"AMIRAH, making ka sa akin. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon para makita ka nila at malaman na buhay ka." Marami pang pagkakataon para sila naman ang paglaruan mo. Sa ngayon ay huminahon ka muna, dahil hindi nila maaring malaman na buhay ka." Ani pa ni Adam sa akin. Huminahon naman ako at pinunasan ang aking mga luha na patuloy na naman sa pag-agos. Iniisip ko tuloy na baka malas lang talaga ako sa pag-ibig,dahil sa dalawang lalaki na ang dumaan sa buhay ko na palagi na lamang akong iniiwan. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ba ang aking asawa na bigla na lamang naglaho pagkatapos akong maangkin sa Isla ng paulit ulit. Tapos ngayon naman ay ganoon pa din ang nangyari nasaktan na naman ako. Dahil sa labis na pagmamahal ay nagmukha na naman akong tanga. "Ilabas mo lang lahat

