__Belleyel's POV__ PARANG doon ko lang naalalang huminga nang iwan na niya ako. Tinignan ko ang bintana kung saan siya tumalon. Bahagya pa iyong gumalaw-galaw dahil kakalabas niya palang. "Belle!" Tumingin ako sa pinto nang maalala kong kumakatok pa pala doon si West. Huminga pa ulit ako bago ako nagsalita. "O-okay lang ako, West!" Tumigil naman ang pagkatok niya. "I'll just wait for you here Belle. Malapit na mag-resume yung practice natin." Napasampal ako sa noo ko. Nagmadali akong naglinis, hinugasan ko ang kamay ko, kaso natigilan ako nang mapadako ako sa dibdib ko. Ramdam ko pa rin kasi ang mainit niyang dila na dumidikit sa aking balat. And that feeling...ang pakiramdam sa tiyan ko na parang may mga bulateng gustong kumalawa. At ang panghihina ko nang halikan niya ako. Surely,

