Chapter 15

1113 Words
Dahil sa takot na totohanin ni Tristan ang banta nito ay agad siyang nagpaalam sa tatlo. Nagulat pa ang mga ito ng sabihin niya na pinapauwi na siya ng amo. Hindi naman lingid sa tatlo na nangangatulong siya habang scholar ng eskwelahan. In fact ay tuwang-tuwa ang mga ito at curious kung anong feeling ng kumikita ng sariling pera. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse matapos niyang makita ang pamilyar na kotse ng lalaki.It was his red toyota hilux, that he parked in his garage at the mansion. Pagkapasok niya ay mabilis na pinaharurot ng lalaki ang sasakyan na tila nasa highway ito. Napakabit pa siya ng seatbelt dahil pakiramdam niya'y hihiwalay ang kaluluwa niya kung hindi niya iyon gagawin. Kitang-kita niya ang mga ugat sa braso ng lalaki at ang tila gigil nito sa manibela kaya napalunok nalang siya ng sariling laway. Ano na naman ba ang ginawa niya? Akala niya'y idederetso siya ng lalaki sa mansyon ngunit gayon na lang ang gulat niya ng lumiko ito sa kabilang daan taliwas sa papunta ng mansyon. Hindi naman siguro siya ilalaglag nito sa bangin diba? Bundok na kasi sa bandang tinatahak nito. Nalaman niya iyon sa mayordoma. Ayon dito ay madalas iyong puntahan ng lalaki dahil malapit din doon ang malawak nitong taniman ng mga mais,tubo at pinya. Halos dalawampung minuto pa ang kanilang nilakbay bago tuluyang tumigil ang sasakyan ng lalaki sa harap ng isang kubo.Ang dinaanan nila ay kalsadang papasok ng napakalawak na bakuran na tila ipinasadya para sa mga sasakyan. Sa paligid ng bahay-kubo ay ang napakaraming sunflower na paborito niya. Malapit ng magtakip-silim ngunit hindi maikukubli ang ganda ng mga bulaklak na nakatanim doon. "Sa iyo ito?" Namamanghang tanong niya sa lalaki pagkababa nila ng sasakyan. Hindi ito umimik at nauna ng maglakad papasok sa bahay kubo. Siya naman ay manghang-mangha habang tinitingnan ang buong paligid. Ito na ata ang pinakamagandang lugar na nakita niya. Walang-wala ang mausok na Manila na kanyang pinagmulan sa kapayapaan na dulot ng kanyang nakikita. She felt like she was at home, even though it was the first time she had been in a place like this. Kung namangha siya sa labas ay halos umiyak siya sa saya pagkakita sa loob ng bahay-kubo. Napakalawak niyon at nangingintab ang sahig sa sobrang linis. Ang mga muwebles ay puro kahoy na mas nakadagdag ng presko sa lugar. Nang buksan ni Tristan ang bintana na katapat ng sala ay napatakbo siya papunta sa pwesto nito. Hindi na siya nahiya dahil sumuot siya sa gilid ng lalaki para mas makita ang napakagandang tanawin sa likod. Nanlalaki ang mata niya sa napakalawak na lupain na may nagtataasang puno ng mais at tubo. Ang kabilang panig naman ang tingin niya ay mga pinya ang nakatanim . Nakahilera ang pagkakatanim ng mga iyon na mas dumagdag sa kagandahan ng buong lugar. "Like what you see?" Narinig niyang tanong ng lalaki mula sa likod. Hindi na niya pinagtutuunan kung galit ito sa kanya o hindi. Baka pasalamatan pa niya ito sa pagdadala sa kanya sa lugar. Mabilis siyang tumango dito ng hindi tinatanggal ang mga mata sa lugar. May sinabi pa ito ngunit hindi na niya iyon narinig. Mas focus siya sa pagbubusog ng kanyang mga mata. Siguro'y mas perfect ito kung sakaling marami din ang hayop katulad ng kabayo at mga