SIXTEEN: Training and Hangover
Minulat ko ang mga mata ko at inilibot sa paligid. Nagising ako na di maramdaman ang katawan ko. Eto ang epekto ng alak sakin. Nilalagnat ako at namamanhid ang katawan ko.
Nakita kong alas-3 na pala ng hapon. Bumangon ako at napansin kong iba na ang suot kong damit.
Wait – Hindi kaya si Kuya Caleb ang nagbihis sa akin? Oh My Royals! That’s so embarassing if I’m correct so sana hindi.
Pagbaba ko nandoon si ate Jewel. Baka siya yung nagbihis sakin but still it’s embarassing.
“Ate Jewel?” pagtataka ko. Nginitian niya naman ako
“Gising ka na pala, Akiara.” Sabi niya
“Ikaw po ba ang nagbihis sakin, ate Jewel?” tanong ko
“Oo. Sabi kasi ni Kuya Caleb kanina sinukahan mo daw siya kagabi kaya nung dumating kami kanina topless siya. Ikaw naman nakabalot sa comforter dahil nga daw tinanggal mo yung damit mo na nasukahan mo. Sayang yung jumpsuit mo.” Sabi niya. Nagsuka ako? I don’t remember anything that happened last night dahil lasing na lasing ako. I drank almost 7 King’s cups not counting the shot glasses I took.
“Ayos na po ako, ate Jewel. Sorry sa istorbo.” Sabi ko. Lumapit siya at kinapa ang noo ko. Ngumiti naman siya bago ibinaba ang kamay niya.
“Bumaba na ang lagnat mo.” Sabi niya
“Kumusta na po si Quincel?” tanong ko kay ate Jewel
“Ayos na siya. May nag-text sa’yo kanina. May appointment ka?” tanong ni ate
“Ahm self defense training yun, ate Jewel. Speaking of kailangan ko na pong umalis, ate Jewel.” Sabi ko at kumuha lang ng isang slice ng sandwich at glass of milk.
“Oh sige. Mag-ingat ka. Aalis narin ako mamamaya pagdating ni Clint.” Sabi ni ate Jewel. Umakyat ako sa taas habang kinakain ang sandwich at umiinom ng gatas.
Buti nalang di pa tumatama ang hangover pero mamaya paniguradong sasakit ang ulo ko. Nilagay ko nalang sa kusina yung baso at nag-toothbrush na. Nakasuot ako ng black sneakers, black fitted leggings at blue t-shirt. Tinali ko rin yung buhok ko ng pataas.
Tinawagan ko si Kero na sunduin na ako dito sa bahay. Lumabas ako ng gate at nakita ko si Kero sa tabi ng Porsche niya.
Sumakay ako at pumunta kami sa isang obstacle course at sinabi niya sakin na kailangan ko lang daw lagpasan yun within 30 minutes. Ang unang part ay mga barricades na kailangan talunan tapos yung pangalawa kailangan ko maglambitin sa mga ropes para makatawid, pangatlo kailangan ko dumaan sa mga tires. Pang-apat kailangan kong gumapang para makalampas at mai ring yung bell.
“You failed but for a first timer you did great. 2 hours and you did a great job on that.” Sabi niya. Tinuruan niya na ako kung paano mag-assemble at disassemble ng baril, medyo natagalan ako sa pag-aim dahil nagalaw yung target kaya inabot ako ng isa’t kalhating oras.
“Okay so for a beginner you exceeded my expectations. A proof of your Morbelque blood. Great job, Akiara.” Sabi niya
“Thanks to you, Kero.” Sabi ko at niyakap siya
“Oh well as for your excercises, start with 10 push-ups, 10 curl-ups and 5 minutes squats to 50 push-ups, 50 curl-ups and 10 minute squats. Is that clear, Kayshin?” tanong niya at tumango ako
“Come. Ihahatid na kita.” Sabi niya making me stop and look at him umbelievingly
“You – You speak Filipino.” Gulat kong sabi sa kanya
“I’m quarter Filipino, like you. Our parents are half Filipino, half Sicilian, my father is American while your mother is half Spanish and Half Filipino. SO basically, pareho tayong mixed blood.” Sabi niya. Alam ko iyon pero di parin ako makapaniwalang pati pala si Mommy ay Half Blood.
Hinatid niya ako hanggang labasan ng subdivision namin.
“I don’t want your brother to freak out jealous because of me.” Sabi niya at itinigil ang kotse.
“Thank you, Kero.” Sabi ko at niyakap siya.
“Anything for you, cousin.” Sabi niya at hinalikan ako sa noo
“Good night, Akiara.” Sabi niya
“Good night, Kero. Thanks for the ride.” Sabi ko at bumaba ng kotse niya.
Pagkababa ko, isinara ko yung pinto at pumunta na ako sa loob ng subdivision. Pagkarating ko sa bahay wala pa si Kuya Caleb.
Huh? Nasaaan siya? But on the second thought buti nalang pala at wala pa si Kuya dahil paniguradong katakot takot na sermon ang aabutin ko in case. Dumiretso ako kwarto ko.
Maya-maya pakiramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Lalona sa may hita at binti ko. Oh damn ngayon ko pa naramdaman ang sakit at pagod. Wala na yung epekto ng liquor at ramdam ko ang pagkaalis ng pamamanhid sa katawan ko.
Tiniis ko ang hapdi at sakit at nagbihis ng pantulog. Nagtaklob ako ng comforter at pinilit na matulog. Mag-a-alas 10 na wala parin si Kuya kaya bumangon ako kahit bugbog na bugbog ang katawan ko dahil sa paulit-ulit kong pagbagsak kanina. Sabihin na nating may foam pero masakit parin ang impact.
Nag type ako ng text kay Kuya Caleb
Kuya, Nasaan ka?
Somewhere.
Nakakaasar naman itong si Kuya eh. Probably galit parin siya kasi naglasing ako kagabi.
Tinawagan ko siya at pagkatapos ng tatlong ring sumagot siya.
“Nasaan ka?” tanong ko sa kanya the moment na accept yung call
“Uh hello? Who’s this?” tanong sa kabilang lina. Babae na naman siguro niya ang nakasagot. I wonder where he is this time of the night.
“Kapatid niya ako. Pinapatanong ni Mama kung nasaan siya.” Sabi ko pero nababasag na ang boses ko dahil naiiyak ako.
“Ah. He’s currently sleeping.” Sagot ng babae ni Kuya
“Alright then. Tell my Kuya Caleb to call me as soon as he wokes up. Thank you, uh what’s your name?” sabi ko pero nangingilid na yung luha ko. I already have a name in mind and I hate it. Ayoko but looks like fate is a b***h to hurt me.
“I’m Olive Gotianco.” Pagkasabi niya nun ay bumagsak ang mga luha ko kaya pinatay ko ang phone ko ng hindi ibinababa ang tawag.
Naka-off siya at tinanggal ko ang battery. Nilagay ko sa ibabaw ng vanity table yung battery at phone ko.
Niyakap ko ang unan ko at isnubsob ang mukha ko at umiyak ng umiyak. Ang unfair talaga.
Bakit kasi kay Kuya Caleb pa? Bakit sa lalaking halos kasabay ko lang lumaki pa?
Nang mag-ring ang larm clock ko alas-4 na pala kaya bumangon ako, ikinabit ko uli ang battery ng phone ko tapos isinaksak. Kumain ako ng toasted bread at uminom ng gatas at vitamins ko. Naligo ako at nagbihis ng corporate attire tapos lumabas at tinawagan si Kero para magpasundo dahil gamit ni Kuya Caleb ang kotse at coding naman yung natira.
Habang nasa byahe di ko namalayang natulo na naman pala ang luha ko. Hindi niya ako hinatid sa trabaho kundi dinala niya ako sa condo ni Daddy. Wala raw si Daddy at gusto ni Daddy na ako gumamit. Magdedesisiyon na ako. I’m done.