SA GITNA NG KATAHIMIKAN
WARNING: SPG 18+ . Contains S****L, Explicit S*****L Word, Word Curses that not Suitable below 18 years of age
ELIZ (POV)
Isang linggo na ang nakalipas simula nung gabing talikuran ko si Jacob sa hallway. Isang linggo na ring tuyo ang mga mata ko, pero ang bigat sa dibdib ko, parang lalong nadagdagan. Sa school, para kaming mga estranghero. Dumadaan siya sa harap ko na parang hangin na lang ako. Masakit, pero pinapanindigan ko ang pride ko. Kung mahal niya si Mara, bakit ko pa ipipilit ang sarili ko?
Pero may isang bagay na nagpapagulo sa isip ko. Bakit pati si Mara, hindi na rin ako pinapansin? Dati, tinitignan niya ako nang matalim, pero ngayon, para siyang lantang gulay na laging malayo ang tingin. At si Jacob... bakit gabi-gabi pa rin siyang puyat? Kung "Dota" lang talaga ang inaatupag nila nina Marco, bakit parang pagod na pagod siya pati ang kaluluwa niya?
Gusto kong magtanong kina Marco at Ben, pero ayaw kong isipin nila na concerned pa rin ako. Ayaw kong isipin ni Jacob na marupok ako.
NARRATOR
Biyernes ng hapon. Habang nag-aayos ng gamit si Eliz, nilapitan siya ng apat niyang kaklase—ang grupo nina Cheska Reyes (19), ang "party girl" ng block na laging naka-makeup at updated sa mga club; Mitch Valderama (18), ang tahimik pero "go with the flow" na palaging may dalang pabango; Kyle Mendoza (19), ang varsity player na matangkad at mahilig magbiro; at si Jhun Santos (18), ang pormado at laging amoy-rich kid na may dalang sasakyan.
CHESKA: “Eliz! Biyernes na, oh. Masyado ka nang lunod sa Statistics. Sama ka naman sa amin mamaya, mag-clubbing tayo sa 888 Club! Balita ko doon ang bagsakan ng mga Criminology students.”
NARRATOR
Napatigil si Eliz. 888 Club. Iyon ang lugar na madalas niyang marinig pero kailanman ay hindi niya napuntahan. Parang may kung anong nag-udyok sa kanya. Marahil ay gusto niyang makalimot, o marahil ay gusto niyang hanapin ang sagot sa mga tanong na nagpapabigat sa gabi niya.
ELIZ: “Clubbing? Hindi ako papayagan ni Mama, alam niyo naman ’yun.”
KYLE: “Sus, kami ang bahala. Pupunta kami sa bahay niyo, ipagpapaalam ka namin. 18 ka na, Eliz! Hindi ka naman pwedeng habang-buhay na lang nakakulong sa kwarto mo.”
JHUN: “Oo nga, Eliz. Ihahatid ka namin pauwi, safe ka sa amin. Isang gabi lang naman, pampatanggal ng stress.”
ELIZ (POV)
Huminga ako nang malalim. Siguro nga, ito na ang oras para subukan ang buhay sa labas. Siguro kailangan kong makita kung ano ba talaga ang meron sa gabi na kinababaliwan nila Jacob.
NARRATOR
Pagsapit ng alas-siyete ng gabi, pumarada ang sasakyan ni Jhun sa tapat ng bahay nina Eliz. Kinakabahan si Eliz habang pababa ng hagdan, kasunod si Anabel na laking gulat sa nakikita.
ANABEL: “Ate, seryoso ba ’to? Lalabas ka? Kasama sila?”
ELIZ: “Hayaan mo muna ako, Bel. Gusto ko lang makahinga.”
MAMA: “Ano ’to, Eliz? Bakit may mga sasakyan sa labas? Sino itong mga kasama mo?”
NARRATOR
Lumabas sina Cheska at Kyle para harapin ang Mama ni Eliz. Maayos silang nakasuot, at ginamit ni Cheska ang kanyang "charm" para mapaniwala ang ginang.
CHESKA: “Good evening po, Tita. I’m Cheska, blockmate po ni Eliz. Birthday ko po kasi bukas kaya niyaya ko po silang mag-celebrate sandali. Maaga po kaming uuwi, kami na po ang maghahatid kay Eliz sa pinto niyo mismo.”
JHUN: “Opo, Ma’am. Safe po ang anak niyo sa amin. Gusto lang po sana naming makasama si Eliz dahil siya po ang pinaka-masipag sa klase namin.”
MAMA: “18 na si Eliz, alam ko. Pero hindi ako sanay na lumalabas ’yan sa gabi. Anabel, hindi ka pwedeng sumama, 17 ka pa lang.”
ANABEL: “Ma, okay lang po. Hayaan niyo na si Ate. Minsan lang naman ’yan, eh.”
NARRATOR
Nag-isip ang Mama ni Eliz. Nakita niya ang determinasyon sa mukha ng kanyang anak. Marahil ay naisip niya na hindi niya pwedeng habambuhay na ikulong si Eliz, lalo na’t wala doon ang kanyang boyfriend na Amerikano para magbigay ng "instruction."
MAMA: “Sige. Pero kailangang bago mag-alas-dose, nandito na si Eliz. Jhun, Kyle, kayo ang lagot sa akin kapag may nangyaring masama sa anak ko. Ihatid niyo siya rito sa tapat mismo.”
JHUN: “Pangako po, Tita. Makakaasa po kayo.”
ELIZ (POV)
Hindi ako makapaniwala. Pumayag si Mama. Sumakay ako sa sasakyan ni Jhun, katabi si Mitch. Habang papalayo kami sa bahay, naramdaman ko ang kakaibang kaba at excitement. Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako nang gabi nang wala ang bantay ni Mama.
MITCH: “O, Eliz, ’wag kang masyadong kabahan. Masaya doon sa 888. Maraming tao, maingay, pero doon ka makakahinga.”
KYLE: “Wait until you see the waiters and the crowd there. Solid ang vibe, promise!”
ELIZ (POV)
Pilit akong ngumiti. Sa isip-isip ko, baka nandoon din si Jacob. Baka nandoon sila ni Mara. Pero hindi ko alam kung handa ba akong makita sila sa ganoong sitwasyon. Ang tanging alam ko lang, ang pusong may hapdi at kirot ay naghahanap ng kasagutan sa dilim ng gabi.
Habang binabaybay namin ang kalsada patungo sa club, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Simple lang ang suot ko—isang white blouse at jeans—pero sapat na para maramdaman kong babae na ako. Na hindi na ako yung inosenteng Eliz na palaging sumusunod sa gusto ng iba.
NARRATOR
Pumarada ang sasakyan sa tapat ng isang building na may malaking neon sign: 888 CLUB. Dinig hanggang labas ang malakas na bass ng music. May mga bouncers sa pinto at mahabang pila ng mga taong gustong pumasok.
CHESKA: “Nandito na tayo! Let’s go, guys! Ihanda ang mga sarili niyo, gabi na natin ’to!”
ELIZ (POV)
Bumaba ako ng sasakyan. Ang amoy ng kalsada, ang ingay ng lungsod, at ang pintig ng music mula sa loob ng club ay tila sumasalubong sa akin. Huminga ako nang malalim.
"Eto na ’yun," sabi ko sa sarili ko. "Eto ang mundong pilit itinatago sa akin ng lahat."
Pumasok kami sa loob. Ang dilim ay sinalubong ng mga makukulay na strobe lights. Ang amoy ng alak at usok ay agad na kumapit sa damit ko. Nakakahilo, pero kasabay nito ay ang kakaibang pakiramdam ng kalayaan.
Pero sa gitna ng sayawan at saya ng mga kaklase ko, ang mga mata ko ay nagsimulang maghanap. Nilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok, sa bawat waiter na dumadaan, sa bawat taong nakatayo sa bar.
At doon, sa isang gilid malapit sa VIP tables, napatigil ako.