Back to normal na ang klase nila pagbalik niya ng school. As usual ay panay lang ang kulitan ng tatlo niyang katabi, idagdag pa si Noah na mula ng magtapat na liligawan siya ay halos bakuran siya nito sa klase which she finds uncomfortable. Ang iba ay todo ship sa kanila pero mas pinili niya ang manahimik dahil naiinis na siya mula kanina pa. Kulang nalang kasi ay ipagsigawan ng lalaki maging sa professor nila na nililigawan na siya nito. "Ako na lang ang bibili." Mabilis na sabat ni Noah ng marinig nitong pupunta siya ng cafeteria para bumili ng kape. Medyo inaantok na kasi siya dahil gabi na din silang bumalik ng mansyon kahapon. Nagtinginan ang tatlo niyang kaibigan pero siguro ay ramdam nitong naiinis na din siya sa pagbuntot ng lalaki kaya sinabi ng mga itong sila nalang apat ang aa

