Pag-ahon niya ng dagat ay hindi niya natagpuan si Tristan kaya minabuti niyang tumuloy muna ng cabin at maligo saglit. Pagkatapos magsuot ng simpleng floral white dress ay umakyat siya sa upper deck ng yate. That's where she finds Tristan. Nakaupo ito sa sun lounger habang malayo ang tingin. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng binata. Nakita niya ang pagkagulat nito ng matantong nandoon siya. Tumayo pa ang binata at nakita niya ang pag-arko ng ngiti sa labi nito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Narinig pa niya ang bahagyang pagsipol nito kaya pabiro niyang inirapan. "Ah-mm nakita ko na may gamit ka sa pamingwit sa baba. Pwede ko bang i-try?" "You know how?" Tila namamanghang tanong nito. "Isang beses pa lang akong nag try noon." Hindi niya alam kung

