Chapter 16

1407 Words
Nagluto siya habang pinipigilan ang sarili na h'wag umiyak.Siguro ay sign na ang sinabi ng lalaki na h'wag niyang seryosohin ang kahit anong namamagitan sa kanila.It was only about lust and nothing more. Dapat pa nga siyang magpasalamat dahil at least hindi na niya kailangan na mag-isip kung bakit ganoon ang lalaki. Maybe he was just sometimes kind because he wanted to use her or make use of her. In the first place, she was paid. Madami ang laman ng ref ng kubo. Hindi na siya magtataka kung bakit may kuryente hanggang doon kahit malayo na ito sa mansyon. Siguro ay gumagamit ang lalaki ng solar kaya napapagana ang mga ilaw at iba pang appliances ng munting bahay. Kumpleto din ang panluto doon. May gasul at mga kagamitan sa pagluluto. In short, kumpleto ang buong bahay. Pwedeng tirahan kung sakali. Halos dalawang oras ang nakalipas ng makarinig siya ng papalapit na tawanan mula sa likod na nasisiguro niyang galing sa taniman. Isang grupo iyon ng tingin niya ay tauhan na tinutukoy ng lalaki kaina. Kabilang din doon si Tristan ngunit agad siyang umiwas ng tingin ng tumingin ito sa banda niya. Tanaw kasi mula sa kusina ang paparating mula sa likuran lalo pa at maliwanag dahil sa solar light. Takipsilim na ngunit maliwanag ang buwan. Agad din siyang pumunta sa harapan ng kubo para puntahan ang mga bagong dating. Ang problema ay baka hindi magkasya ang kanin na niluto dahil akala niya ay dalawa lang silang kakain doon. "Hijo, ito na ba ang nobya mo?" Nakangiting tanong ng matandang lalaki na nakapansin agad sa kanyang paglabas. Nakaupo ang mga ito sa upuan na pahaba na yari sa kawayan sa gilid ng bahay. Ang mga babae naman ay nasa kabilang parte kung saan may mahabang upuan na kawayan din na nakalagay. Tumingin lang ang lalaki sa kanya ngunit hindi ito sumagot. Humalakhak lang ito sa sinabi ng matanda pagkuwa'y bahagyang naglakad palapit sa kanya. "Dito na ho kayo maghapunan, ng makapagkwentuhan din tayo. Medyo matagal na po ng huli tayong magsama-sama dito." Tantiya niya ay matagal ng naninilbihan sa lalaki ang mga nandoon dahil kitang-kita niya ang paggalang ng mga ito sa amo. "Mag-iinuman na rin po tayo pagkatapos kumain. Marami po akong dalang alak sa sasakyan." Akmang sasabihin sana niya ang sitwasyon sa lalaki ng agad itong pumasok sa kubo pagkatapos magpaalam na magpapalit muna ng damit. "Hija!" Untag ng mga nandoon dahil hindi niya namalayan na natulala siya. "Bakit po?" Magalang niyang tanong. "Ikaw ba iyong nobya ni Señorito? Ang ganda mo naman at ang kinis ng kutis mo. Halatang galing ka din sa mayamang angkan. Ikaw iyong doktor sa kabilang bayan hindi ba?" Hindi siya makasingit sa sinasabi ng mga ito dahil sa sunod-sunod na tanong. Napagkamalan siyang si Aurora. Kahit pala ang mga trabahador ng lalaki ay kilala ang babae bilang nobya nito. "Nagkakamali po kayo. Hindi po ako si Ma'am Aurora." Pag-amin naman niya sa mga ito. Tila naguluhan ang mga babae. Maging ang mga matatandang lalaki ay tila curious na ngayon kung sino siya. "Kung ganoon ay sino ka?" Iyong matandang lalaki na nagtanong din kanina kay Tristan. "Ako po si Jesusa." Magalang niyang sinabi sa mga ito habang matamis na nakangiti. " Katulong po ako sa mansyon." Dugtong pa niya. "Kasambahay ka?" Hindi makapaniwalang tanong ng mga babae. Tila pinagdududahan pa ng mga ito kung totoo ang sinasabi niya. "Opo." "Sa ganda mong yan? Asus! Niloloko mo kami ata Hija eh! Mukha kang mayaman." Hirit pa ng isa sa mga ito. "Mukha lang po akong mayaman. Charr!" Nag-peace sign pa siya sa mga ito kaya umani iyon ng tawanan. Iyon ang tagpong naabutan ng lalaki. Nakapagpalit na ito. Nakasuot na lang ito ng itim na short, puting sando at itim din na tsinelas pero ang lakas pa din ng dating nito. Umiwas naman siya ng tingin. "Intayin lang po natin ang inutusan ko galing mansyon. Sila po ang magdadala ng hapunan natin." Nakangiting sinabi ng lalaki na nakapagpahinga sa kanya ng maluwag. Mabuti at hindi na niya kailangang makipag-usap pa tungkol doon. Hindi pa nagtatagal ang ilang minuto ng dumating nga ang isang sasakyan kung saan nakasakay doon si Joseph. Madami itong dala kaya tinulungan pa ito ng mga trabahador. Nagulat pa siya ng makitang