Chapter 1

2129 Words
"Nay!!!" "Oh bakit anak, may humahabol ba sayo? Nasaan, at ng mapalo ko"Sabi ni nanay.. kasama ni nanay si tatay pati si sina tiyong Pilo, Jun Jun at Jena. Yung iba may hàwak na pamalo, walis at itak. "Ano yan? saan Ang gyera Po sasama Po ako..sandali lang kukuha lang ako Ng armas ko?" Sabi ko " Anong pinagsasabi mo di bat ikaw ang nangangailangan Ng tulong" Sabi ni tatay. "Oo nga nakahanda na nga kami oh." sagot ni Jun Jun "Nasaan na ba yung humahabol sayo ah." Sabi ni tiyo Pilo na talagang hinahanap kung sinong humahabol sa akin. "Sa totoo lang po wala pong humahabol sa akin" sagot ko "Wala palang gyera, uwi na tayo?" Sabi ni tatay at tumalikod na silang lahat. "Eh may sasabihin lang po ako" Sabi ko at sabay sabay silang humarap sa akin. "Bakit may nanliligaw na ba sa anak ko at ng makatikim siya nito, nasaan siya, nasaan?"At talagang naghahanap talaga sila tatay.. "Hindi Po?" Sabi ko at tumalikod nanaman Sila. "Nay!! may nakabangga po ako kanina kamukhang kamukha ko siya." Sabi ko at natigilan Sila sa ibinalita ko. Lalo na sila nanay at tatay. "Uwi na tayo, akala ko kung ano na." Sabi ni nanay. At nakauwi na kami at tuloy parin ako sa pagkukwento. "Ang sosyal nang nakabangga ko kanina nay. at Alam mo nay napagkamalan pa ako ng kasama niya na ako siya. Nanliliit lang ako sa sarili ko ang sosyal niya tapos ako" tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. mahaba ang palda nakacap palagi at laging maluwang na t shirt ang suot ko.. "Nay maganda po ba ako" tanong ko kay nanay. "Magsalamin ka ng mabuti at ng makita mo."pabirong sabi ni nanay. "Nay naman." patampong sabi ko. "Huwag kang ngumuso dyan, mas lalo kang papangit." Pabiro sabi ni nanay ulit. "Nanay naman." Sabi ko ulit.. "Ikaw naman kasi tanong ka ng tanong, alam mo naman yung sagot sa tanong mo." Sabi ni nanay. "Oo o hindi lang naman sagot dun nay." kulit kong sagot kay nanay. "Hannah anak, halika dito tignan mo sarili mo sa salamin. Anong nakikita mo? Konting ayos lang anak maging kasing ganda mo yung nakita mo kanina." sagot ni nanay akin. "So pangit po ako ganun nay?" tampo kong sagot. "Wala akong sinabi, ikaw nagsabi niyan?" pabiro niyang sagot sa akin. " Si nanay talaga." sagot ko "Imbes na magtampo ka dyan tawagin mo si Jena. Matutulungan ka nun. Teka lang bakit parang may pakialam kana sa itsura mo, bakit may nanliligaw na na Sayo anak?" seryosong may halong birong tanong ni nanay sa akin. "Ako may manliligaw nay, yari sila dito oh" sabay turo ko sa muscle ko. "Ang gulo mo anak hindi kita maintindihan. Oh siya kung saan ka masaya, masaya din si nanay para sayo." "Ops ano yang pinag uusapan niyo ah..bakit, mayroon na bang nagpapasaya sa anak ko Belen.?" singit ni tatay sa usapan namin ni nanay ...Bigla bigla kasing sumusulpot si tatay. "Meron po tay." sabay kindat ko sa kanya. "Sino anak sino?" pabirong galit na sabi ni tatay. Nagtawanan na lang kami. "Wala nang iba tay kundi kayo ni nanay." Sabi ko at niyakap ko sila ng mahigpit. "Mahal na mahal ka din namin ng nanay mo anak, diba Belen?" Sabi ni tatay. " Oo naman ikaw lang ang nag iisa naming prinsesa na prinsipe kung kumilos." at nagtawanan pa sila. Belen's Pov Eto na yung pinakakinakatakutan ko na makita ni Hannah ang kakambal niya. Hindi lang ako nagpahalata sa kanya na kinakabahan ako sa ibinalita niya. "Anak puntahan mo na si Jena para matulungan ka niya dyan sa malaki mong problema." Sabi ko sa kanya sabay tulak palabas ng bahay. "Si nanay talaga. oh sige nay salamat." paalam niya sa akin. Sinigurado ko muna na malayo na si Hannah sa bahay makapag usap na kami ng maayos ni Berto. "Berto eto na eto na, dumating na ang kinakatakutan ko. Ayokong mawala si Hannah sa akin, Hindi ko kakayanin Berto." nag aalala akong sabi sa kanya. " Huminahon ka muna dyan, uminom ka muna ng tubig" sabay abot niya sa akin yung tubig. "Kaso eto na tayo oh, malapit na tayo sa kinakatakutan ko, kukunin siya ng tatay niya sa akin, paano kung malaman ng tatay niya kambal pala ang anak niya, hindi ko kakayanin Berto. Umuwi na lang tayo sa probinsya para doon na lang mamalagi, doon na lang mag aaral si Hannah. " Sabi ko kay Berto na puno ng pag aalala. "Kung uuwi tayo sa probinsya, paano mo maipapaliwanag sa kanya kung bakit tayo uuwi. Lalo na't nandito ang pangarap ng anak mo at nandito ang buhay niya." sagot niya sa akin. "Hindi ako matatahimik Berto kapag damating na tayo sa kinakatakutan ko. Hindi maari na malaman nila ang tungkol sa kambal. Ilalayo nila sa akin si Hannah. "Halos mangiyak ngiyak kong sabi. "Pasenya ka na, hindi ko kasi alam kung ano ang ipapaliwanag natin sa anak mo kung uuwi tayo sa probinsya ng biglaan, palipasin muna natin ito hanggang sa makalimutan niya yung nakita niya" paliwanag ni Berto sa akin. "Natatakot lang ako Berto."Sabi ko. "Tama na baka madatnan pa tayo ng anak mo baka isipin niya pinapaiyak kita." Sabi at pinunasan ko na ang aking luha na kanina pa kumawala. Hannah's POV "Kung nakita niyo lang yung nakita ko kanina, sigurado ako mamamangha din kayo sa nakita ko."Kwento ko kina Jun Jun at Jena habang nasa tindahan kami nila Aling Tina. "Paano mo naman nasabi na kamukha mo eh sabi mo sosyal at mayaman yung nakita mo, tapos ikaw tignan mo nga oh, umikot ka nga, baka paa ka lang nun."Sabi ni Jena na may konting panlalait at talaga tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Talagang napaka supportive ng kaibigan ko sa akin grabe. "Huwag ka namang ganyan kay Hannah Jena, kahit ano pa ang itsura niyan maganda siya para sa akin" Sabi ni Jun Jun. "I smell something fishy. Ikaw Jun Jun ah medyo dumadamove kaya yata kay Hannah."Sabi ni Jena na parang may tinatago silang dalawa sa akin. "Hindi ah tumigil ka nga Jena" depensa ni Jun Jun SA sarili niya. "Alam mo Jena ang gwapo nung lalaki na napag kamalan ako na Ash...ash.. Ashley naalala ko na Ashley ang pangalan nung kamukha ko. Alam mo dahil sa itsura ko akala nila may project daw si Ashley na magmukhang taong grasa tapos ang sabi pa ng lalaki paano daw pumayag si Ashley na maging taong grasa na knowing daw nila na sobrang arte niya. At alam niyo ba mas lalo akong natameme nung may nagsalita na babae sa likod ko at si Ashley yun. Nainis si Ashley sa sinabi nung lalaki na taong grasa at ng makita niya ako mas lalo siyang nagalit at sinabi niya lumayo daw ako sa kanila baka may virus daw akong dala at mahawa pa daw sila." kwento ko sa kanila. "Ganun ba pag mayaman ayaw nila na makihalubilo sa atin?"Tanong ni Jun Jun. "Grabe pala yang Ashley na yan hindi ko pa siya nakikita pero batay sa kwento mo talagang maarte at higit sa lahat matapobre. " Inis na sabi ni Jena." Alam mo mabuti na nga lang sumama ka sa akin bahay." dugtong ni Jena. "Oh sige mauna na kayo, susunduin ko lang si nanay." Paalam ni Jun Jun. Ashley's POV Nandito pa kami ni Gerald dito sa restaurant at naiinis parin ako sa kanya. May surprise sana sa kanya ngayon sa kanya pero nawalan na ako ng gana ng marinig sa kanya na ako taong grasa. eww nakakadiri..pero hindi pala ako yun kaya medyo nabawasan yung pagka inis ko kay Gerald. At nainis lang ako dun sa babae dahil kamukhang kamukha ko siya..Well hindi naman na bago sa akin na may magkakamukha nga na tao pero hindi naman magkakamag anak.. Si Gerald matagal na akong nagkakagusto sa kanya pero hindi ko yun pinapahalata dahil ayaw ko na masira ang pagkakaibigan namin. Nandito kami ngayon sa restaurant namin. Dito ako nakipagkita sa kanya dahil kahapon nagalit ako sa kanya at ngayon at sinusuyo niya ako ..oh diba kinilig naman ako hihihi. Saka ko na lang siguro ko ibigay yung regalo ko next month dahil birthday niya next month. Back to reality. "sorry"mahinahong sabi ni Gerald. "It's ok forget about it. Let's eat."Matipid kong ngiti sa kanya.. "Do you want to go with me somewhere else. Gala lang tayo."Sabi niya sa akin. Nginitian ko na lang siya para naman alam niya na nagtatampo parin ako. "Where do you want to go. Sa park ba o sa mall. " tanong