Malikot ang mata niya habang tahimik na nakikinig sa kwentuhan ng mga kasama.Hindi na natapos ang panunukso ng mga ito sa kanila ni Noah.Hindi niya makuhang ngumiti lalo pa at nasa malapit na lamesa sa kanila si Tristan kasama ang sa tingin niya ay mga katrabaho nito. "Jess, kung ligawan ka ba nitong kaibigan namin---may chance?" Napapitlag siya sa tanong ni Dylan kaya nagtawanan ang mga ito. Si Noah naman ay nagsalita pa malapit sa may tenga niya at tinanong kung ayos lamang siya kaya mabilis niyang inilayo ang sarili. Pasimple niyang tiningnan si Tristan sa katabi nilang mesa. Pinaglalaruan nito ang hawak na baso ng alak habang nakakunot ang noo. Katatapos lang ng mga itong kumain ngunit narinig niya ang pagyaya ng mga kasama nito na uminom muna. "Grabi talaga ang chemistry nyo! Nag-u

