Mistulang hangin siya sa binata kinabukasan ngunit wala din siyang lakas para isipin pa iyon. Naiinis siya sa pagiging sarado ng utak nito. Hindi na din niya maintindihan kung bakit push and pull ang relasyon sa pagitan nila, dinaig pa nila ang mga bata. Konting panahon ng pagbabati pagkatapos ay mag-aaway na naman. "Manang, okay lang po ba kung ako na lang ang sumama para magdala ng mga tools bukas sa bukid?" Lihim siyang dumadalangin na umu-o ang matanda. Bukod sa gusto niyang muling bumalik sa bukid bukas ay namimiss din niyang makipagkwentuhan sa mga trabahador doon. She felt suffocated and sure siyang makakatulong ng malaki ang malamig na hangin sa bukid para ma-ease ang utak niya. "Bakit?" Bakas ang pagtataka sa mukha ng matanda. Marahil ay nagulat itong nagpresinta siyang sumama s

