ELEVEN

1023 Words
ELEVEN: First step Hanggang ngayon naguguluhan parin ako. Hindi kasi pwede yung mga nafo-formulate kong conclusion. Natatandaan ko pa nung minsan ko silang narinig magtalo ni Mommy. The was the last time I saw them Ayaw ni Mommy na Del Valle ang gagamitin kong apilyido dahil kasal sila ni Daddy at ayaw naman ni K.M. na apilyido nila nina Lolo ang gamitin ko dahil delikado daw at di pa ako handa sa responsibilty na kasama ng apilyido ni Daddy. Hanggang ngayon di ko parin sila maintindihan but they don’t have to argue anymore, Imperial na ang apilyidong gamit ko. Wala na ring mangyayari. “May problema ba, Akiara?” tanong ni Papa Owen “Wala naman po, Papa Owen.” Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Sabado ngayon at 5 araw na mula nang mapagkonekta ko ang mga clues na kalakip ng mga packages. It all came from Patri but I’m confused on why. Bakit niya ginagawa toh? “Kumusta na ang proyekto niyo, Caleb, Akiara?” tanong ni Mama Charlotte samin “Tapos na po, Ma.” Sagot ni Kuya Caleb “Kayo, Jewel, Clinton, kumusta na ang ospital?” tanong ni Papa Owen “Ayos lang po, Pa. Kaunti nalang po ang naa-admit at nasa ICU.” Sabi ni ate Jewel. ICU nurse si Ate Jewel habang Neurologist naman si Kuya Clinton. Halos minsan sabay ang shift nila kaya dito na natutulog si Quincel kapag weekends. Day off naman ni ate Jewel at night shift si Kuya kapag Weekends. “Medyo marami pa pong nagpapa-check up. Halos puro mga bata dahil sa mga gadgets.” Sabi ni Kuya Clinton at napabaling naman sina Mama Charlotte kayna ate. “Ikaw naman, Chantal, kumusta na ang pagbubuntis mo? Howard, mabait ba itong si Chantal? Alam ko namang malakas ang topak niyan lalo kapag buntis.” tanong ni Mama Charlotte na nagpatawa samin. Sabi kasi dati ni Papa Owen sa amin napaka topakin daw ni Mama nung ipinagbubuntis sina Kuya Clinton at ate Chantal. Nagmana nga daw si ate Chantal kay Mama Charlotte lalo na sa pagiging topakin kapag buntis. “Ayos lang po, Ma. Wala na po yung morning sickness.” Sabi ni ate Chantal Oo nga pala, 5 months pregnant na si ate Chantal. Obvious na yung baby bump ni ate. “Mabait naman po si Chantal, matindi nga lang po ang mood swings at pagke-crave sa ketchup at ice cream.” Sabi ni Kuya Howard at natawa I know kung bakit dahil nung ipinagbubuntis ni ate Chantal si Richard, ako at si ate Jewel, na during that time ay buntis kay Quincel, ang kasama niya. Naranasan ko maghanap ng mga out of this world foods like cake na walang flour and pudding na walang water, believe me when I say it’s mind blowing. “Feeling ko babae ang magiging anak niyo, Chant. Ganyan din si Jewel kay noon.” Sabi ni Kuya Clinton. 2 years old lang sina Richard at Quincel as I remember. “Caleb Pierce.” Biglang tawag ni Papa Owen kay Kuya Caleb pagkatapos namin kumain. “Po?” tanong ni Kuya Caleb. Tingin ko alam ko na kung anong itatanong ni Papa Owen. “Mama Charlotte, ako na po.” Sabi ko at ako na ang nagdala ng mga pinagkainan namin sa Dirty kitchen. Malaki itong ancestral house nina Mama Charlotte at Papa Owen, parang modern yung loob pero bakas parin ang ancient designs. “Ija, ang sabi ng Kuya mo, may nobyo ka na raw. Totoo bang boyfriend mo na yung Andy?” tanong ni Mama Charlotte at napailing ako. “Mama Charlotte, Andy is a girl best friend. Kiandra Go-Castro.” Sabi ko habang nagbabanlaw ng plato na nagpatawa rin kay Mama Charlotte. Best Friend ko na si Kiandra ever since grade school kaya kilala siya nina Mama Charlotte at Papa Owen. “Sabi ko na nga ba. Siya lang naman ang kilala namin Andy sa buhay mo. Ang kuya mo talaga.” Sabi ni Mama Charlotte at nagtuyo na ng kamay. “Alam niyo naman po si Kuya, grabe kung magbantay.” Sabi ko “Kaya ka siguro hindi nagkakaroon ng boyfriend, hinaharang ng kuya mo.” Natatawang sabi ni Mama Charlotte kaya natawa rin ako Naiwan ako dito para banlawan at tuyuin ang mga nasabon na ni Mama Charlotte. Plato na ang hinuhugasan ko nang may magback hug sa akin. Si Kuya Caleb. “Kuya Caleb, nagbabanlaw ako.” Sabi ko sa kanya. Napaka clingy tapos nang-aasar. “Call me by my name.” Bulong niya at ipinatong ang baba sa balikat ko “Anong nakain mo?” nagtatakang tanong “Just call me by name, pasaway.” Bulong niya at hinigpitan ang yakap sa akin “Kuya Caleb.” Sabi ko at nagtuyo ng kamay. Tapos na akong magtuyo ng plato kaya aalis na dapat ako pero nakayakap parin siya sa akin. “My name.” Madiin niyang sabi at humigpit ang yakap sa akin. Napakahigpit niyang yumakap ngayon ah. “Caleb Pierce Imperial.” Sabi ko at bumitaw siya. Humarap ako at maling mali, di ko dapat ginawa yun dahil nagkadikit ang mga labi namin. Nakakakuryente. Una siyang bumitaw at mariing pumikit bago umalis. Bwisit! Hindi dapat yun nangyari. Umiling nalang ako bago kinlaro ang isip ko at pilit kinalimutan ang nangyari . Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi ni ate Jewel na nilalaro si Quincel. Ang cute talaga ni Quincel. Lumapit sa akin si Richard kaya kinarga ko siya, may pinabili si ate Chantal kay Kuya Howard kaya ako, sina Mama Charlotte at Papa Owen, si ate Jewel, si ate Chantal, si Kuya Clinton at si Kuya Caleb lang ang naririto sa bahay. “Mama, may kilala po ba kayong may initials na K at M?” tanong ni Kuya Caleb kayna Mama Charlotte at Papa Owen. “K.M.? Wala naman. Bakit mo naitanong?” tanong ni Papa Owen. Tahimik ko namang binabalaan si Kuya Caleb gamit ang tingin ko. Umayos ka ng sagot mo, kuya Caleb. “May package na linggo-linggong dumadating sa bahay galing sa certain person named K.M. Para lahat kay Akiara.” Sabi niya kaya napatingin sila sa akin. “Ah baka naman ninang o ninong ni Akiara. Kanino nga ba galing, ija?” sabi ni Mama Charlotte kaya huminga ako ng malalim bago sinalubong ang mga tingin nila. “Kairon.” Sa sagot ko iyon natahimik sina Mama Charlotte at Papa Owen. Alam nila na hindi ko Ninong o Tito ang nagbibigay ng mga regalo ay matagal nang umalis sa buhay ko. Alam nina Mama Charlotte at Papa Owen kung sino siya sa buhay ko. Ang taong dapat ay kinalimutan na ako dahil sa tagal ng panahon na lumipas Nakita kong nagulat sila pero nakita ko ring natuwa sila sa nalaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD