__Belleyel's POV__ "BELLE!" Napapitlag ako nang marahas na bumukas yung pintuan ng classroom namin. Hindi na ako nakalingon dahil natulala na naman ako. "Belle?! Are you okay?!" Tumingala ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni West. Hindi ko namalayang nakahawak na pala siya sa magkabilang balikat ko. "West...?" I called his name, making sure that he is really in front of me. Marahan itong tumango. "Yes it's me." Hindi ako nakapagsalita. Bumubuka ang bibig ko ngunit walang tunog na lumalabas doon. Ramdam ko pa rin ang panginginig ko dahil sa nangyari kanina. "Bakit ka nanginginig, and you were also screaming! Tell me what happened?!" I bit my lower lip to stop it from quivering but at times like this, I failed. "Enox! Ano bang nangyayari?!" Tawag ng isang tinig. Naglakad

