SEVENTEEN

1339 Words
SEVENTEEN: Catfight “Are you okay now?” nag-aalalang tanong ni Kero kaya tumango ako sa kaniya “I’m going to decide. I’m ready.” Sabi ko at napabuntong hininga siya “Akiara Kayshin...” nag-aalalang sabi niya “Don’t decide when your emotions are unstable.” Sermon niya kaya napa pout ako “But Kero. He’s unfair.” Parang batang sumbong ko sa kanya. Niyakap niya ako at pinatahan dahil kahit anong pigil ko ay nabagsak parin ang mga luha ko. “Akiara Kayshin, you have to be strong. You were able to keep up with his womanizing antics and schedule. What difference would it make now?” sabi niya sa akin at napabagsak ang balikat ko. Humiwalay siya ng yakap para tingnan ako “Kuya Kero... I can’t do this any longer.” Sabi ko at parang naguluhan siya “”Why not, Akiara? What hinders you?” tanong ni Kero sakin at napasandal ako sa inuupuan kong couch. Umiwas ako ng tingin. What difference would it make if I tell him? “Keiko. I fell in love with him.” Sabi ko. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko “I didn’t expect that. Are you really sure about what you’re about to do?” sabi niya at halatang tumututol sa planong pag-alis ko. “I shouldn’t have stayed with him when I had graduated in college and had work.” Sabi ko. I really regret that I chose to stay with Kuya Caleb. “Akiara, what you did before was right. If you did live away from Caleb, I wouldn’t have found you.” Sabi niya kaya nagtataka akong tumingin sa kanya “I want you to know that, so that you won’t regret your decisions and past actions.” Sabi niya at nginitian ako “Thank you, Kero.” Sabi ko at ginulo niya ang buhok ko “Remember this, Akiara, if you really can’t take it anymore, you can always go here. If you are really losing hope, call me, I’ll do something to make you feel okay.” Sabi niya at pinunasan ang luha ko “Come here, Architect Akiara Kayshin, I’ll bring you to your office.” Sabi niya Tumango ako at ngumiti. Naghilamos muna ako bago kami pumunta ulit sa parking lot at sumakay ulit kami sa kotse niya. Habang nasa byahe nagke-kwento si Kero ng tungkol sa mga kalokohan niya nung elementary at highschool lalo na nung College siya kaya nang makarating kasi sa office ay natawa parin ako. “You seen very entertained. Happy now?” sarkastikong sabi ni Kero “You said you’ll make me happy. Thank you, Kero. Thank you so much.” Nakangiting sabi ko at niyakap siya. Nang bumaba kami ng kotse hinatid niya ako hanggang office ko. He insisted it anyway. “I swear, Kero, I’m already fine.” Sabi ko at hinarap siya “Call me when you’re done. I’ll pick you up.” Sabi niya at napailing ako “You don’t have to. I’ll be fine.” Paninigurado ko sa kanya “Akiara. I just want to make sure.” Sabi ni Kero na hanggang ngayon ay nag-aalala parin sa akin. Mula pa kanina ina-assure ko na siya but I think hereditary na ata ang stubborness sa bloodline namin kaya he still insisted. “Alright. I’ll call you later.” Pagsuko ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. “See you later.” Sabi niya sa akin at humiwalay sa yakap “See you.” Sabi ko at umalis na siya. Tumalikod ako at binuksan ang office ko but “OH MY GOSH!! Sinong fafa yun, Yara?” napa-poker face naman ako nang marinig ang boses nina Teresa at Cherry. Hinarap ko naman sila at nakita kong nakangisi sila. “Ikaw ha, malihim ka na ah. Sinong fafable yun?” tanong ni Cherry kaya inirapan ko sila at pumasok sa office. Sanay na sila sa pagka-brat ko eh. “Sus, kunwaring poker face pa pero deep inside kinikilig.” Pang-aasar ni Teresa na sinang-ayunan naman ni Cherry. Seriously? Kaibigan ko ba talaga sila? “Si Kero.” Tipid kong sagot bago kumuha ng Ferero mula sa bag at kinain. “Boyfriend mo?” Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Cherry. What the actual heck?! Nilunok ko muna ang kinakain ko bago nagsalita. “Hindi. Kaibigan ko.” Sabi ko at kumuha ng blueprint at tinapos ang sketch ng bahay para sa next project ko. May project ako actually dahil nag-text yung assistant ko at sinabi na may client daw ako na kailangan ng design ng bahay so nag-sketch ako ng blueprint ngayon. Ini-note ko na sa gilid yung mga files. Eto lang naman talaga ang ipinasok ko ngayong araw. “Hindi? Eh ano yung pa see you later niyong eksena? Baklang toh.” Sabi ni Teresa kaya umiling ako at inirolyo yung papel at inilagay sa lalagyanan. “Kaya nga. Ikaw, Imperial, ha! Nagsisikreto ka na. DI naman namin aagaawin ang fafable mo eh.” Sabi ni Cherry kaya hinirap ko sila “Pagba sinabi ko sa inyo ang totoong relasyon namin, maitatago niyo kay kuya Caleb? Hindi diba so no thank you.” Prangkang sabi ko “Ay bakit, bhe? Ayaw ni Kuya Pogi mo?” tanong ni Cherry. Kumuha ako ng note at itinext ang secretary ko na natapos ko na at kuhanin niya na lang dito sa office. “Ah basta.” Sabi ko at nag-focus sa ginagawa ko nang may biglang pumasok. “So, dito pala nagta-trabaho ang b***h na tulad mo.” Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Olive. Bakit kaya siya nandito? Dun ang office ni Kuya Caleb sa kabilang hallway as far as I remember. Ini off ko muna ang phone ko at hinarap siya. “Yes? What do you need, Olive Gotianco?” tanong ko sa kanya at itinabi ang gamit “Stop flirting my Fiancee.” Sabi niya at hinampas ang lamesa dahilan para malaglag ang identification ko. Nakita niya iyon at pabalyang inihagis sa table. “Ang lakas ng loob mong gamitin ang apilyido niya. Napakakapal mo.” Sabi niya at hinigit ang buhok ko kaya napatayo ako at umalis sa likod ng lamesa. Sinuntok ko siya sa tiyan at sinipa sa binti kata napabitaw siya. Poor her. I’ve had self defense training too kaya di niya dapat ako kinalaban. Hinila ko siya patayo at yun ang naabutan ng taong pumasok. Oh great. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit niyang tanong sa akin. Marahas kong binitawan si Olive at sinaman ng tingin si Kuya Caleb. Sige Kuya, kapihan mo siya. Kapatid mo lang naman ako. “Ano sa tingin mo?” walang pakialam kong tanong. Pagod na ako na intindihin siya sa lahat ng kalokohan at pambababae niya. Nakakasawa na rin eh. “Akala ko ba ayos lang sa’yo na mag-girlfriend ako? Girlfriend ko siya, Akiara, umayos ka ng pagtrato sa kanya.” Sabi ni Kuya Caleb kaya inirapan ko siya. Wala akong karapatan magselos pero gusto ko na maramdaman niya yun kahit na impossible. “Nauna yang magaling mong girlfriend.” Pabalang na sagot ko sa kanya “Akiara!” galit niyang sigaw sa akin “Ano na naman! Ako na naman ang nakita mo.” pabalang na reklamo ko sa kanya “Ano bang nagyayari sa’yo, Akiara? DI ka naman ganyan dati. Anong nangyayari sayo?” tanong ni Kuya Caleb kaya umirap ako at sinamaan sila ng tingin. “Dati may tiwala ka sakin ngayon wala na.” Mahinang sagot ko bago siya inirapan “Tanungin mo si Olive, Kuya Caleb. Siya talaga ang nauna.” Sabi ni Cherry “Gusto kong marinig ang paliwanag ni Akiara.” Sabi niya kaya tinaliman ko siya ng tingin. “Sinugod niya ako so I fought back. Masyadong malandi yang girlfriend mo, KUYA. Saka she deserves every bit of it. Kulang pa nga.” Sarkastikong sabi ko “Stop acting like a brat!” sermon niya kaya napatingin ako sa kanya na nasasaktan Magrereklamo pa sana sina Cherry at Teresa pero pinigilan ko na sila. Kuya won’t listen to them either. It’s all clear. Si Olive lang pakikinggan niya. “Huwag na kayong magpaliwanag sa isang taong sarado naman ang isip.” Sabi ko at lumabas ng office sina Kuya Caleb at Olive, napaupo ako sa upuan ko at napasandal. Ang sakit palang makita ang taong mahal mo na nagagalit at sinesermonan ka dahil sa ibang babae. Dahil sa babaeng mahal niya. “Ayos ka lang, bhe?” Tanong ni Cherry kaya binatukan siya ni Teresa “Malamang hindi, bakla.” Sabi ni Teresa “Ayos lang ako, Cherry, Teresa. Uuwi muna ako.” Sabi ko at lumabas ng office. Nakita ko sina Kuya Caleb at Olive kaya umiwas ako at nag-commute pauwi. Tinawagan ko si Kero para magpasundo, nung dumating siya ay sa back seat ako sumakay at umiyak. Naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan namin. Ang sakit. Parang masyado nang malapit matulad sa tindi ng sakit na naramdaman ko dahil sa pagkawala ng Mommy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD