TWELVE: Ghost of the Past
Halos dalawang buwan na mula nang malaman nina Mama Charlotte at Papa Owen na nagpapadala siya ng package sakin linggo-linggo. Sabi nina Mama Charlotte subukan ko daw padalhan ng sulat at itanong kung paano ko siya mako-contact pero nagdadalawang isip parin ako.
Is this what I want? I don’t know.
Papaano pala kung mali ako? Paano kung may ibang pamilya na siya? It’s been 17 years since I last saw him. Makikilalal niya pa kaya ako? I was 6 when he left us.
Ayokong mag-assume dahil ayokong ma-disappoint. Dati laging may nairarason si Mommy kapag napapako yung pangako niya. Paano na ngayon?
“May problema ba, Akiara?” tanong ni Kuya Caleb na kasalukuyang katabi ko.
Wala kaming pasok ngayon so automatically ay tambay kami dito sa bahay. Lagi naman kaming ganito kapag walang trabaho.
“Wala. Gusto ko lang mag-isip ng magagandang design para sa bahay.” Pagsisisnungaling ko. Sinubuan niya ako ng Ferero Rocher bago tinawanan.
“Ano ka? Interior or Exterior designer? Architecture ang kinuha mong course diba?” pang-aalaska niya kaya inirapan ko siya tapos nilunok ang kinakakain.
“Bakit? Masama ba, kuya? It’s just a thought.” Katwiran ko at ngumanga para magpasubo ng Ferero Rocher.
“Para ka talagang bata.” Sabi niya at kumuha ng tissue tapos pinunasan ang mukha ko. Bine-baby parin niya ako. Si Kuya Clinton tinatrato na ako bilang architect pero itong si Kuya Caleb hanggang ngayon ata bata parin ang tingin sakin.
“Well kuya, di na ako bata kasi graduate at architect na ako.” Sabi ko sa kanya
“Well baby girl parin kita.” Sabi niya at inilapit ang mukha sa akin.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa ilang. Nakakainis. Ako lang ba talaga ang naiilang?
Bakit ko nga ba nakalimutan? Walang hiya nga pala itong si Kuya Caleb.
“Aalis na pala ako.” Sabi niya at tumayo so much for my comfort.
Nagpunas siya ng kamay at iniabot yung bowl ng Ferero sakin.
“Saan ang punta mo, Kuya Caleb?” tanong ko sa kanya. Day off namin sa work ah?
2PM palang ngayon at nagmu-movie marathon kami habang nakain ng chocolates.
“Susunduin ko girlfriend ko.” Sabi ni Kuya Caleb kaya napatingin ako sa kanya
“Seryoso o fling?” tanong ko sa kanya
“Serious.” Sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay
“Seryosong jowa mo? Sure ka, Kuya Caleb? Baka naman fling fling lang yan ah. Tatamaan ka talaga sakin.” Sabi ko sa kanya na ikinatawa at iling niya.
“Ipapakilala ko sa’yo bukas sa trabaho.” Sabi niya
Himala. Nabagok siguro si Kuya Caleb kaya nagseryoso. Wait. Bakit parang nahu-hurt ako?
Baliw ka talaga, Akiara. Maging masaya ka nalang na nagseryoso na ang kuya mo.
Tinuloy ko na yung panonood ko hanggang naubos na yung chocolate. Nakakainis. Ngayon pa talaga naubos kung kailan nasa most dramatic moment a ako sa movie. Wala pa naman si Kuya Caleb.
Nagpatuloy ako sa panonood hanggang matapos. Oh my royals, I’m such a crybaby. Naiiyak parin ako kahit na masaya yung scene. Pinatay ko yung TV at pumunta sa kusina.
Maya-maya may tumawag sa may gate kaya lumabas ako.
“Package for Ms. Akiara Imperial.” Sabi niya at tinanggap ko iyong package at pumirma sa parang proof nila na na receive ko yung package.
“Ahm Sir, pwede po pakibalikan itong box next week?” sabi ko
“Po? Bakit po, Ma’am?” takang tanong niya
“Ahm ibabalik ko lang po ito sa sender.” Sabi ko
“Sige po, Ma’am.” Sabi niya at umalis na. Dinala ko sa loob yung package at binuksan.
Isang kwintas. May heart pendant na mag naka engrave na pangalan ko. KAYSHIN.
Sa loob ay picture nila. Picture nina Mommy at Daddy tapos dun sa isa naman ay picture namin nung 4th birthday ko. 19 years ago.
Bago pa magkaproblema ang company ni Grandpapa. Bago pa mamatay si Grandmama. Bago pa sila magkalabuan. Bago pa magdecide ang parents ko na maghiwalay.
No, unlike what they mean kapag naghiwalay ang parents ay permanently na, ours was a different case. They never got anulled nor divorced but they lived in different places. Ramdam ko ang pagmamahal nila even though ganoon ang situation. To think of it I’ve just realized this just now, that the Imperials were the only complete family I had while growing up.
Pinahid ko ang mga luhang di ko namalayang patuloy na umaagos mula sa mga mata ko.
Miss na miss ko na pala talaga sila.
Maybe tama sina Mama Charlotte. I’ve decided. I’m going to talk to the sender. Tinawagan ko si Mama Charlotte para ipaalam ang naging desisiyon ko.
“Mama Charlotte.” Sabi ko pagkasagot niya sa tawag.
“Akiara, ija, napatawag ka. Kumusta?” sabi ni Mama Charlotte
“I’m fine, Mama Charlotte. Mama Charlotte, well, nagdecide po ako na gawin yung suggestion niyo ni Papa Owen. I’ll contact him.” Sabi ko
“Talaga, ija? Kumustahin mo siya para sa amin ng Papa Owen mo.” Masayang sabi ni Mama Charlotte. I almost forgot na close friends nga pala sila ng parents ko.
“Sure, Mama Charlotte. Oh before I forgot po, niyaya po ako nina Brielle na sa bahay nina Mommy matulog starting Christmas until after New Year po. Magba-bonding daw po ang mga Del Valle.” Sabi ko
“Talaga? Oh siya mag-iingat ka at magpakasaya ka kasama nila. 7 taon kang di nagpakita sa kanila kaya malamang na-miss ka talaga ng mga iyon.” Sabi niya
“I have to go na po, Mama Charlotte. Kakain pa po ako, ay Ma, wala nga po pala si Kuya Caleb dito sa bahay.” Sabi ko
“Nasaan naman ang kuya mo?” Tanong ni Mama Charlotte
“Susunduin daw po yung girlfriend niya.” Sagot ko
“Girlfriend? May girlfriend na si Caleb Pierce? Lokong bata yun ah di nagsabi sakin.” Sabi naman ni Papa Owen at natawa ako
“Ngayon ko lang di naman po nalaman, Papa Owen. Sabi niya ipapakilala niya daw po sakin bukas. I’ll tell you if I like the girl, Papa Owen.” Sabi ko at narinig kong sumang-ayon si Mama Charlotte bago nagsalit si Papa Owen
“Sige, ija. May tiwala ako sa’yo. Kung papasa sa’yo, paniguradong pasado na rin sa amin.” Sabi ni Papa Owen
“Baka po ipakilala rin sa inyo ni Kuya bukas yung girlfriend niya.” Sabi ko
“Siya, siya. Basta mag-iingat kayo palagi ng Kuya mo.” Sabi ni Mama Charlotte
“Kayo rin po, Mama Charlotte.” Sabi ko at ibinaba ang tawag
Pumunta ako sa kusina at sumandok ng kanin at ulam. 6 PM na at may pasok pa kami bukas ni Kuya but then again may date siya so hindi ko na siya iintayin.
Baka sa ibang lugar pa dumiretso yung mga yon.
Pagkakain ko nagligpit ako ng pinagkainan then umakyat sa kwarto ko at nag-toothbrush. Naka-lock na naman yung door knob and may keys naman si Kuya Caleb anyway. Maya-maya narinig ko na ang car engine ni Kuya but di na ako nag-abalang tumayo.