Pagkatapos namin maligo ay agad na akong nagbihis ng summer dress na binili din ni ng Mom ni Xandro sa akin. Lapat na lapat ito sa aking katawan at para bang sinukat. "Ang galing talaga ni Mom, pumili ng damit,pero kahit ano naman ang isuot mo ay bumabagay naman talaga sa'yo Mahal." "Hmmm! Nambola ka na naman, naku Xandro yang gan'yan na banat mo ay alam na alam ko na. Katatapos lang natin at magluluto pa ako." Turan ko pa dito. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo Mahal." Ani pa n'ya at tinalikuran ko na lamang ito,pero sa totoo lang ay kinikilig talaga ako sa mga sinasabi n'ya. Nagpunta na nga ako sa kusina para lutuin ang ulam namin ngayon pananghalian. "Anong lulutuin mo Mahal?" Tanong pa n'ya. "Buttered shrimp,alam ko kasi na gusto mo iyon,at magbabad na din ako ng karne para ma

