Natagpuan niya nang sarili na masayang nakikipag-kwentuhan sa binata matapos ang eksena nila kanina. She felt so free. No limitations, just pure interaction between them, and it still brought butterflies to her stomach. "Kailan pala tayo babalik?" Napakagat-labi siya matapos lumabas sa bibig niya iyon. Natigilan ang binata sa pagtawa nito at bahagyang sumeryoso. Bigla tuloy siyang nakonsensya dahil pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang usapan nila. Pero bumabagabag din sa kanya ang mami-missed niyang klase. Isa pa ay substitute teacher na din ang binata sa school nila kaya dapat din nilang isipin iyon. "We'll just stay here for four days..." Tila tinatantiya pa ng binata ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito. Four days were fine with her. As much as she w

