After that encounter, umalis ang lalaki ng isang linggo at hindi niya alam kung saan nagpunta. Kunsabagay ay wala naman silang relasyon para magpaalam ito.Idagdag pa na mas naging malamig ang turing ng mayordoma sa kanya kaya nahirapan siya sa mansyon nito. Bumalik ito sa pagsusungit or mas tamang sabihin na napipilitan lang itong pakisamahan siya at ngayong wala ang lalaki ay kinuha nito ang pagkakataon para pahirapan siya. Halos hindi siya makapasok sa school ng hindi napapagod dahil inuutusan siya nitong gawin ang lahat ng gawaing bahay habang nagpapahinga ito sa kwarto kaya kailangan niyang gumising ng alas-kwatro para matapos siya bago mag alas-otso. Pagkauwi naman ay pinaglilinis siya nito ng buong second floor at sinisiguradong walang alikabok na matitira doon. Araw-araw iyon at walang palya.Napakarami pa naman ng kwarto doon kaya pagod na pagod siya. Naglalakad lang din siya papunta ng school at pabalik ng bahay dahil wala namang dumadaan na tricycle doon dahil nga pag-aari ng lalaki ang halos lahat ng lupain at pribado ang lugar na iyon kaya walang nagtatangka na dumaan.
Sabado.
Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang magluto ng umagahan. Dumating si Tristan ng nagdaang gabi ngunit tila hangin lamang siya na dinaanan nito. Pinabalik na din siya ng mayordoma sa dati niyang kwarto dahil utos daw ng amo.
Pagkatapos magluto ng fried rice, tocino, bacon, at itlog ay agad na niyang iginayak at naglakad na siya patungo sa kwarto ng lalaki. Kinakabahan siya habang papalapit doon ngunit pinalis niya iyon bago kumatok.
Iritadong binuksan ng lalaki ang pinto pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses. Kagigising lang nito dahil inaayos pa ang buhok na medyo nagulo. He's hot with that messy hair, but she condemned herself. It wasn't the time to admire the man.
"Breakfast po." Magalang niyang sinabi bago bahagyang yumuko.
Hindi nagsalita ang lalaki ngunit kinuha nito ang pagkain pagkatapos ay malakas na sinarhan muli ang pintuan na nakapagpagulat pa sa kanya.
"Ganyan talaga kapag pinagsawaan na..." Pasaring ng mayordoma na hindi niya napansin na malapit sa hagdan at tila nakita ang nangyari.
Hindi siya nagsalita bagkus ay peke itong nginitian. Agad na din siyang bumaba at inasikaso ang usual routine niya. Linisin ang napakalaking sala ng mansyon pagkatapos ay magwalis at magdilig ng mga halaman.
Nang dumating ang tanghali ay nagluto naman siya at pinagsilbihan ang lalaki na walang imik habang kumakain. She was there, waiting for his order. But it was more right than their relationship before; she was finally doing her role.
Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya ng kwarto. Balak niyang gawin ang assignment niya ngunit computerized ang required doon. Ang problema niya ay wala siyang laptop kaya baka makiusap siya kila Chloe kung pwedeng makiayos ng gawa niya sa lunes, ita-type nalang muna niya sa notes sa cellphone ang kanyang sagot. Hapon pa naman ang pasa ng assignment nila kaya may oras pa siyang ayusin iyon kung sakali.
Hindi niya napansin ang oras. Matapos kasi ang ginagawa ay nalibang siyang mag-f*******:. Inaccept niya ang mga nag friend request sa kanya na karamihan ay ka-block niya sa school. Bigla niyang naisip ang lalaki. May f*******: kaya ito? Dahil sa curiousity ay natagpuan niya ang sarili na itina-type ang pangalan ng lalaki sa search bar. May lumabas naman doon ngunit hindi siya sigurado kung ang lalaki ang may-ari noon. Wala silang mutual friends just like what she expects. Napakarami ng followers ng account kahit walang post ang lalaki, maliban sa profile picture nito na nakaupo sa swivel chair nito na siguro ay sa opisina kinunan. Nang i-stalk pa niya ang lalaki ay puro tag photos ang nandoon, ang huli ay kaka-tag lang one day ago. Kinunan iyon sa isang bar sa BGC kung saan nakaupo ang lalaki at may katabi itong magandang babae na nakaabrisyete pa ang braso dito.
Nasa bar pala ito at nagpapakasaya ng umalis ito. Habang siya ay pinapahirapan ng mayordoma ay masaya itong nakikipag-inuman sa mga kaibigan nito.This is his world: drinking, partying, and women. Their stars will never truly meet, not in a million years, or perhaps ever, but that only means the end of the world is near.
Sa dismaya at pagod ay nakatulog siya. Alas-sais na ng magising siya kaya dali-dali siyang lumabas. Pagagalitan siya ng mayordoma dahil nakalimutan niyang magluto. Hinanap niya ang matanda ngunit nakaupo lang ito sa sala. Nang tawagin niya ay tiningnan lang siya pagkuwa'y ipinagpatuloy ang ginagawang panonood ng pelikula sa TV.
"Magluto ka ng sarili mong pagkain. Wala ang señorito, binisita si Aurora. Baka doon matulog...alam mo na." Pasaring nito sa kanya kaya tumango nalang siya at hindi sumagot. Kung iniisip ng matanda na masasaktan siya ay nagkakamali ito. Mas masakit pa ang ipinapasok niya sa utak niya para magising siya sa kanyang ilusyon.
