Katulad ng ibinilin ng mayordoma ay nagbyahe na sila ng 4:30 ng umaga papunta ng taniman.Panay ang kwentuhan nila ng binata sa byahe kaya hindi na siya inantok pa kahit mag-aalas dose na ng makauwi siya ng mansyon ng nagdaang gabi.Bago mag-alas singko ay tinutulungan na niya ang binata na ibaba ang mga kinarga nila. Mayroon din doon na umagahan para sa mga trabahador na maagang niluto nila ng mayordoma, kaya iyon ang inasikaso niya. Nakasanayan na daw iyon mula noon tuwing anihan kaya tuwang-tuwa siya lalo pa at isinahog nadin sila ng mayordoma sa ipinadalang pagkain. Makakasabay niyang kumain ang mga matatanda doon at ang isa pa ay pinayagan din siya ng mayordoma na tumulong sa pag-aani. Hindi na siya nagpaalam kay Tristan dahil wala din naman itong pakialam, tulog pa ito ng umalis sila.

