"Good morning." Narinig niyang bati ni Tristan sa kanya. Basang-basa pa ang buhok nito dahil kakaahon lang nito mula sa dagat. Naka short lang ng puti ang lalaki kaya hindi niya ito halos matingnan dahil tiyak niyang magkakasala na naman ang mga mata niya. Hindi niya alam kung sa kwartong in-occupy niya ito natulog kagabi. Mas nauna siyang natulog dahil nagpaiwan pa ito habang umiinom sa deck mag-isa. Akala niya ay susunod din ito pero nakatulugan na lang niya ang paghihintay sa binata. Nang magising naman siya ay wala din ito sa tabi niya, maayos din ang kabilang bahagi ng kama kaya wala siyang ideya kung natulog ito doon. "Good morning." Masiglang bati niya dito. After what he told her last night, ayaw niyang maramdaman nito na kinakaawan niya ito. Knowing his personality, alam niyang m