may litson,spaghetti at pansit sa ipinadalang mga pagkain ng lalaki. "Happy birthday ulit Hijo. Mabuti at dito mo napiling i-celebrate ang birthday mo." She was surprised by what she heard. "Salamat po, Mang Nestor. Alam ninyo naman po na ayoko ng masyadong magarbong birthday. Mas gusto ko po ang ganito, simple at kasama kayo." "Hijo, bakit hindi mo nga pala isinama ang nobya mo? Pasensya ka na at napagkamalan namin itong si Jesusa na nobya mo. Hindi pa kasi namin nakikita iyong tinutukoy ni Manang Letty na kasintahan mong doktor." "Nag-out of town po, Mang Nestor. Pupunta ng Cebu sa mga grandparents niya. Kaninang tanghali lang po umalis." So that explains why he visits her, paalis pala ang gf nito. "Ano pa pong iniintay natin.Kumain na po tayo at ng masimulan na ang inuman!" Masiglang sinabi ng lalaki kaya nagkantahan ang mga nandoon ng happy birthday. Nakisabay na lang din naman siya ngunit panay pa din ang iwas sa lalaki. Ramdam niya ang titig nito ngunit hindi niya sinasalubong ang tingin. Pagkatapos ng inuman ay agad siyang nagligpit ng mga bote ng alak. Iniligpit din niya ang mga pinagkainan at isinalansan ang mga monoblock na dinala din ni Joseph kanina sa sasakyan. Inihatid din ng lalaki kasama ni Joseph ang mga trabahador sa mga bahay ng mga ito kaya naiwan siya doon mag-isa. Napabuntong-hininga na lang siya ng makita ang niluto niyang ginataang kalabasa na may pritong isda. Nasayang lang iyon dahil hindi nakain. Iisipin nalang niya na hindi iyon sinadya ng lalaki dahil sayang ang pagkain kung sakaling inutos lang nito iyon para pagurin siya sa pagluluto. Pasado alas-diyes na ng makabalik ang lalaki.Inihanda niya ang hihigaan nito. Iisa lang ang kwarto sa kubo na mayroong king size na kama.Siya naman ay sa may salas nalang na kaharap ng kwarto at maglalatag. Presko doon at tiyak na makakatulog siya ng maayos. Nakapagpalit na din siya ng pantulog.Iniabot iyon ni Joseph kanina sa kanya na ayon dito ay ipinabibigay ng mayordoma. Mga damit niya iyon na siguro ay kinuha ng matanda sa gamit niya dahil nalaman nitong magpapalipas sila ng gabi sa kubo. Pahiga na sana siya ng marinig niya ang pagbukas ng kawayan na pinto. Pumasok doon si Tristan na agad sinalubong ang tingin niya. Palagay niya ay lasing din ito dahil bahagya pang namumula ang mukha marahil ay sa tama ng alak. Hindi naman niya nakita kanina kung nakailang tagay ito dahil pinilit niya ang sarili na h'wag itong tingnan kaya nga nagawa niyang makipagkwentuhan kahit kay Joseph para lang makaiwas. "Ready na po iyong kwarto ninyo, Sir." Wika niya dito ng hindi tumitingin.Kunwaring busy sa pag-aayos ng latag kahit nga hipid na iyon at ready ng higaan. Hindi sumagot ang lalaki. Pagkatapos nitong saraduhan ang pintuan ay dumiretso ito sa loob ng kwarto at agad din na lumabas dala ang tuwalya nitong puti. Siguro ay magliligo ito sa banyo sa likod. Pinatay niya ang ilaw ngunit sa sala lamang. Hinayaan niya ang sa kusina dahil dadaan pa doon si Tristan. Siya naman ay kinumutan at pinilit ang sarili na matulog. Kung alam lang niya na mahihirapan siya ay tinanggap niya ang alak na ibinibigay sa kanya kanina, edi sana ay tulog siya agad ngayon. Nang muli niyang marinig ang yabag ng lalaki ay nagpanggap siyang natutulog. Tumagilid pa siya ng higa para hindi siya nito makita sa pagdaan nito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng kwarto kaya nakahinga siya ng maluwag at humarap na sa kabilang panig dahil pakiramdam niya'y natutuod siya sa ginagawang hindi paggalaw. Gayon na lang ang gulat niya ng makita ang pigura ng lalaki na nasa harap ng pinto at matiim na nakatitig sa kanya.May puting tuwalya lamang na nakasabit sa ibabang bahagi ng katawan nito habang may tubig pang tumutulo sa katawan. Agad siyang napatalikod sa gulat at pumikit. Bumilis ang t***k ng puso niya at palagay niya'y hindi iyon kakalma kahit anong gawin niya. Narinig niya ang yabag ng lalaki palapit kaya mas hinila niya ang kumot para itakip sa katawan. "Stop pretending you're asleep." Narinig niyang sinabi ng lalaki kaya mas naghurumentado ang kaloob-looban niya. "I haven't claimed my birthday present yet," he huskily added.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD