Hindi siya makatingin ng diretso sa harap na lamesa ng restaurant kung saan nakaupo si Tristan at matiim na nakatitig. Sa katabing table nito ay nandoon naman si Noah na malaki ang ngiti sa kanya. Alam niyang galit ang amo dahil hindi niya sinunod ang gusto nito, kay Noah pa din siya sumabay papunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan. Bukod sa naiinis siya sa kayabangan nito kanina ay gusto niyang patunayan sa sarili na kaya pa din niyang tanggihan ang lalaki. Nagtagumpay naman siyang takasan ito pero sumunod ang lalaki at tila sinadya pa nitong sa mismong harapan ng stage pumwesto. "Water." Mabilis na iniabot ni Noah ang isang baso ng tubig pagkababa niya ng stage. Narinig pa niya ang pagtikhim ni Tristan sa kabilang table pero hindi niya ito pinansin. "Tristan! I missed you! It's good

