Narinig ko ang mga yapak ng paa na papunta sa akin at hindi ka alam kung sino ba sila. Nagkunwari akong tulog at hinintay silang makalapit sa akin. "Ugghh!" Napaigk na lamang ako ng bigla na lamang akong sipain ng kung sinuman na dumating. "Oh! Hi Amirah." Tiningnan ko ang mukha ng dumating dahil kilala ko ang boses nito. "Loyda!" "Yes, Ako nga." Sagot nito sa akin na nang-aasar pa ang tono ng boses. "Ano bang kailangan mo sa akin at kailangan mo pang ipakidnap Ako!" Nanggagalaiti na tanong ko dito at parang gusto kong kumawala ngayon sa pagkakatali sa akin. "Hayop ka talaga! Napakademonya mo!" Sabi ko pa dito na tila balewala lamang sa kan'ya. Naupo naman ito sa aking harapan,iyon bang upo na parang natatae. "Tonta ka talaga Amirah,alam mo ba na kaya naloloko ay dahil boba ka!"

