Nang makaalis sila ay napaiyak na lamang ako at awang-awa sa aking sarili. "Xandro,nasaan ka na ba? Kailangan kita ngayon." Bulong ko pa habang nanalangin na sana ay dumating ito para Iligtas ako sa mga taong ito na mga halang ang kaluluwa. Basang-basa ako ngayon dahil nga sa tubig na isinaboy sa akin kanina at nararamdaman ko pa na para bang lumalabas sa ilong ko ang tubig. Hindi ko din maigalaw ang mga kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakatali dito. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napansin kong parang nasa isang malaking building kami. Dahil malalaki ang poste na aking nakikita. "Amirah, lumaban ka! Hindi ka pwedeng panghinaan sa ngayon. Kailangan na makaalis ako dito." Kausap ko pa aking sarili na pilit pinapatatag ang aking loob. Dahil kung panghihinaan ako ngayon ng