manok. "May mga kabayo din dito pero nasa kabilang banda sila ng lupain kasama ng mga baka." Tila nabasa ng lalaki ang nasa isip niya kaya napalingon siya dito. "T-Talaga?" Bakas ang inggit na sinabi niya. Napakapalad ng lalaki dahil bukod sa yaman na meron ito ay malaya itong makatakas sa realidad sa tulong ng lugar. Siya nga na noon lang nakapunta ay agad nainlove doon at kung magkakaroon siya ng pera sa susunod ay bibili din siya ng lupa at papagawan ng ganito. "I can bring you there tomorrow." Mahinang sinabi nito habang nakatitig sa kanya. "T-Talaga?!" Hindi mapigilan ang excitement na muli niyang tanong. Ang mga taynga niya ay gustong pumalakpak sa saya. "Yeah...in one condition." "Ano?" Mabilis niyang tanong dito. Kahit ano pa ang hilingin nito basta ang kapalit ay makita niya ang mga hayop. She wants to try riding a horse, that is, if Tristan will let her borrow one. "Obey me." "Sus! Yun lang pa-" "Always." Putol nito sa sasabihin niya. "That includes informing me all of your whereabouts, at school and everything you do." "Pero-" Gusto niyang tutulan ang sinabi nito. Wala na siyang kalayaan pag nagkataon. Tuwing kasama na nga lang ang mga kaibigan siya makakatakas sa palad nito tapos ngayon ay gusto pa nitong sabihin niya ang lahat ng gagawin. "If you don't want to, then I won't let you see the horses." Masungit nitong sinabi na nakataas pa ang kilay. "Oo na nga." Napipilitang sinabi niya dito. "Basta dadalhin mo ako bukas tapos hayaan mo akong i-try na sakyan ang isa sa mga kabayo mo." Malakas ang loob na sinabi niya dito kahit nagdadasal na siya sa isip na sana ay pumayag ito. Mataman siyang tiningnan ng lalaki na tila nagulat din sa kondisyon niya. "Hindi ko naman po papatayin ang kabayo mo. Ito naman! Gusto ko lang i-try sakyan." Pilit pa niya. "Tss...fine. Deal." "Yes!" Masayang sinabi pa niya na akmang tatalon pa sa saya ngunit ng makita ang sitwasyon nila ng lalaki ay natigilan siya. Nakaharap ito sa bintana habang nakahawak ang magkabilang braso doon. Siya naman ay tila nakakulong sa mga bisig nito. "What?" Nakangisi ng sinabi nito ngayon kaya sinimangutan niya. Tila balewala ang distansyang meron sila dito. Hindi ba talaga nito girlfriend si Aurora? Bakit nito nagagawang umakto ng ganito sa kanya lalo pa at katulong lang siya nito? Sa naisip ay inis niyang tinabig ang braso nito para makaalis agad doon ngunit hindi siya hinayaan ng lalaki. Mas ipiniit siya nito sa kanyang pwesto kaya hindi na siya halos makagalaw. "Sir, hindi po ba kayo nagi-guilty na ganito kayo sa ibang babae kahit girlfriend ninyo si Mam Aurora?" Tanong niya dito ng hindi napigilan ang sarili. "Don't worry, hindi ang katulad mo ang pagseselosan niya." Matiim na sinabi nito bago kusang tanggalin ang braso at talikuran siya. Hindi niya alam ngunit bahagya siyang nasaktan sa sinabi nito. So it's true, he has been in a relationship with Aurora, yet he still chose to play with her? Ganoon ba siya kababa sa tingin nito? "Magluto ka ng hapunan. Dito na lang tayo matutulog. Pupuntahan ko lang ang mga tauhan sa likod." Utos nito at dali-dali ng lumabas ng kubo. Siya naman ay naiwan na halos mamalisbis na ang luha. She was deeply hurt by how Tristan indirectly told her that he was just using her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD