Chapter 3

1501 Words
"Anong plano mo ngayon na hawak mo na Ang resulta. Kukunin ba natin ang kakambal ni Ashley?" tanong ni Gabriel sa akin. "Oo naman tayo ang mas may karapatan sa bata hindi sila. Basta hawak mo ang mga papers na magpapatunay na hindi siya ang tunay na magulang ng bata. Na wala siyang karapatan sa bata." Sabi ko sa kanya. "Oo nandyan yung resulta sa library doon ko itinago." Sabi niya. Nandito kami ngayon sa kusina kasalukuyang na nag-aalmusal. At nasa mesa yung resulta. "Mabuti kung ganun dahil gusto kong kunin ang kakambal ni Ashley sa lalong madaling panahon." Sabi ko. "May kakambal po ako mommy." nagulat ako na nagsalita si Ashley sa likod ko. at Nakita pa niya yung DNA results. "Pina DNA niyo ako mommy ng hindi ko alam. Ba-bakit po duda po ba kayo na hindi niyo ako anak. Why? I can't understand? Nananaginip pa yata ako" sampal niya sa sarili niya. "No anak gising ka na. Hayaan mong magpapaliwag kami sayo ng daddy mo." Sabi ko sa kanya at pinaupo ko siya. Ashley's POV Grabe naguguluhan talaga ako sa mga narinig ko. Hindi ko talaga alam na pwede pa lang mangyari yun. Akala ko sa mga palabas lang to pwedeng mangyari. Hindi ko akalain na nangyayari ito sa totoong buhay at talagang sa akin pa talaga to nangyari. "Kailan niyo po siya balak kunin mommy. May tanong lang po ako." masuyo kong tanong sa kanila. "Ano yun baby." masuyong sabi ni daddy. "Kung nandito na po siya magiging kaagaw ko po ba siya sa atensyon niyo mom dad?." nakanguso kong tanong. "Anong klase tanong yan baby. Syempre siguro sa una ibubuhos muna namin sa kanya yung kalahati ng atensyon namin sa kanya sayo naman half. Pero sana maintindihan mo na matagal siyang nahiwalay sa atin. Kaya gusto muna natin na iparamdam sa kanya na hindi niya dapat siya bumalik dun sa peke niyang magulang dahil ibibigay din natin sa kanya ang lahat diba baby." Sabi ni daddy sabay hawak sa balikat ko. "Yes dad" Sabi ko para naman hindi sila mag alala sa akin. "By the way iiwan ka muna namin hahanapin lang namin kung saan sila nakatira ok." matipid na ngiti ni mommy. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang mararamdamam ko sa ngayon. Pero I have no choice kundi tanggapin at mag adjust, huwag lang siyang gagawa na ayaw ko baka ako mismo magbabalik sa kanya sa peke niyang magulang. Belen's POV Nagulat ako na kinakabahan dahil may kotse na nakaparada sa harap ng bahay. Laking gulat ko na si sir Gabriel ang bumaba sa kotse kasama si ma'am Athena. Eto na kaya ang kinakatakutan ko ang kunin nila sa akin si Hannah. Sana naman hindi. "Magandang araw sayo Belen. oh bakit parang nakakita ka nang multo sa itsura mo. Ganun na ba ako kapangit sa ngayon." Sabi niya at mas lalo akong kinakabahan. "Ah eh hindi naman sir. Napadaan po kayo sir?." kabado talaga Ako ngayon pero pilit ko pa ring magpanggap para hindi nila sana mahalata. "Gusto ka lang namin kumustahin. May anak ka na ba?" tanong niya sa akin mas lalo akong kinabahan. "Belen sino yang kausap mo." At lumabas si Berto."Oh may bisita pala tayo Belen bakit hindi mo sila patuluyin. Pasok po kayo ma'am sir."Nakapasok na sila sa loob habang ako ay naninigas pa rin ako dito. Natauhan na lang ako pumalakpak si Berto na mukha ko. "Bakit mo sila pinapasok?"pabulong na galit kong sabi. "Sino ba ang mga yun." Pagtataka niyang tanong sa akin. "Yun ang mga tunay na magulang ni Hannah." paliwanag ko sa kanya. "Ano? pero kailangan pa rin natin silang harapin." Sabi niya sa akin. At pumasok na kami sa loob. "Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo ma'am sir." "Nay bakit po may nakaparada na kotse dito. May bisita ba tayo nay." at mas lalo akong kinabahan na papasok na si Hannah sa loob ng bahay. Kaya naman agad kong inabot ang tubig para makahinga ako ng maayos. "Ayos lang ba kayo nay? Sino po sila nay." Athena's POV "Ayos lang ba kayo nay? Sino po sila nay." napatayo ako sa gulat ko na sa wakas nakita ko na siya. "Anak ko." Gulat kong sabi sa kanya at napalingon siya sa akin. "Ano po ma'am." Sabi niya sa akin na naiilang siya. "Athena huminahon ka." Sabi ni Gabriel sa akin."Belen paano mo nakayanang itago sa amin to. Pati ang anak namin idinamay mo." dugdog ni Gabriel na galit niyang sabi. "Nagmamakaawa po ako sa inyo huwag niyo pong kukunin ang anak ko." pagmamakaawa nito pero sa amin hindi siya naawa. "Alam mong wala kang karapatan sa anak ka yung ang pinirmahan mo. Nakikiusap ako sayo Belen ibalik mo ang anak ko." Sabi ni Gabriel habang ako ay wala ng ibang ginawa at umiyak pati na din si Belen. Hannah's POV Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Gulong gulo pa rin ako at tulala na nakikinig sa usapan nila. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Namanhid ang buong katawan ko na parang isang iglap gumuho ang mundo ko ni hindi ko alam kung magsasalita ba ako o iiyak na lang habang nakikinig sa kanila dahil para akong nawalan ng lakas. Ni hindi ko maibuka ang aking bibig. "Parang awa niyo na huwag niyo kukunin ang anak ko." Pagmamakaawa ni nanay. "Alam mong alam mo na hindi mo siya anak."Sabi nung lalaki. "Pero ako ang nagdala sa kanila sa loob ng siyam na buwan sa loob ng sinapupunan ko kaya parang mga anak ko na rin ang turing ko sa kanila. Tama na, na kinuha niyo na ang kambal ni Hannah. Iwan niyo na lang si Hannah sa akin. " Umiiyak na sabi ni nanay sa lalaki. "Huwag na huwag mong isusumbat sa amin ang pagdadala mo sa mga anak ko dahil bayad ka na sobra sobra pa at ni singko wala kang ginastos nung nagbubuntis ka." sumbat nung lalaki kaya mas lalo akong naguguluhan dahil paanong hindi ako anak ni nanay na gayun ay pinagbuntis niya kami. At may kakambal ako? Ano ba ang nangyayari hindi ko maintindihan. "Iuuwi na namin ang anak namin. Fred kunin mo na ang anak ko" Sabi nung babae at biglang may dumating na lalaki at doon na ako natauhan. "Teka lang. Pwede po ba akong magsalita." At natigilan silang lahat sa akin. "Go ahead anak magsalita ka. " Sabi nung babae na umiiyak pa rin. "Pwede niyo po bang isa isahin lahat sa akin kung ano po ang nangyayari dito. Yung simpleng buhay ko parang isang iglap gumuho ng bigla kayong dumating. Ano po ba ang nangyayari dito. Pinagbuntis ako, kami ni nanay tapos sinasabi niyong hindi niya ako anak at paano po ako nagkaroon ng kakambal kung magkahiwalay naman kaming lumaki. Ang gulo, hindi ko maintindihan. " Sabi ko habang umiiyak ako. "Hayaan mong ako mismo ang magpapaliwanag sayo anak. Ang nanay Belen mo ay kinuha ko, na siya ang magdala sa inyo ng kakambal mo kapalit ang pagpapagamot ng nanay niya. Kaya pumayag siya na magbuntis. Kumbaga inupahan namin ang mattress ng nanay mo para sa inyo dahil ang mommy niyo ay hindi kayang magbuntis. Yung sperm cells at egg cell na ininject ng doctor ay sa amin nagmumula ng mommy mo kaya anak ka namin ng mommy mo. Hindi ka anak ng nanay Belen mo. Sa katunayan nga pina DNA test ng mommy mo si Ashley at positive ang resulta dahil anak nga namin kayo ng mommy mo. Kung ang itatanong mo ay kung paanong hindi kayo magkasama ng kakambal mo ay dahil sa itinago ka ng nanay mo sa amin. Kung bakit ngayon lang namin nalaman na kambal pala kayo ni Ashley dahil sa nagpaimbistiga ang mommy mo kung saan nanggaling si Ashley dahil ang alam ng mommy niyo ay ampon lang si Ashley pero kahit kailan hindi namin sinabi yun kay Ashley. Kaya nakikiusap ako sayo sumama ka na sa amin ng mommy mo. " Umiiyak ako habang nagpapaliwanag siya sa akin at nakatutok ang mata ko kay nanay na naghahanap ng sagot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung magagalit ako o maaawa kila nanay at tatay dahil nilihim nila sa akin ang pagkatao ko. "Totoo ba nay." tanong ko kay nanay habang umiiyak parin ako "Anak" at akma akong hahawakan ni nanay habang umiiyak din siya. "Huwag mo akong hahawakan. Sagutin mo na lang ang tanong ko. " Galit ko sabi kay nanay habang wala paring tigil ang mga luha ko. Tumango tango na lang si nanay. At doon mas lalong gumuho ang mundo ko. Ang sakit eh ang sakit sakit ng ginawa ni nanay. "Minahal ko kayo buong buhay ko. Pero sa kabila ng lahat ng pagmamahal na binigay ko sa inyo, niloko mo lang ako buong buhay ko." Naiinis ko sabi. " At hanggang kailan mo balak itago sa akin to nay?" dugtong ko. Umiyak na lang ng umiyak si nanay. Hindi ko alam kung mapapatawad ko si nanay sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD