EIGHT

1200 Words
EIGHT: Mystery and Bridal Shower Kasal na nina Andy at Ian bukas. Ang bilis ng araw. Bintana nalang ang kailangan tapusin at saka pagta-tiles then maglilinis na. Malapit nang matapos ang bahay nila. “Hoy ba’t nakahilata ka pa dyan?” tanong ni Kuya Caleb at hinihila ako para bumangon sa bed. “Matutulog ako.” Sabi ko at nagtalukbong ng unan. “Sa biyahe ka na matulog.” Sabi niya at naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. “Di ako uuwi ngayon.” Sabi ko pagkaalis ng talukbong na unan “Kasal ng pinsan ko bukas. Abay ako.” Sabi ko pa “Nagpaalam ka kay Mama?” tanong niya sakin “Oo.” Sagot ko habang nakahiga parin. I’m still sleepy pa dahil kagabi ay nag-chat kami nina Bree at Crystal about today. “Mag-ingat ka dito, Akiara.” Sabi niya at ginulo ang buhok ko. “Huwag mong subukang gumawa ng kalokohan, malaman laman ko lang na ikaw ay nagpalokoloko dito, papauwiin kita kayna Mama at di na kita pababalikin dito.” Sabi niya at hinalikan ako sa noo “Opo, Kuya Caleb.” Sabi ko at tumayo para ihatid siya palabas ng gate. “Akiara, yung bilin ko.” Paalala niya pagkabukas ng pinto ng kotse niya. “Opo, Kuya.” Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Ginulo niya ang buhok ko kaya yumakap ako sa kanya. “Ingat ka dito. Pag may problema, tumawag ka kaagad ha?” sabi niya bago sumakay ng kotse “Bye, Kuya Caleb. Ingat sa pagda-drive.” Sabi ko. Nang makalayo na si Kuya Caleb, isasara ko na sana yung gate nang may dumating na package. “Dito po ba nakatira si Akiara Kayshin Morbelque?” pakiramdam ko nag-stop for a split second ang pagtibok ng puso ko dahil sa tanong ng delivery man. Morbelque? Pero akala ko ba? Sabi niya... “A-ako po si Akiara.” Kabadong sagot ko “Ma’am package po para sa inyo.” Sabi niya at may inilabas na box mula sa truck nila. Kasing size ng smallest size ng balikbayan box. May pinirmahan akong papel para daw proof na nai-deliver nila. “Uh sir...” tawag ko sa atensyon ng delivery man “Bakit po, Ma’am?” tanong niya “Saan po I mean kanino po ito galing?” tanong ko “Ay ma’am wala pong pangalan eh. K.M. lang po, baka po may kilala kayong ganyan ang initials.” Sabi niya “Sige po, salamat.” Sabi ko at umalis na yung delivery man Sinong K.M.? Bakit Morbelque? Dinala ko sa loob ng bahay yung package. Tinitigan ko iyong mabuti habang iniisip kung sino si K.M. Binuksan ko ang package at tumabad sa akin ang isang stuff toy. Teddy Bear? Kamukhang kamukha nung teddy bear ko noon. Sa ilalim ay mga box ng Ferero Rocher st Ailesi. Mga paboritong brand ko ng chocolates tapos may box na puno ng mga CD tapos may letter at flashdrive. ‘My beloved Kayshin,              How are you? I’m sorry I am not with you when Akira passed away. She raised you into an obedient daughter and the Imperials continued to raise you into a beautiful and successful architect, just like your mother. I hope to see you soon. K.M.’ I can’t be wrong. I have this solid proof. Bakit? Bakit siya nagpaparamdam sakin? Sabi ni Mommy hindi niya na kami pupuntahan para daw safe kami pero bakit? Posible kayang- NO! Nangako siya kay Mommy.  Hindi niya pwedeng baliin yun dahil para saming lahat naman ang ginagawa namin. Biglang nag-ring ang phone ko kaya siagot ko iyon “Ano na, Aki? Andito na sina Hales, ikaw nalang ang wala.” Sabi ni Andy pagkasagot ko ng tawag Eish. Muntik ko nang makalimutan. Coding ang natirang kotse sa garage so no use. “Pasundo nalang ako, please? Ginamit ni Kuya yung kotse.” Sabi ko habang iniimis yung mga inilabas kong gamit mula sa package. “Sige. Send mo dito yung address.” Sabi ni Andy Itinext ko kay Andy yung address tapos naligo na sa taas at nagbihis. Maya-maya dumating na sina Brielle at Crystal kaya nagmadali akong bumaba at pinagbuksan sila ng gate. Pagkapasok ko sa loob ng bahay, inimis ko muna yung mga kalat sa sala. Sinadya yata ni Kuya Caleb na magkalat eh. “Napaka hygiene freak mo talaga.” Sabi ni Brielle kaya inirapan ko siya at kinuha na ang bag ko kung nasaan ang damit ko at pouch na naglalaman ng phone, charger at wallet ko. “So, ikaw lang mag-isa dito? Bakit ang kalat kanina?” tanong ni Crystal nung papalabas na kami ng bahay “Correction. Ako lang mag-isa ngayon. If nandito rin si Kuya Caleb mas makalat.” Sabi ko habang nilo-lock ang pinto. “So sa bahay nina Madam ka uuwi?” tanong ni Brielle habang naglo-lock naman ako ng gate. “Baka kayna Andy.” Sabi ko at sumakay na kami sa kotse. Bridal shower ni Kiandra ngayon at hindi ko iyon sinabi kay kuya dahil for sure mag-o-overreact yun. “Kumusta na si Madam?” Tanong ko habang nasa byahe kami. “Ayun hinahanap ka parin palagi. Favorite apo ka talaga nila ni Maestro.” Sabi ni Brielle kaya napangiti nalang ako. It had always been a joke in our families, ako daw ang favorite nina Maestro at Madam as what my cousins would tease but our parents always remind us na fair lang kami lahat. Kahit naman may ganoong asaran we know that asarans are just asaran walang awayan. “Alam mo naman si tita Akira ang bunso nila ni Maestro kaya malamang si Akiara na unica ija niya ang bunso nina Maestro.” Sabi ni Crystal “Try niyong di magpakita for 7 consecutive years and we’ll see if di kayo hanap-hanapin rin nina Maestro at madam.” Sabi ko sa kanila “Che! Edi nasabunutan ako ni Mother dearest.” Sabi ni Brielle at inirapan ako. “Bree, may point naman si Akiara. Lagi tayong nakikita nina Maestro at Madam so automatically ang absent na apo ang hahanapin.” Sabi naman ni Crystal. Kumuha ako ng box ng Ferrero at bumawas ng isa. Duh favorite ko kaya toh. “Uso mamigay, Akiara.” Sabi ni Brielle kaya inabutan ko sila pareho ni Crystal “Kanino galing?” tanong ni Crystal “K.M.” sagot ko at kumain ng isa pang piraso ng Ferrero “Sus, may manliligaw na pala siya eh.” Sabi ni Brielle “Honestly di ko kilala kung kanino galing.” Sabi ko at napapreno si Brielle “Seriously?” tanong niya at nag-drive na uli “Oo but feeling ko kilala ko na kung sino.” Sabi ko at ngumiti ng inosente “Kinabahan ako doon, bruha ka talaga.” Sabi ni Brielle habang tawa naman kami ng tawa ni Crystal. Overreacting din kasi minsan itong Brielle eh. Nang makarating kami sa high-end bar pumunta agad kami sa VIP Room na pina reserve nina ate Lila. “Ate Akiara!” nagulat ako nang yakapin ako nina Jenny at Haley. “Oh my gosh! Akiara!” halos di ako makahinga dahil mas humigpit pa ang yakap nila sakin. “Aack – can’t breath.” Sabi ko na kinakapos ng hininga “Papatayin niya naman si Aki gamit ang mga yakap niyo eh.” Natatawang sabi ni Andy sa kanila kaya pinakawalan nila ako sa yakap at huminga ako ng malalim. “Hindi obvious na na-miss niyo ako.” Sabi ko “We missed you, ate.” Sabi nina Haley at Jenny, my youngest cousins, 20 years old na but still acts like teenagers dahil na-spoil namin. “Ate missed you both too.” Sabi ko at binatukan ako ni Tamara “Masakit, Tammy. Isusumbong kita sa kuya ko.” Reklamo ko kay Tamara “Wala kang kapatid noh.” Sabi ni Danica, 2nd degree cousin at ka age ko. “Mero kaya. Inampon ako nina Mama Charlotte at Papa Owen.” Sabi ko at tumabi sa kanila Si Andy naman itinali nina ate Lila at ate Xiara sa isang upuan sa center stage. Magsisimula na daw kasi ang bridal shower. Nag-a-asaran kami habang nilalandi ng stripper si Kiandra. Si Kiandra, todo iwas ng tingin at pikit kaya tawa kami ng tawa dahil sa mga reactions niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD