Dalawang araw na ang nakalipas,simula ng makauwi kami dito sa mansyon at mas naging maalaga pa sa akin si Xandro. Maging si Tita Allyza ay ganoon din. Sila Asun at Manang naman ay tinutulungan ko pa din kahit pa may dalawang bagong kasambahay na din na kinuha si Xandro para daw hindi na ako mapilitan na kumilos. Pero dahil naiinip ako ay kumikilos pa din ako kahit paano. Kagigising ko lang din at nakatulog na ako kagabi sa kakahintay sa pag-uwi ni Xandro. Bumaba ako at tiningnan kong nasa baba ito pero walang bakas n'ya. Nagpunta ako sa kusina at inabutan ko doon si Manang Ising na nagluluto ng breakfast namin. "Manang!" Untag ko dito. "AMIRAH,gising ka na pala, sandali lamang at malapit ng maluto itong niluluto ko." Ani nito sa akin. "Gusto mo ba ng kape?" "Mamaya na po, Manang na

