Hindi kasi nagpapigil ang lalaki na hindi siya kainin nito pagkatapos maligo kaya natagalan na naman sila. Inalalayan siya ng lalaki na bumaba sa kabayo ngunit dahil sa pananakot na ginawa nito ay naiinis pa din siya. Bahagya niyang iminamartsa ang paa sa lupa bago umupo sa isa sa mga ugat ng puno. Ang lalaki naman ay bahagya lang inayos ang pwesto ng kabayo bago ito sumunod sa may kanya. Sa sobrang presko ng paligid, pakiramdam niya'y hinehele siya ng hangin na dumadampi sa kanya. Sumandal siya sa puno at akmang iidlip. Ayaw din niyag kausapin ang lalaki dahil naiinis pa din siya dito. "Ikaw pa ang hindi mamansin?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, marahil ay nakita nito ang ginawa niyang pagpikit. "H'wag mo akong kausapin!" Masungit na sinabi niya dito ng hindi dumidilat. "Look at me when I'm talking with you!" Bakas na ang inis sa tono nito. Paano ba sila magkakasundo kung parehas silang maikli ang pasensya sa isa't-isa. Kulang na lang ay magbarilan sila nito sa tuwing mag-aaway. "You'll regret it if you don't open your eyes!" Banta na nito. Nanatili siya sa pwesto. Nasa labas sila kaya imposible naman na may gawin-- "Ibaba mo ako!" Sigaw niya dito ng bigla siya nitong buhatin. Ngayon ay ito naman ang hindi nagsalita. Patuloy lang itong naglakad patungo sa masukal na parte ng lugar. "Saan mo ako dadalhin?" Unti-unti na siyang kinakabahan dito. Hindi kaya ay napatid na ng husto ang pasensya nito at naisipan na patayin na lang siya? "Heaven.." Nakangising sinabi nito kaya agad siyang nagpumiglas. Papatayin na nga ata siya nito. Hindi p'wede, madami pa siyang pangarap. "Walanghiya ka! Walanghiya ka!" Naiiyak ng sinabi niya dito habang patuloy ang pagpalo niya sa matigas na dibdib nito.Hindi manlang natinag ang lalaki sa ginagawa niya dahil patuloy lang itong naglalakad habang hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. "H-Hindi ko naman sinasadya yung kanina." Nagsimula na siyang umiyak."N-Na-excite lang ako dahil...f-first time kong sumakay sa kabayo..." Sumisigok-sigok na sinabi niya. Baka maawa pa ito sa kanya at hindi nito ituloy ang balak. "S-Sorry na,Senyorito.L-lagi na po akong makikinig at susunod." Ngayon naman ay humahagulgol na siya ngunit tila wala lang iyon sa lalaki. "I'ts too late..." Narinig niyang sinabi nito kaya mas umiyak siya. Katapusan na niyang talaga. Ang unfair ng buhay niya, hindi manlang niya naranansan na grumaduate. Hindi manlang siya nakapag-asawa. "Open your eyes." Utos ng lalaki pagkababa nito sa kanya ngunit hindi niya ito sinunod. Ayaw niyang makita kung paano siya papatayin nito. Nakatabon ang palad niya sa mukha habang patuloy ang ginagawang pag-iyak. Hinawakan ng lalaki ang kamay niya mula sa likod at tinanggal nito iyon sa mukha niya. Iniyuko lang niya ang ulo dahil walang tigil ang kanyang pag-iyak. "Welcome to heaven, sweetheart..." Bulong ng lalaki sa may punong tenga niya kaya sa nanlalabong mata ay dahan-dahan niyang iniangat ang ulo para makita ang tinutukoy nito. She gasped as she beheld the sight of a river with gleaming currents flowing over polished rocks. Truly, a paradise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD