TEN

1031 Words
TEN: Mistaken as COUPLE? May hangover pa ako. “Bumangon ka na diyan, Akiara.” Sabi ni Kuya Caleb at niyugyog ako “Inaantok pa ako.” Reklamo ko at hindi parin nabangon “May package para sa’yo.” Dahil doon napa upo ako na hindi ko pala dapat ginawa dahil napalapat ang labi niya sakin. Napalayo ako samantalang siya ay natigilan. “A-anong package?” tanong ko “Nasa baba. Sino si K.M.?” tanong niya “Secret.” Sagot ko at hinila siya palabas ng kwarto tapos bumaba na ako at kumain kasabay ni Kuya Caleb. Pagdating namin sa site patapos na sila sa pagta-tiles. Nakita ko si Kuya Caleb na may kausap na worker. Dumiretso ako sa table ko at ni-review yung desing ng bahay nina Andy at Ian. “Ms. Akiara, tapos na po ang first floor.” Sabi nung isang worker “Ahm.. Good job.” Sabi ko at lumabas na siya. Hindi ko na tinawagan si Ian dahil nasa honeymoon sila ni Kiandra. “Hindi mo tatawagan yung pinsan mo?” tanong niya at halos mapaigtad ako “Ku-kuya Caleb naman. Hindi na.” Sabi ko at inirapan siya. Aatakihin ako sa puso dahil dito kay Kuya Caleb eh. Buti nalang wala akong sakit sa puso. “Ah sige. Balik ako doon.” Sabi niya at umalis na uli. Naalala ko naman yung kaninang umaga. Not the kiss noh. Narinig kaya ni Kuya? Obviously. Edi alam na niya. Bad timing talag. “Huy!” muntik na akong makasapak. Ang hilig manggulat eh. “Wag naman yung gwapo kong mukha.” Sabi niya “Che! Anong kailangan mo?” pagsusungit ko. Kanina pa siya nanggugulat eh. “Kain tayo. Di ako nagdala ng lunch.” Sabi niya kaya ibinato ko sa kanya yung puncher na naiwasan naman niya. Sayang. “Paano tayo kakain?” tanong ko sa kanya. Kain daw kami tapos wala siyang dala? Bwiset talaga tong asungot na toh as ever. “Tara. Sa karinderya tayo kakain.” Sabi niya. Lumabas kami ng kasama yung mga workers. May karinderya pala sa labas nitong subdivision. “Libre mo?” tanong ko habang nakaupo kami sa isang long table na may 14 chairs. “Malamang.” Matutuwa na sana ako kaso ngumisi siya. I think I won’t like what’s next. “Hindi.” Sabi niya kaya napasimangot ako at inirapan siya. “Uuwi na ako.” Asar kong sabi at tumayo “Paano ako uuwi?” tanong niya sakin kaya inirapan ko siya “Bahala ka.” Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ako sa braso. “Biro lang. Ikaw pa ba?” sabi niya at umirap ako “Umayos ka.” Banta ko sa kaniya at ipinaghila niya ako ng upuan sa tabi niya. “Ms. Akiara, nobyo mo po ba si Eng. Caleb?” tanong nung isa habang na-order ng pagkain si Kuya Caleb. Muntik naman ako mabilaukan kahit wala akong kinakain. “Hindi ah. That’s i****t at ayoko sa asungot.” Sabi ko at saktong pagdating ni Kuya Caleb “Ang sakit mo naman magsalita, Akiara Imperial.” Sabi niya “Bakit totoo naman ah? KUYA Caleb IMPERIAL, you’re an asungot kaya. Saka like you said I am an IMPERIAL rin.” Sabi ko sa kanya. Diniinan ko talaga ang apilyido namin at at yung word na ‘Kuya’ “Magkapatid pala kayo.” Sabi nung isa “Hindi po halata.” Sabi naman nung isa pa. Yeah I know that. “Sayang.” Sabi naman nung iba Nang makarating na yung order namin tahimik lang ako kumain since hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila except kapag may kinalaman sa architecture. Pagkakain namin bumalik na kami sa trabaho. Iba talaga ang tingin nila sa amin ni Kuya Caleb eh. Nung hapon na binigay ko na sa kanila yung huling sweldo nila. “Ms. Akiara, talaga bang magkapatid kayo ni Engineer Caleb? Iba po kasi yung tinginan niyo.” Sabi nung tingin ko ay pinakabata sa kanila “Oo naman. Isa pa 7 years ang tanda ng asungot na yon sakin.” Sabi ko at nagulat ako nung may magback hug sakin. Amoy palag kilala ko na kung sino eh. “Kuya.” Reklamo ko sa kanya at inalis yung pagkayakap niya. “Sige na ho, Miss Akiara, Engineer Caleb,  Mauuna na ho kami.” Sabi nung isa at umalis na sila “Anong kailangan mo?” tanong ko habang nag-aayos ng mga gamit na nasa table. “Grabe para naglalambing. Kailangan agad?” pagdadrama niya na nagpa-irap sa akin. Ang drama “Kuya Caleb, for 8 years na magkasama tayo sa bahay and for 15 years na sabay tayong lumaki, kilalang-kilala na kita.” Sabi ko sa kanya at dinala ko na ang mga gamit ko at lumabas na kami ng property. “Mamaya, sa bahay ko na sasabihin.” Sabi niya “Okay. Sabi mo eh.” Sabi ko at pumunta na kami sa sasakyan. Ayos na yung electricity at water installment ng bahay last week pa may kuryente at tubig. Pagkarating namin sa bahay nagtaka ako nung may nakakipit sa mailbox. Pagbukas ko isang package. Mula kay K.M. “Kanino galing yan?” tanong ni Kuya Caleb na nasa likod ko na pala. “Manliligaw ko.” Sabi ko. Simpleng sagot ko pero alam kong di naman totoo besides ito ang pinaka safe na sagot. Dinala ko sa loob ng bahay at ipinasok sa kwarto ko. Inilagay ko yung package sa ibabaw ng vanity table bago bumaba. Nakita ko si Kuya Caleb na nanonood ng TV. Ang gwapo pala ni Kuya Caleb. Naupo ako sa tabi niya at sumandal sa kaniya. Kung may makakakita man samin ngayon, mapapagkamalan kaming mag-jowa but that’s so eew. “Ano yung sasabihin mo kuya Caleb?” tanong ko Nagpaligoy pa siya sa pagku-kwento and pag-e-explain but in the end sinabi niya na may outing pala ang mga Imperial next week at pinapasama ako nina Mama Charlotte at Papa Owen. Every year may get together ang pamilya nina Papa Owen. Ever since I was 16 di ko alam kung coincidence na lagi akong busy, out of town or may sakit kaya di ako nakaka-attend. “Pwede ko naman sabihin – Hindi na. Besides miss ko na rin sina ate Aoi.” Sabi ko “Bahala ka.” Sabi niya Pumunta ako sa kitchen at nagluto tapos pumunta sa kwarto ko para buksan yung mga package. Weird 2 packages ngayong araw? Usually kasi since nag-start magpadala ang K.M. na yun once a week pero ngayon iba. Binuksan ko isa-isa yung mga package. OH MY ROYALS!! Pictures namin ni Mommy ang laman at may captions, date at event pa. This is solid proof. Oh My Royals! May mga pictures din na sina ate Chantal, Kuya Caleb, at Kuya Clint ang kasama ko and meron ding pati sina Mama Charlotte at Papa Owen or sila lang ang kasam ko. This is a huge confirmation na may sumusunod sa akin. I was right.  K.M., Alam ko na kung sino si K.M., pero bakit? Bakit niya ito ginagawa? Naguguluhan ako. It doesn’t make sense naman. Bakit, K.M.?  Why, Patri?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD