"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay na tanong ng Mamang Sasha niya matapos nitong hilahin siya mula sa mga bouncer na humarang sa kanya kanina. "M-Mamang..." Umiiyak na samo niya dito. Umaasang kahit paano ay mayroon pa din na natitirang malasakit sa kanya ang dating kumupkop. "Bakit ka pa bumalik?" Hindi na niya napigilan ang mas humagulgol ng yakapin siya nito. "Baka matunton ka ng mga taong naghahanap sayo dito! Kailangan mo ng umalis!" "S-Sinong?" Naguguluhan siya sa lahat. Sinong naghahanap sa kanya? "Maraming mga lalaki ang sumugod dito sa bar isang araw matapos kang iuwi ng nakabili sayo. Binugbog nila ang lahat ng mga tauhan ko dahil hinahanap ka. Kahit ako ay hindi nila pinalampas, narinig ko ang kagustuhan ng kung sino mang boss nila na papatayin ka!" "Ito ang

