NINE: Go-Castro Wedding
Maaga akong nagising dahil almost 4 palang ng umaga nambubulabog na sina Kuya Caleb at Kuya Clinton but I’m guessing na si Kuya Caleb lang iyon dahil salitan ang tawag.
“Congratulations, Kiandra. Magiging pinsan ka na talaga namin.” Sabi ko at niyakap siya
“Akiara naman eh. Masisira ang make-up ko.” Sabi ni Andy at niyakap rin ako
“Pareho lang naman kayo.” Sabi ni tita Cathlyn, nanay ni Kiandra
“Naku, Tita Cathlyn, kukuhanin na po ni Ian si Kiandra, aalis na po siya. Pwede po mag-apply?” pagbibiro ko
“Para pwede kayo ng kuya mo?” pang-aasar ni Andy
“Hindi noh. I don’t need an asungot sa buhay ko.” Sabi ko at natawa si Tita Cathlyn samin.
Nagpasundo ako kay Brielle, Habang hinihintay namin si Kiandra sa simbahan, tawag ng tawag si Kuya Caleb kaya ini-off ko ang phone ko. Alam naman niya na kasal ang pinuntahan ko, tawag siya ng tawag.
Nung nagsisimula na ang kasal nag-thumbs up ako kay Ian. Si Kuya Dustin ang ka-partner ko sa entourage, second degree cousin ko at kuya ni Nicka.
Halatang kinakabahan si Ian well si Andy rin kanina may pre-wedding jitters. Obviously dahil starting from this day legal na silang dalawa together.
Habang nagpapalitan sila ng wedding vows, kita ko sa mata nila ang saya, pagmamahal at pagpapahalaga nila sa isa’t isa.
“One day, Akiara, ija, you too will walk down the aisle and will have you happily ever after.” Sabi ni Tita Cathlyn sa tabi ko
“One day, tita Cathlyn.” Nakangiting tugon ko .
One day...
Kapag nawala na itong nakaka asar na feelings ko para kay Kuya Caleb.
Pagkatapos ng kasal nag-picture muna kami bago nagpunta sa reception.
“Ang ganda mo sa gown na ‘yan, ate Akiara.” Sabi ni Jenny
“So pag di ko na toh suot di na ako maganda?” Tanong ko na may halong biro
“Hindi sa ganoon, ate.” Sabi ni Jenny
“You’re always pretty, ate Akiara.” Sabi ni Haley
“Sige na, lahat tayo pretty but right now outstanding si Kiandra.” Sabi ko at inakbayan si Andy
“Sobrang nagulat si Mother dearest dahil sa surprise entourage niyo ni Kuya.” Sabi ni Brielle pertaining to Tita Brenda
“Mas masu-surprise si Andy sa gift nila ni Ian.” Nakangiting sabi ko at inalis ang pagkaka akbay kay Andy
“Ano yan at naririnig ko ang pangalan ko?” tanong ni Ian at hinapit papalapit sa kanya si Kiandra
“After ng honeymoon week niyo ko pa maibigay ang gift ko.” Sabi ko kay Ian
“Thanks, Iya.” Sabi ni Ian at umakyat na sila ni Kiandra sa stage
Binuksan ko ang phone ko and perfect timing ang pagtawag ni Kuya Caleb
“Hello, Kuya?” tanong ko pagkasagot ng tawag
“Nasaan ka?” tanong niya
“Nasa reception ng kasal nina Ian.” Sagot ko
“Venue?” tanong niya. Kahit nagtataka ako sinabi ko kung ansaan kami.
Weird talaga ni Kuya Caleb.
“Hinahanap ka na ng kuya Caleb mo?” tanong ni Crystal
“Oo. Di niya naman ako pinapauwi but tinanong niya kung nasaan tayo.” Sagot ko
“Ang protective ng kuya Caleb mo sa’yo. Ako naman palaging pinagti-tip-an ng dalawang kuya ko.” Sabi ni Nicka at napatingin ako sa gawi nina Kuya Dustin at Kuya Shone. It’s true dahil pinagtutulungan talaga lagi nina Kuya Dustin at Kuya Shone si Nicka since she’s the youngest.
“Kung alam mo lang na halos sumabog ang bahay sa asaran at gantihan namin namin ni Kuya Caleb.” Sabi ko
Maya-maya pinapunta na lahat ng single ladies sa gita for the throwing of bouquet. Naghagis na ng bouquet si Kiandra habang nakatalikod and everyone was anticipating kung sino makakasambot. Si ate Xiara ang nakasambot at isang guy na I think ay a little bit older lang kay ate Xiara ang nakasalo ng garter na inilagay hanggang mid-thighs ni ate Xiara. I ship them together. Bagay sila.
Pagkatapos namin magbigay ng message sa newly weds ay umalis na sina Andy at Ian kaya automatically umuwi na rin kaming magpipinsan.
“Akiara.” Nagulat ako nung makita ko si Kuya Caleb na nakasandal sa kotse niya
Lumapit ako sa kaniya at niyakap niya ako bago halikan sa noo.
“Ayiee. Si ate Akiara.” Pang-aasar nina Jenny at Haley sa akin.
“Ahm kuya Caleb, si Brielle, Kapatid siya ni Ian. These are Danica, Tamara, then our youngest cousins, Haley and Jenny.” Pagpapakilala ko sa mga pinsan ko
“Girls, this is Kuya Caleb.” Sabi ko at nakita kong nginitian ako ng nakakaloko ng mga pinsan ko at si Brielle may pagkindat pa sakin. Malicious talaga tong si Brielle eh
“Nice meeting you, girls. I’m afraid I have to take this little brat home.” Sabi niya at inakbayan ako. Pakitang tao talaga itong si Kuya Caleb as ever.
“Bye, girls. See you soon.” Sabi ko at umalis na kami ni Kuya.
Habang nasa kotse kami nag-aasaran kami ay wait wrong INA-ASAR niya ako.
“Bakit pulang-pula ang mukha mo? Uminom ka?” Bigalang tanong ni Kuya Caleb
Uh-oh. Here we go again.
“Slight. Isang baso lang ng red wine ngayon but last night naka 3 shots ako ng margarita at tequila.” Sabi ko at nakita kong nagtiim bagang si Kuya Caleb.
Si kuya Caleb talaga may pagka strict at times.
“Bridal Shower? May male stripper? Hoy Akiara, 23 ka na kaya magpaka ayos ka.” Sabi ni Kuya Caleb. OA talaga.
“Chill, Kuya Caleb. Si Kiandra lang ang nilandi kaya wala kang dapat ipag-alala. I’m a good girl yah know.” Sabi ko at inirapan siya
“Mabuti nang magkalinawan, Akiara.” Sabi niya
Nang makarating kami sa bahay puro pang-aasar ang ginawa ni Kuya Caleb kaya nagbihis lang ako tapos umakyat sa kwarto ko. Paniguradong itatanong lang ni Kuya kung anong mga ginawa namin at kung sino ang mga kasama ko then he’ll tease me sa susunod.
Nakita ko na may member na pala ako ng bagong group chat sa phone. Del Valle Girls. By the groupname itself, kaming mga babae lang na magpipinsan ang member. Nag-chat si Haley kaya binuksan ko ang chathead para basahin ang message.
Del Valle Girls
Ataska Dela Vega
Sweet ng kuya mo ate Akiara.
Akiara Del Valle
Good mood eh.
Iridesa Evans
Ayiee. Akiara aba lumalablayp ka ha.
Akiara Del Valle
Sira. Kuya ko yun
7 years ang tanda nun sakin.
Elisa Del Valle
Age doesn’t matter. Right, Hales?
Ataska Dela Vega
True, ate Bree
Nag-chat pa sina Jenny at Crystal pero nagpaalam na ako dahil may pasok pa ako bukas.
Ini off ko ang phone ko at natulog.