Chapter 2

2350 Words
Hannah's POV "Aling Belen may sorpresa po ako sa inyo, sigurado po ako na matutuwa kayo sa surpresa ko." Excited na sabi ni Jena kila nanay. "Ikaw Jena ah tigil tigilan mo ako sa kalokohan mo ahh." Suway ni nanay kay Jena. "Si Aling Belen talaga." reklamo nito. "Jun Jun papasukin mo na siya dali."pagmamadali ni Jena" Aling Belen Mang Berto representing Hannah Dela Cruz." Masayang sabi ni Jena, samantalang ako hindi ko alam kung saan ang tatakpan ko, Ang hita ko ba o ang braso ko. Manghang mangha si nanay at tatay sa itsura ko. To the point na nakanganga sila pareho. "Oh Aling Belen at Mang Berto pakisara po ang bunganga niyo po, tulo laway na Po kayo at papasok na po yung langaw sa bunganga niyo po." Pang asar na sabi ni Jena. At kinapa naman nila tatay at nanay ang mga bunganga nila."Kumusta po Aling Belen ang galing ko po mag magic diba." nakangiting sabi no Jena. "Anong ginawa ko sa anak ko Jena ah. Nasaan ang Hannah ko." Reklamo ni tatay kay Jena. "Sabi ko sayo Jena hindi nila magugustuhan tong pinaggagawa mo sa akin." Tampo kong sabi kay Jena. "Kayo naman Mang Berto kasi. Ok na sana eh. Nanggugulo pa kayo diba Aling Belen?."nakasimangot na sabi ni Jena. "Ikaw Berto ah, Ang ganda ganda ng anak ko eh. ipagpatuloy mo yan anak."Sabi ni nanay nay masayang masaya siya sa akin. "Kaya nga po magpapaalam po sana ako na manligaw kaw Hannah Mang Berto." singit ni Jun Jun na parang nang aasar. "Ikaw ah tigilan mo anak ko kahit kaibigan ka niyan dumaan ka muna sa akin." biro ni tatay kay Jun Jun sabay tawa lang nila "Ate may bisita pala tayo bakit di niyo paupuin. Nakakahiya naman. Nasaan ba si Hannah. Hannah Hannah."Tawag sa sa akin ni Tiyo Pilo na parang di niya ako nakikilala. "Tiyong nandito po ako." Sabi ko kay tiyong Pilo pero tulad nila nanay parang hindi naniniwala na ako ito. Hindi naman ako nagparetoke para di nila ako makilala. Konting suklay pulbo at lip balm lang ang ni Jena sa akin tapos dress lang tong suot ko, Hindi na nila ako nakilala. "Hannah anak halika dito. Natutuwa si nanay dahil sa wakas inayos mo na rin ang pananamit mo. Halika dito, tignan mo oh diba magkasingganda na tayo. Berto dalaga na ang anak ko." masayang masaya si nanay sa transformation ko. "Pero nay naiilang na po ako sa suot ko." reklamo ko kay nanay. "Dapat masanay ka na tsaka medyo lagyan mo naman ng hinhin ang galaw mo para naman mas nababagay sa suot mo." Nakangiting sabi ni nanay. "Sayang naman wala na akong makakalaro sa basketball." reklamo ni tiyo Pilo. "Tumigil ka Pilo. Maghain ka na nga ng makakain na tayo. Dito na ka din maghapunan Jena at Jun Jun." Sabi ni nanay. "Sige po." Ashley's POV Sinadya ko talagang hintayin sila mommy at daddy maghapunan para naman kahit minsan sabay sabay naman kami kumain. Pero 7:00 wala pa rin sila kaya nag adjust pa ako ng 30 minutes, at wakas dumating din sila. Pero dumating sila na di sila magkasabay. Parang ngayon ko lang yata sila nakita na di magkasabay umuwi. "Mommy where's dad?" tanong ko sabay beso ko kay mommy. "Nagpaiwan dahil may konting problema sa kumpanya." Tipid siyang ngumiti sa akin. "By the way mom nagpahanda ako ng hapunan. Sabay na po tayo." masigla kong sabi kay mommy nagbaka baka sakaling pumayag siya. "Mauna ka na magbibihis lang ako." Sabi niya at tumalikod na ito. "Hintayin ko na lang po kayo. " masuyo kong sabi. After 10 minutes nandito na si daddy. Kaya naman agad akong lumapit sa kanya at bumeso. "Akala ko ba dad nagpaiwan kayo sa kumpanya sabi ni mommy." Sabi na may halong pagtataka na parang may hindi magandang nangyayari sa dalawa. "Hintayin ko na kayo ni mommy para maghapunan. I prepare ko na din po ang mesa para pagkababa niyo nakahanda na po ang hapag."Sabi ko kay daddy. "Sige sunod kami ng mommy mo." Athena's POV Matagal na akong naghire Ng private investigator para malaman ko kung saan nanggaling si Ashley na dinala ni Gabriel sa buhay namin. Oo masaya ako na nakahanap siya ng bata na maaampon namin dahil hindi ako pwedeng magkaanak dahil sa baog ako. Ilang beses na kaming sumubok magpahanggang ngayon pero wala talaga. Lahat na siguro ng gamot na binigay ng doctor ko ininom ko na. Lahat ng bagay na sinasabi nila na posibleng magkakaanak ako ginawa ko na pero bigo parin ako. Kaya nagpasya so Gabriel na mag ampon na lang na bata. Noong dumating si Ashley sa buhay namin nabigyan ito ng kulay at naging masaya kami nung una pero dahil sa sobrang busy namin ay hindi na namin siya masyadong nabibigyan ng oras. Kaya hindi ko alam kung paano ko ulit haharapin si Ashley na bunga pala siya sa pagtataksil sa akin ni Gabriel. At inilihim yun ni Gabriel hanggang ngayon. Mabait na bata si Ashley, malambing pero maarte. Kaya naman hindi siya mahirap mahalin. At alam kong wala siyang alam sa nalaman ko. Ang alam ni Ashley ay bunga siya ng pagmamahalan namin ng daddy niya. Hindi namin sinabi sa kanya na ampon namin siya dahil gusto namin sa maramdaman niya na galing siya sa amin. Kaya ngayon ay hindi ko alam ang nararamdaman ko kung maawa ba ako sa asawa ko dahil hindi ko siya nabigyan ng anak kaya naghanap siya ng iba na mabibigyan siya ng anak or magagalit ako dahil pinagtaksilan niya ako. Umiiyak na lang ako dahil sa gulong gulo ako ngayon. Natigilan lang ako ng may biglang kumatok sa pinto. Isinarado ko kasi yun dahilan na hindi agad makapasok si Gabriel. "Hon bukas mo ang pinto mag usap tayo please." masuyo niyang sabi. Kaya agad ko itong binuksan pero wala parin akong kibo. "I'm so sorry. Natakot ako kaya hindi ko sinabi sayo. Baka makipaghiwalay ka sa akin, kaya naisip kong ilihim sayo ang totoo dahil ikamamatay ko kung mamawala ka sa akin. Please patawarin mo ako. Kung ayaw mo akong makausap sa ngayon. It's ok sa guess room muna ako matutulog. Pero nakikiusap ako sayo. Pagbigyan naman natin si Ashley please. Hintayin ka na namin sa baba." Sabi niya at kumuha lang siya ng gamit Niya and then iniwan na niya ako. Heto ako ngayon mag isa umiiyak. Kilala niya talaga ako pag galit ako. Hindi ako nagsasalita at umiiyak na lang. Ganito kami lagi pag may pinag aawayan kami sa guess room lagi siya natutulog para mabigyan niya ng pagkakataong mag isip. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. Ashley's POV "Let's eat. Alam niyo mommy daddy hindi siguro kayo makapaniwala sa nakita ko." kwento ko sa kanila. "Ano yun baby." tanong ni dad na parang pinipilit niyang ngumiti sa akin. Si mommy naman tutok lang sa pagkain niya. "I met someone na kamukhang kamukha ko. Kaya mas lalo akong nainis kay Gerald na napagkamalan ba niya na ako yun eh nakakadiri nga yung babae kanina. Yung suot niya eww nakakadiri. Ni itsura niya parang di niya alam yung the word na maligo--." Nabitawan ni mommy ang kutsara niya kaya natigilan ako sa pagkukwento. "Excuse me" Tipid na sabi ni mommy na tila my problema nga sila. "Dad may nasabi ba akong mali. Galit ba si mommy sa akin." Nakanguso kong tanong na may halong pagtataka. "Hayaan mo muna ang mommy mo, pagod lang siya. Magpapahinga na din ako. Good night" paalam sa akin ni Daddy. Nakita ko si Daddy na sa guess room siya pumasok kaya alam ko na may pinag awayan na naman silang dalawa. Gabriel POV Hindi ko alam na nagpa imbistiga pala si Athena kaya nagulat na lang ako sa ibinato niya ang envelope sa akin kaya agad kong binuksan para malaman ko kung bakit madilim ang awra niyang dumating sa opisina ko. Doon ko ang lahat na ang matagal kong inililihim ay natuklasan niya pero ang hindi ko alam ay kambal pala anak ko at baka malamang sa malamang siya siguro ang nakita ni Ashley kanina. Sa labing pitong taon hindi ko man lang inalam na may kakambal pala si Ashley. Kaya bukas na bukas kakausapin ko muna si Athena na gusto kong kunin ang anak ko kay Belen. Kinaumagahan ay ako ang nagprepare ng breakfast para kay Athena. Si Ashley naman tanghali na nagigising yun sa tuwing wala siyang pasok. "Good morning Hon" bati ko sa aking asawa."Hon nagprepare ako ng breakfast para sayo. Upo ka." dugtong ko. Wala parin siyang kibo. "Hon nabanggit ba ng P I mo na kinuha ko lang si Belen pa siya ang magdala sa anak natin. 18 years ago diba kumuha yung doctor natin nun mg sperm cells at egg cells para maghanap sila ng pwedeng donor na pwedeng magdala ng baby natin pero wala silang nahanap kaya ako na lang ang naghanap. May lumapit sa akin nun na empleyado natin para humingi ng tulong dahil kailangan niyang ipagamot ang nanay niya. Kaya kinuha ko na ang sandaling iyon at pagkakataon na ibigay ko ang gusto niya basta pumayag siya sa gusto ko na siya ang magdadala ng anak natin. Noong una ay hindi siya pumayag kaya hanggang sa lumala ang sitwasyon ng kanyang ina ay pumayag siya. At doon na nagsimula ang lahat. Inilihim ko sayo dahil natatakot ako baka isipin mong nambababae ako kapag iharap ko si Belen na buntis baka hindi mo ako paniwalaan. Anak natin si Ashley at yung kambal niya kaya nagmamakaawa ako sayo nagmamakaawa ako sayo, kunin natin ang kambal ni Ashley, anak natin yun." Paliwanag ko sa kanya at parang hindi parin siya kumbinsido sa sinabi ko. "Iba ang sinabi sa akin ng PI ko sa sinasabi mo, kung anak ko si Ashley ipapa DNA test ko siya at kapag napatunayan ko na totoo ang sinasabi mo kukunin natin ang kambal ni Ashley. " Sabi niya na may pagdududa sa akin. "Sige papayag ako sa gusto mo pero nakikiusap ako sayo ililihim natin kay Ashley na ipapa DNA test mo siya at ikaw mismo ang pumili ng Lab na gusto mo para mas sigurado ka kahit ilihim mo sa akin kung saang mo ito ipapatest ok lang sa akin." Paliwanag ko. "Sisimulan ko ngayong araw na kumuha ng specimen kay Ashley, ayoko tong patagalin." sagot nito. "Ikaw ang bahala hon, basta huwag lang malaman ni Ashley na ipapa DNA mo siya, ayokong magduda yung bata nakikiusap ako sayo." Pakiusap ko sa kanya. "Susubukan ko."malamig niyang sabi. Athena's POV 7:00 pa lang umaga kaya naman hindi pa gising si Ashley kaya nagpasya ako na pumunta ng kwarto niya para kumuha ng kanyang buhok sa suklay niya. Hihintayin ko na lang siyang magising para makapag almusal siya at makuha ko ang kutsara niya ng maipadala ko ito sa Lab. 9:15 na at kakagising pa lang ni Ashley kaya nagpahanda na ako ng breakfast niya kay nanay Rose. "Good morning, nagpahanda na ako ng breakfast mo, come on let's eat." Bati ko kay Ashley. At bumeso naman ito sa akin sabay niyakap niya ako. "I love you mom." lambing niya sa akin. Kaya naman nanlambot ako sa panlalambing niya, na parang hindi niya deserve masaktan. "Nanlalambing ka na naman. May gusto ka nanaman sigurong ipabili ano new phone new dress make-up kit shoes ano." Ngiti kong sabi dahil kapag nanlalambing ito ibig sabihin nun may ipapabili nanaman siya. Sinanay namin kasi siya sa luho ng daddy kaya alam na ko lahat ng gusto niya. "Wala mom, gusto ko lang manlambing, namimis ko lang kayo sobra, kasi palagi kayong busy ni daddy sa company." Lambing niyang sabi sa akin. Pero hindi pa rin nagbabago ang plano ko na ipapa DNA ko siya. "Ok let's eat then." at pagkatapos niyang kumain ay sinabi ko sa kanya na ako na ang maglilipit kaya naman bumalik na agad siya sa kwarto niya. At dun ko na kinuha Ang kutsara at baso niya. Nagpaalam na din ako kay Ashley na may meeting ako ngayon kaya naman hindi na ito nagtanong pa. Pero sa totoo niyan ay dadalhin ko lahat ng nakuha ko sa Lab para ako mismo ang unang makakaalam kung ano ang resulta pero ang sabi sa akin ng Laboratories ay ang pinakabilis na pagkuha ng resulta at 2 to 3 days. Nagbayad na ako ng mahal para irush nila ngayon. At buti naman napakiusapan ko sila kaya in 4 hours ay makukuha ko na ang resulta. Sa 4 hours na paghihintay ko ay nalibot libot muna ako sa mall at nagshopping na din para sa akin at kay Ashley. Kahit naman negative ang results ay hindi pa run magbabago ang tingin ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya kaya tatanggapin ko kahit negative ang magiging resulta. Tatlong oras at kalahati na ako dito sa mall kaya nagpasya na akong bumalik sa laboratory. "Here's the results ma'am." Sabi nung empleyado. Kinuha ko na yung results sa bahay ko na lang basahin para makapagmaneho ako ng maayos. At sa wakas ay nakauwi na ako ng bahay buti na lang wala dito si Ashley sa baba. Baka excited nanaman siya sa mga pinamili ko kung makita niya na may bitbit akong paper bags. Nandito na ako ngayon sa kwarto namin ni Gabriel at deretso muna ako nagshower para naman ok na ok na ako pag nabasa ko na ang results. Huminga muna ako ng malalim bago ko basahin ang resulta. Heto na Heto na kinakabahan na ako. Umiyak na lang ako ng umiyak dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko. Pumunta ako sa guess room para tignan kung nandun si Gabriel pero mabuti na lang at nandito na siya. Mahimbing na Ang tulog niya pero ayaw ko na ipagpabukas pa yung nakita kong resulta kaya naman ay tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at doon siya nagising dahil sa patuloy pa rin akong umiiyak. "Oh hon what happened?" tanong niya sa akin kaya imbes na sagutin ko siya ay niyakap ko na lang siya. Dito na din ako natulog sa guess room kasama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD