Pagkagising niya ay lobat ang kanyang cellphone. Wala din naman siyang charger kaya mas minabuti niyang kumilos na para makakain sa labas. Kailangan niyang bumalik ng mansyon, kukunin lang niya ang kanyang naiwang gamit pagkatapos ay aalis na. Itataon na lang niya na wala ang lalaki doon para hindi sila magpang-abot. Dahil sa mga nangyari ay mas nakumbinsi niya ang sarili na tuklasin na ang kanyang nakaraan. Tristan doesn't deserve someone with a broken soul, someone who doesn't even know his past. He's perfect as he is; he deserves someone in his league. Kahit masakit ay dapat niya iyong tanggapin. Noon palang naman ay alam na niya iyon. Siya lang talaga ang hangal na sumugal kahit alam niyang noong una palang ay talo na siya kung sakaling maghiwalay sila. Gabi na ng makapag-charge si