Pagkatapos kumain at asikasuhin ang sarili ay humiga na din siya. Bukas ay balak niyang magsimba sa bayan. Mamamalengke ang matanda bukas kaya pumayag ito ng sabihin niya na makikisabay siya sa sasakyan. Magkikita din kasi sila ng tatlong kaibigang babae dahil nag-suggest ang mga ito na sa bahay nalang nila Chloe gumawa ng assignment nila para daw hindi na sila ma-stress sa lunes.Kahit meron na siyang draft ng assignment ay pumayag na din siya para hindi mabored sa mansyon.
Pagdating ng umaga ay nakagayak na siya alas-siyete palang.Alas-otso ang misa kaya tamang-tama lang iyon. Hindi niya alam kung umuwi ang amo ngunit pinagsawalang-bahala nalang niya.Pabor naman sa kanya na hindi sila nagpapansinan or iniiwasan siya nito. Hindi na niya kailangang umiwas kagaya ng gusto ng mayordoma.
"Hindi ko alam Jess ha? Pero bakit paganda ka ng paganda?" Si Chloe ng magkita-kita sila sa labas ng simbahan pagkatapos ng misa.
"Oo nga. Pa-share naman ng secret mo diyan." Si Anya na pasimple pa siyang sinundot sa tagiliran.
Tinawanan lang naman niya ang mga ito. Pakiramdam niya'y binibiro lang siya ng tatlo dahil pag tumitingin naman siya sa salamin ay ganoon pa din naman ang itsura niya. Pakiramdam pa nga niya ay puno na siya ng eyebags dahil nahihirapan siya sa sobrang daming ginawa noong mga huling araw kaya nahirapan siyang makatulog.
Pagkatapos nilang kumain sa labas ay dumiretso na sila sa bahay nila Chloe. Mabait ang mga magulang ng babae, ipinaghanda pa sila ng mga ito ng meryenda at sinabihang h'wag silang mahihiya.
"I like your parents talaga girl! Super cool nila!" Si Anya pagkasarado nila ng pintuan ng kwarto ng babae. Doon sila gagawa ng assignment dahil para daw walang manggulo sa kanila. May mga pamangkin din kasi ang babae dahil bumibisita daw ang mga ito tuwing linggo.
"Ganoon talaga sila mama. Kulang na nga lang ay ipares nila ako sa lalaki para daw magka-boyfriend na ako." Natatawang sagot ni Chloe dito kaya umani iyon ng kantsawan sa kanila.
"I wish ganyan din ang parents ko. Sa sobrang traditional kasi nila, halos basahan ako ng bible tuwing magsusuot ako ng sexy na damit." Nakapangalumbabang sinabi ni Stacey.
"Ayan kasi! Sinabi na namin na magbagong buhay ka na!Mas malalagot ka pag nalaman nila na dini-date mo si Caleb." Pang-aalaska naman dito ni Anya. Si Caleb ay ka-block din nila. Matagal na daw nitong nililigawan si Stacey pero ngayong college lang nito pinayagan na mag date sila sa labas dahil din sa parents nito.
Natutuwa siya sa biruan ng tatlo. Sobrang close ng mga ito dahil ayon sa kanila ay mula kinder pa lang ay magkakasama na sila kaya pare-parehas din ng kinuhang course ngayong college dahil ayaw maghiwa-hiwalay.
"Tss... hindi nila malalaman basta h'wag ninyo akong ibubuking!" Natatawang sinabi pa ni Stacey bago siya nito balingan. "Ikaw Jess, may boyfriend ka na ba?"
Nagulat siya sa tanong nito ngunit agad din siyang umiling. Wala naman talaga siyang boyfriend, kung ang kanila ni Tristan ay wala iyong label. He was just using her as he pleased. She was paid to satisfy his needs.
"Gusto mo ba ireto kita sa pinsan ko?" Si Chloe na sinang-ayunan agad ng dalawa. "Gwapo yung si Damon. Pangalan lang niya ang medyo iba pero mabait yun at gentleman." Lakad nito sa pinsan.
"Oo nga. Sa school din natin yun nag-aaral pero engineering student kaya hindi mo nakikita. Dalawang building kasi ang layo ng department natin." Si Anya naman.
Umiling siya sa mga ito. "Hindi na. Mas gusto ko kasing makatapos muna bago asikasuhin ang lovelife na yan." Natatawang sinabi niya sa mga ito.
Hindi naman pumayag ang tatlo. Kailangan daw na bago sila grumaduate ay magkaroon manlang sila ng lovelife kaya goal ng mga itong ihanap din siya.
Buong pag-stay nila ay puro tawanan at kwentuhan ang kanilang ginawa. Nag pillow fight pa sila habang nag-iintay na matapos ang kanilang pagprint ng assignment.
Gayon na lang ang gulat niya ng tingnan niya ang cellphone pagkatapos nilang magmeryenda noong hapon. May 20 missed calls iyon galing sa iisang number. Bigla siyang kinabahan, kinutuban siya kung kaninong numero ang tumatawag sa kanya. Imposible naman na ang mayordoma dahil nagpaalam siyang may gagawin dito at pumayag naman ito.
"I'm giving you 5 minutes to step out of that house, woman! Or else I'll force myself in, and you won't like what I'll do!" Nanlalaki ang matang basa niya sa bagong pasok na text ng parehong numero.