Halos hindi matanggap ni Amirah ang kanyang sitwasyon ngayon. "Amirah! Huminahon ka Iha!" Sabi ni Lola Mariella kay Amirah na patuloy pa din sa pagsuntok sa kan'yang t'yan. "Lola, hindi ako maaring mabuntis." Sabi pa n'ya sa nakaka-awa na tono ng boses nito na hindi talaga matanggap na s'ya ay nabuntis ni Xandro. "Iha,kumalma ka muna, nand'yan na yan at isipin muna lamang ay blessings sa'yo ang munting anghel d'yan sa loob ng t'yan mo." Mahinahon na sabi ni Lola Mariella pero patuloy pa din si Amirah sa pagwawala Nakita pa nito ang tila panturok na ginamit sa kan'ya sa mansyon at natakot ito na baka iturok na naman ito sa kan'ya. "H'wag! H'wag n'yo iturok sa akin yan." Pakiusap pa nito pero kailangan na maturukan s'ya,dahil sinasaktan na nito ang kan'yang sarili. Hanggang sa maramdam

