"Amirah,okay lang ba?" Tanong sa akin ni Adam. "Oo okay lang ako medyo nahihilo lang,pero kaya naman. "Bukas na ang flight natin kaya naman mas mabuti siguro ay magpatingin ka muna sa doktor,para naman malaman natin ang lagay mo. Napapansin ko ay madalas nahihilo ka." Sabi pa nito at maging ako ay ganoon din ang napapansin sa aking sarili,pero hindi ko masyadong pinapansin. Hanggang heto nga at halos matumba na ako ngayon sa sobrang pagkahilo. Kaya naman itong si Adam ay kita ko ang pag-aalala sa kan'yang mga mata habang kinakausap ako. Mabait naman ito,pero napansin ko din na may pagkasuplado ito sa ibang tao. Lalo na sa mga babaeng haliparot na nagpapa-cute sa kan'ya. "Sasamahan kita ngayon at magpapaalam tayo kay Madam, hindi daw available si doktora ngayon na makapunta dito kaya n

