Pagkatapos ng meryenda ay nauna na ang mga trabahador sa taniman. Siya naman ay hindi agad nakasunod dahil pinigilan siya ng amo. Heto siya at pinapanuod ang mga ito habang nakasilong siya sa ilalim ng puno ng mangga. Natatawa siya dahil kahit medyo malayo sa mga ito ay naririnig niya ang kulitan ng matatanda. "What were you thinking?" Bahagya siyang nagulat nang marinig ang boses ni Tristan na kalalabas lang ng kubo. Nagpalit ito ng damit; ngayon ay naka-longsleeve na ito at nakasuot ng sumbrero, ngunit napakalakas pa rin ng dating nito para sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at hindi sumagot. "You didn’t tell me you wanted to come back here?" he asked again, as if there were no issues between them. "Wala naman akong ginagawa sa mansyon...k-kaya naisip ko na pumunta dito." Kunwaring ba

