AMIRAH'S POV: Nang makalabas si Lola ng aking silid ay nahiga na lamang ako sa aking kama. Ramdam ko pa din ngayon ang pangangalay ng aking katawan,dahil sa itinurok sa akin kanina na pampatulog. Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili kanina at kusa ko talagang nasasaktan ang aking katawan. Napahawak pa ako sa aking impis na t'yan. "Sorry baby,kung nasaktan ka kanina ni Mama. Sad'yang nabibigla lamang ako sa aking nalaman na nagbunga pala ang maraming beses namin na pagtatalik ng daddy mo." Kausap ko pa sa aking baby na sana ay okay lamang kahit pa sinuntok-suntok ko ito kanina. "Promis ko sa'yo na hindi na iyon uulitin ni mommy,at magpapakatatag ako para sa ating dalawa." Napapangiti na lamang ako sa aking ginagawa na pagkausap dito kahit hindi naman ako nito naririnig. Nakar