niya sa akin. "Mall."maikli kong sagot.. "Gusto mo bang manood ng sine. May bagong palabas ngayong."masuyo niyang sabi. "No" maikli kong sagot. "Ok" at matipid siyang ngumiti. Nang matapos na kaming kumain ay pumunta na kami ng mall. Gumala lang kami, wala rin akong ganang bumili ngayon ng kung anu ano. Nang mapagod na kami ay nagpasya na kaming umuwi. Mula pa nung nasa mall kami tahimik lang kami na naglalakad hanggang ngayon na nasa loob kami ng kotse niya, tahimik parin kami. "May problema ba? kanina ka pa tahimik." tanong ni Gerald. "Iniisip ko lang yung kamukha ko kanina. " Sagot ko sa kanya "Oo nga eh no talagang magkamukha kayo. Para kayong twins."Gulat kong narinig ang sagot niya. "Seryoso ka, yun kakambal ko? Kung may kakambal ako edi dapat kasama ko siya ngayon. Ano yun pinaampon nila mommy sa mahirap ganon at nagkahiwalay kami."Sarkastiko kong sabi. "Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin." paliwanag niya sa akin. "Ok forget it." Sabi ko na lang at bumaba na ako sa kotse niya. Hannah's POV Nandito kami ngayon sa bahay nila Jena. "Anong meron at dinala mo ako dito." Tanong ko Kay Jena. "Malamang kapag nakita ka ulit ng kakambal mo este kamukha mo hindi ka na niya lalaitin. Dahil aayusan kita ngayon at makita ni Jun Jun yung natatago mong ganda" pang asar na sabi ni Jena. "Tumigil ka nga baka may makarinig pa sayo dyan. Bakit mo ba kami tinutukso ni Jun Jun eh magkaibigan lang naman kami " tanong ko sa kanya. "Ah... eh... Wala lang trip ko lang "Sabi nito na parang pinag isipan talaga yung sasabihin niya. "Anong ginagawa mo sa buhok ko."tanong ko at tinanggal niya yung subrero ko. "Malamang susuklayin ko ng magmukha namang buhok ng tao hindi buhok ng mais. At yang damit mo?" Napataas pa siya ng kilay sa sinabi niya na nakaitingin sa damit ko " Wait lang may mga hindi ko na kasya dito at alam kong babagay sayo." dugtong niya at sabay kalkal sa cabinet niya Sa totoo lang kinakabahan ako sa gagawin ni Jena sa akin. Nagsimula niyang suklayin ang buhok ko. Panay ang reklamo mo niya habang sinusuklayan niya ako. Pagkatapos namin sa buhok nagpunta na kami sa damit. Binigyan niya ako Ng maliit na short, hindi ko alam kung paano ko isusuot yun kaya tinanggihan ko.. pangalawa yung spaghetti na sando naman ang ibinigay sa akin. "Ano ba Jena ibebenta mo ba ang katawan ko para puro ganito ang ibibigay mo sa akin, wala bang mas matino dyan."reklamo ko sa kanya "Eto na lang dress."Sabi niya. "Anong gagawin ko dito wala namang ikakasal para maging abay ako."reklamo ko ulit "Hindi naman yan gown gaga. Dress yan, isuot mo kasi dali bagay sayo yan. Dun ka na para maisuot mo nang maayos bago ka magreklamo." at itinulak pa talaga ako ni Jena sa banyo. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako lalabas dito kasi yung dress na binigay niya ay maikli above the knee tapos dito sa braso ko kita pa yung peklat ng bakuna ko. "Hannah hindi pa ba tapos diyan. oh baka naman hindi marunong magsuot ng ganyan."naiinip na sabi ni Jena. "Eto na lalabas na." Sabi ko "Anong ginagawa niyo." biglang dumating si Jun Jun. "Oh tulo na laway mo Jun Jun. Tumigil ka nga kakatitig kay Hannah baka mailang pa yan. Pero ano Jun Jun ok ba." Sabi ni Jena Kay Jun Jun na may halong pang asar. Sa totoo lang naiilang na talaga ako sa suot ko. "Si Hannah ba yan. Nagbibiro ka yata Jena. Kasi si Hannah hindi marunong magsuot ng ganyan." Sabi nito kay Jena. "Anong pangalan mo miss. Ako nga pala si Daniel JR Cortez." dugtong nito sabay inilahad niya ang kamay sa akin. "Tigilan mo ako Jun Jun. Hindi umuubra sa akin Ang pagkababaero mo." Sabi ko sa kanya. "Eto naman si Hannah hindi mabiro." tampo niyang sagot. "Jena naiilang na ako dito. Hubarin ko na lang kaya." Sabi ko sa kanya na talaga namang nahihiya na ako sa suot ko. "Sandali lang bago mo hubarin yan umuwi muna tayo sa inyo at ng makita nila Aling Belen kung gaano kaganda ang kaisa isa niyang anak. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD