__Belleyel's POV__ HINAGILAP ko sa locker ko ang notebook ko sa Math. Kahit pa pakiramdam ko ay mahahati na ang ulo ko sa sobrang sakit. Sa dami ba naman ng mga nangyari aasahan mo pa bang magiging maayos lang ang pag-iisip mo? Tumuon ang atensyon ko sa isang estudyanteng paparating sa gawi ko. May dala itong isang kahon na sa hula ko'y may nakalagay na mga barya. Sa isang kamay naman nito ay ang isang papel. Nang mamataan niya ako ay agad niya akong nilapitan at nilapit sa akin ang kahon na may lamang pera. Bahagya pa iyong tumunog nang ilapit niya iyon sa akin. "Offerings!" She chirped which made my forehead creased. "Para saan?" "For Emma Pangsanghal's death." Imbes na mawala ang kunot sa noo ko ay mas lalo pa iyong kumunot. But I offered twenty pesos instead of arguing with her.

