●●●CLARA’S POV●●●
Sinubukan kong maghanap ng paraan upang makatakas at makauwi sa bahay ng lola ko. Subalit, bigo ako dahil bantay-sarado ako ng mga mata ni James. Hindi maalis-alis ang mga tingin niya sa akin buhat nang magpaalam akong uuwi sana kanina.
Dumoble ang kawalan ko ng pag-asa nang ayain ako ni James. Hindi ko alam kong saan kami pupunta ngayon basta ang sabi lang niya sa akin ay magpapahinga na kami. Talagang hindi ako nakatanggi dahil sa takot kong baka magkaroon ng eksena kapag nagmatigas ako.
"You know what, ipinagpapasalamat ko na ikaw ang sumipot bilang bride ko sa araw na 'to."
Binasag ni James ang namamagitang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tahimik lang kasi akong nakaupo sa tabi niya at nilibang lang ang sarili sa mga nakikita ko mula sa bintana ng sasakyan. Wala naman akong masyadong nakikita maliban sa iba't ibang ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan, nagtataasang billboards at gusali ng syudad.
"Well, ako hindi!" deretsahan at walang pagtitimpi kong saad. "Sinabi ko nang napilitan lang ako at kung alam ko lang na ganito ang mangyayari pagkatapos ng kasal... I would be your second runaway bride!"
Tinawanan ni James ang sinabi ko.
"Well, it's too late, Ms. Ramire—oh, Mrs. Hong, rather!"
Talagang pinalitan na niya ang status at apelyido ko.
"Anyway, kanina ko pa gustong itanong sa iyo 'to. 'Wag kang magagalit, ha." Binibitin pa ni James ang gusto niyang itanong sa akin. "Clara, t*nga ka ba?"
Talagang napaupo ako ng tuwid sa narinig kong tanong ni James. Seryosong-seryoso pa si James habang tinatanong sa akin kung t*nga nga ba ako.
"Sorry for the word, ha." Pagpapatuloy niya. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit pumayag kang pumalit kay Ciara bilang bride ko at pagkatapos aalis ka na lang. Ano ba kasi sa tingin mo ang gagawin mo sa araw na 'to? Parang magnininang lang sa binyag tapos proxy ka ng kakambal mo, ganoon ba?"
Natikom ko ang bibig ko at hindi ako nakapagsalita.
Natumbok ni James ang inaakala kong gagawin ko sa araw na ito. Parang ganoon nga... Inakala kong mistulang proxy na bride lang ako at pagkatapos ng okasyon, uuwi lang ako. Tapos na.
Tiningnan ko lang siya ng masama at humalukipkip. Kasunod ay binaling kong muli ang tingin ko sa bintana ng sasakyan. Nakikita ko pa sa sulok ng aking mata na nakatitig si James sa akin.
"I've noticed that you're totally the opposite version of Ciara." Pag-iiba ni James ng usapan.
Napatingin akong muli sa gawi niya.
"What do you mean, Mr. Hong?"
"Sorry to say this but for me, your twin sister is a spoiled brat woman! She's wild... party goer... and you know, I also heard that she's a member of a gang and was involved in many troubles here in the city."
Hindi na ako nagtaka nang marinig ang mga ganitong bagay tungkol sa kakambal ko. Noong nag-aaral pa lamang si Ciara sa high school ay palagi kong nababalitaan na nasasangkot ito sa gulo sa loob ng eskwelahan. Makailang beses din siyang nagpalipat-lipat ng paaralan dahil nais siyang ilayo ng mga magulang namin sa mga barkada nitong walang naidudulot na maganda.
"Kung gano'n naman pala, ba't ka pa pumayag na ikasal kayong dalawa?" taas ang kilay na tanong ko.
"Dahil sa kagustuhan nga ng lolo ko at papa mo," sagot niya sa akin.
Lalong umarko ang kilay ko.
"So, okay lang sa'yo kahit matigas ang ulo ng mapangasawa mo? Papakasal ka pa rin?"
Nakita kong tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi.
"Okay lang. Marunong naman akong magpatino ng babae, my wife. Pero salamat, ha..."
"For what?" asik kong tanong sa kaniya.
"Nagpapasalamat ako na ikaw ang sumipot sa kasal namin ni Ciara. Dahil doon ay nakatagpo ako ng babaeng matino at inosente. That holy kiss in front of the altar, it was also your first kiss, right? And that's the reason why I don't want to lose you now."
Napakagat-labi ako. Nahalata niyang unang halik ko iyon. Ramdam ko rin na uminit ang pisngi ko.
"You're a v*rgin? Ang swerte-swerte ko pala sa'yo. Kung ganito lang naman, hindi nakakapanghihinayang na gumastos ng milyon-milyon sa kasal."
"May pinaplano ka bang gawin sa akin?" prangka kong tanong.
"Yes, of course!" maagap niyang sagot. "But the right word is... may gagawin tayo. Hindi lang kasi ako ang may dapat gawin, ikaw rin."
Natikom kong muli ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Subalit pinatatag ko ang sarili. Tiningnan ko siya ng rekta sa mata at matapang na binalaan.
"Don't you dare, Mr. Hong! Hindi ako ang asawa m—"
"Then, who else?" Pinutol niya ang sinasabi ko. "Kaninong daliri ko ba sinuot ang wedding ring kanina, 'di ba sa'yo? At sino ang sumagot ng "I do" kanina, 'di ba't ikaw rin?"
"Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ang mga sinabi ko, Mr. Hong? Well, mukhang malayo-layo pa naman bago tayo makarating sa pupuntahan natin kaya't uulitin ko na lang."
Tumikhim ako.
"I've already said and explained it to you many times. But I'll say it again... I'm Clara, not Ciara!" madiin kong boses.
"Well, it doesn't matter anymore! Clara or Ciara, I don't care! Para sa akin, kung sino ang humarap sa altar kasama ko, 'yon na ang asawa ko!" galit at mataas na boses niyang giit sa harap ko.
Tila nanigas ako sa kinauupuan ko. Nakakatakot siyang magalit. Mas nakakatakot ang boses niya kumpara sa galit na boses ng lolo ko.
"Sinabi ko kanina na ikaw ang sinisisi ko at sisingilin sa mga nangyari ngayong araw, ngunit, sa nakikita ko ay unti-unti na akong kinukumbinsi na napilitan ka lang gawin ito. Na labag din sa kalooban ang ginawa mong ito," pagpapatuloy niya pa subalit sa mababang tono na.
Walang galaw ako habang nakaupo at nakikinig sa mga sinasabi niya. Pinapakinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Hindi ba pwedeng pakisamahan mo na lang ako ng maayos simula sa oras na ito? Hindi kasi pwedeng may kasama ako sa simbahan at saka sa reception tapos pagdating sa honeymoon ako lang ang mag-isa. Naiintindihan mo ba ako?"
Tumango-tango na lamang ako. Hindi ko alam kung dahil sa takot na tumaas muli ang boses niya o dahil sa nakikiusap siya sa akin ng maayos. Sa pagtango ko akala ko ay tatahimik na si James. Subalit may pahabol pa siyang sinabi.
"And another thing, would you please stop mentioning your twin sister–Ciara? I don't want to hear anything about her anymore. I'm more interested in you now!"
"Okay, Mr. Hong." Ang matipid kong sagot.
Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagsalita pa. Tumahimik na rin lang ako. Hindi nagtagal ay nasilip ko sa bintana na huminto ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng isang malaking gate na kulay pula. Maya-maya ay bumukas ang gate at sa pagpasok ng sasakyan ay nalaman kong isang malawak na compound ang pinasukan namin.
Sobrang lawak sa loob at hindi ko matantiya ang sukat dahil limitado lang ang naaaninag ko. Bukod kasi sa gabi na ay tinted pa ang bintana ng kotseng sinasakyan namin. Pero masasabi kong ekta-ektarya ang sukat nito dahil mula sa gate ay may tatakbuhin pa ang sasakyan at may madadaanang malapad na man-made stream.
Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na ang isang malaking bahay. Dalawang palapag lamang iyong ngunit malapad. Ang ganda pang pagmasdan dahil halos lahat ng dingding ay gawa sa salamin kaya't tumatagos ang liwanag na nanggagaling sa mga ilaw sa loob. Hindi ko akalaing ganito kayaman ang mapapangasawa sana ni Ciara.
"Welcome home, Mr. and Mrs. Hong!" masiglang salubong sa amin ni James nang makababa kami sa sasakyan.
Limang babaeng nakauniporme ng maid ang sumalubong sa amin. Isa-isa silang pinakilala sa akin ni James at sinabi niyang sila ang kasama namin sa bahay na ito.
Nang akmang papasok na kami sa loob ng bahay ay hinapit ako ni James sa baywang. Ilang na ilang ako ng mga sandaling iyon. Pasimple kong inaalis ang kaniyang bisig subalit hindi ko madaig ang kaniyang lakas.
"Simula ngayon, ito na ang magiging bahay mo at ikaw na ang kikilalaning ilaw ng tahanang 'to," pabulong niyang wika malapit sa tainga ko.
Pagkasabi ay binitawan niya ang baywang ko at ang kamay ko naman ang hinawakan niya. Ramdam ko ang init at higpit ng pagkakahawak niya na animo ay ayaw niya akong pakawalan.
Biglaang tumunog ang cellphone ko at nakahanap ako ng rason upang bitawan ni James ang aking kamay.
Nang tingnan ko ang cellphone ko ay nakita kong ang kaibigan ko na si Yvette ang tumatawag sa akin.
Si Yvette ay ang pinakamatalik kong kaibigan at anak ng kapit-bahay ni lola. Magkaedad lamang kami ni Yvette kaya't naging magkaklase kami mula kinder hanggang high school. Nagkahiwalay lang kami nang magkolehiyo na dahil magkaiba kami ng kursong kinuha at magkaiba ang aming pinapasukang eskwelahan. Subalit iisang boarding house lang din naman kami kaya't magkasama at nagkikita-kita pa rin lalo na pagsapit ng gabi.
Ngunit sa ngayon, mahigit isang buwan na kaming hindi nagkikita ng kaibigan ko. Nasa Pulupandan kasi na sakop ng Negros Occidental ang kaibigan ko. Doon ito na-assign bilang area manager ng isang lending company ang trabaho. Samantalang ako naman ay nasa Iloilo City ngayon at sa Passi naman na sakop ng probinsiya ng Iloilo ang lokasyon ng bahay ng lola ko.
"Pwede ba akong lumabas saglit, Mr. Hong? Sasagutin ko lang 'to."
"Okay, I'll wait for you here." Sabay upo niya sa mahabang sofa.
Pinayagan ako ni James kaya naman dali-dali akong lumabas. Iginiya pa ako ng isang maid palabas ng pinto.
"Hello, langga!" malambing kong sabi nang mapindot ang answer call button sa cellphone ko.
"Langga, kumusta na? Totoo ba? Kinasal na ang kakambal mong si Ciara?"
Sunod-sunod ang tanong sa akin ng kaibigan ko na nagpatameme sa akin. Hindi nakapagtataka na nabalitaan ng kaibigan ko ang tungkol sa kasal. Bigating personalidad si James Hong kaya naman posibleng binalita ang pagpapakasal nito.
"Hello!!!!" malakas niyang boses sa kabilang linya. Nabatid yata niyang natameme ako.
"Langga, may sasabihin ako sa'yo..." malumanay kong bigkas.
Nakapagpasya na akong ikwento sa kaibigan ko ang mga nangyari sa araw na ito. Sa tagal naming magkaibigang dalawa ay masasabi kong mapagkakatiwalan ko siya. Kung tutuusin ay tila mas naging kakambal ko pa si Yvette kaysa kay Ciara. Maraming alam si Yvette tungkol sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Mga bagay na pawang sa mapapagkatiwalaang tao lamang nasasabi.
"Ha? Ano naman 'yan?"
Siguro kong magkaharap lang kami ay kitang-kita ko kung paano umarko ang mala-guhit ng lapis niyang kilay.
"Basta! Makinig ka na lang," ani ko.
"Sure, I'm all ears now!"
Humugot ako ng malalim na paghinga bago simulang sabihin ang katotohanan sa kaibigan ko.
"Kinasal na nga ang kakambal kong si Ciara ngayon. Pero..."
"Pero ano? Ikaw ang napagkamalang bride kanina? Teleserye lang? hahaha."
Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Yvette.
"Umatras si Ciara at ako ang pinakiusapan ng magulang namin na sumipot sa kasal!"
"Ano?!!!" gulantang sambit ng kaibigan ko. "G*ga ka! Hoy, hindi magandang biro 'yan!"
"Langga, nagsasabi ako ng totoo. Ang alam ng lahat ay si Ciara ang kinasal. Pero ang hindi alam ng lahat na hindi totoong si Ciara ang tumayong bride sa harap ng altar kanina."
"Susmaryosep, Clara! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ko talaga maintindihan, Clara! Bakit?!!"
Nanghingi ng paliwanag ang kaibigan ko kaya't ikinuwento ko sa kaniya ang lahat-lahat. Tahimik naman niya akong pinapakinggan hanggang sa masabi ko lahat.
"Diyos ko, Clara! Hindi ba uso sa'yo ang humindi o tumanggi?"
"Alam ko naman 'yon, eh. Kaso ang hirap kasi kapag magulang na ang nakikiusap," giit ko.
"Ang tanong... nagpakamagulang ba sila sa'yo, ha, Clara? Hindi ba't halos kalimutan nilang may isang anak pa sila sa probinsya, tama? At 'yang si Ciara, may ginawa bang maganda 'yan sa'yo para isalba mo sa kahihiyan? Naku naman! I'm sure hindi pa ito alam ng lola at lolo mo."
Sermon ang inabot ko sa kaibigan ko.
"Langga, please, 'wag mo namang sabihin sa lolo't lola ko ang tungkol dito. Baka atakihin ang lola ko 'pag nalaman niya 'to."
Nakiusap ako kay Yvette na huwag sabihin o ipaalam sa aking lolo at lola ang pinasok kong ito. Magkakagulo sakaling makarating ito sa kanila.
"Saan ka ngayon, langga?"
"Kasama ko si Mr. Hong ngayon. At saka bahay niya yata itong pinagdalhan niya sa akin," tugon ko.
"Aba'y, a tapang a tao! Pa'no kung mahuli ka ng intsik na 'yan na hindi ikaw si Ciara?"
"Alam na niya, langga. Inamin ko sa kaniya bago pa man matuloy ang seremonya ng kasal. Ang problema ko talaga ngayon ay hindi niya ako pinapayagang umuwi. Tapos... tapos... ano, eh... sinisingil ako ng pulot-pukyutan at buwan kuno sabi niya..."
"Ha? Ano 'yon?"
Hindi na-gets ni Yvette ang ibig kong sabihin. Nahihiya kasi akong magbanggit ng deretsahan sa kaibigan ko.
"Iyong honeymoon daw..."
"Ay, l*ntik! At ano? Ibibigay mo rin ang puday mo ro'n?"
Walang preno rin itong kaibigan ko magsalita.
"Natatakot ako, langga. Baka galawin niya ako..." Mistula akong batang nagsusumbong.
"Honestly, hindi talaga kita matutulungan sa bagay na 'yan. Ang layo ko sa'yo ngayon at wala rin akong maisip na paraan kung paano kita mailalabas sa hindi basta-bastang sitwasyon na pinasok mo."
"Masakit ba sa una?" lakas-loob kong tanong sa kaibigan ko.
Naranasan na kasi ni Yvette ang bagay na iyon. Inusisa ko na siya para naman makapaghanda ako.
"Hmmm... masakit kung malaki ang ipapasok niya," sagot niya.
"Sa tingin mo malaki kaya?" pagtatanong ko sa kaibigan ko.
"Ay, ewan ko! Pa'no ko masasabi, eh, hindi ko naman 'yon nakita sa personal."
"Based on my research, maliliit lang naman daw ang itits ng mga chinese. Siguro mahahalintulad ko lang sa kikiam," ani ko.
"G*ga! Eh, hindi naman 'yan purong chinese si Mr. Hong. Saka hindi naman porke't chinese ay mala-kikiam na lahat ang laki. Sige, mala-kikiam nga pero chinese kikiam! Ano? Makakaya bang lunukin 'yon ng puday mong silyado pa?"
Patuloy akong tinatalakan ng kaibigan ko.
"Alam mo, tinatakot mo talaga ako..."
"Ay, dapat lang na matakot ka, Clara! Hindi biro 'yang pinasok mo," dagdag pa niyang sabi sa akin.
"Oo na! O siya, ibaba ko na at baka mainip 'yon sa kahihintay sa akin. Please, langga, 'wag mong ipagsabi sa iba ang tungkol dito. Lalong-lalo na sa grandparents ko."
Alam ko namang walang pagsasabihan si Yvette sa mga ikinuwento ko sa kaniya. Subalit talagang pinaalala ko lang.
"Sige, Clara. Tawagan mo na lang ako bukas kung buhay ka pa!"
Napailing na lang ako nang maputol ang usapan namin ng kaibigan kong si Yvette. Batid kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na nagawa ko ang mga naikwento ko.
Pagkatapos kong makipag-usap sa kaibigan ko ay kaagad akong bumalik sa loob ng bahay.
Nadatnan kong nakaupo pa rin si James sa sala at matiyaga akong hinintay.
"Are you done?"
"Y-Yeah!" tangong sagot ko.
Tumayo si James at humakbang palapit sa akin.
"Let's go upstairs. I'm tired!"
Inaya niya akong magpahinga na raw kami sa taas. Ang tanong, magpapahinga na nga ba kami?
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi ni James. Sumama ako sa kaniya sa taas at pumasok kami sa isang malawak na silid.
Wala akong masabi na negatibong komento tungkol sa kwartong pinasukan namin. Masarap sa mata ang interior design. Ang ganda at napakakomportable sa pakiramdam.
"Feel at home, my wife. Ito na ang bagong tahanan mo."
"Mr. Hong, wala ka bang balak na pauwiin ako sa lola ko? Like, bibisita man lang ako sa kanila," pagtatanong ko habang napaupo sa kama.
"Depende!" sagot niya sa akin. "Siguro kapag natiyak kong hindi ka tatakas sa akin."
Nabuhayan ako ng pag-asa sa narinig.
"Salamat, Mr. Hong—"
"Why don't you call me husband or something that sounds sweet to my ears?"
Tila naiirita siya sa paraan ng tawag ko sa kaniya kaya't sinansala niya ako. Masyado yatang pormal sa pandinig niya.
"Okay po. Pwedeng "ERP" na lang ang itawag ko sa'yo?" ani ko.
"Erp?" ulit niya. "What does that mean?"
"Binaliktad ko lang ang salitang "PRE". Parang pre o pare, gano'n! I think, ito 'yong da best na tawagan sa bagong magkakilala pa lang."
Sa sinabi ko ay hindi mapinta ang mukha niya. Ang sama pa ng tingin niya sa akin.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo! Palitan mo 'yan dahil pangit pakinggan! Asawa mo ako at hindi kaibigan o kakilala lang. Maglambing ka naman kahit konti. Do you understand?!"
"Yes po, m-my h-husband." Nabulol ako sa huling salita na binanggit ko. Parang hindi ko maatim na tawagin siyang asawa.
"Better! But remove the "po". Ayaw ko ng sobrang magalang," sabi niya.
"Okay..." Napatango ako.
Nanatili akong nakaupo sa kama habang si James ay nakita kong pumasok sa pinaghihinalaan kong walk-in closet ng silid.
Habang nag-iisa ay aking pinagmasdan ang singsing na nasa daliri ko. Hirap na hirap ang aking utak sa pagproseso ng mga pangyayari sa araw na ito. Hindi ko matanggap na sa isang iglap lang ay may asawa na ako.